SUPPORTERS

Monday, December 31, 2012

Nang lumuhod si Father (Chapter 12)



Ako si Rhon



Siya si Aris, ang una kong minahal

Siya si Alden, ang pangalawa kong pag-ibig
Siya si Jake, ang lalaking umagaw sa pangalawa kong pag ibig...
at ito ang kasunod ng aming kuwento...
Chapter 12
Isang araw ay nagulat ako nang kinatok ako ni tito.
“Mag-ayos ka anak, may bisita ka, naghihintay sa baba?”
Hindi muna ako lumabas. Tinanong ko muna kung sino.
                “Si Aris ba ‘yan tito?”
                “Aris? Ikaw na mismo nagbilin na ayaw mong pag-usapan natin si Aris tapos si Aris agad ang pumasok sa isip mo. Ano ba talaga Rhon? Nakapag-move on ka na ba talaga o in denial ka padin?”
            Hindi ko na lang sinagot si Tito pero tinignan ko siya na parang nagtatanong ang aking mukha.
            “Hindi si Aris.”
                “E, sino?”
                “Kaya nga lumabas ka para makita at makausap mo siya.”
                “Basta siguraduhin ninyong hindi si Aris ‘yan.”
                “Hindi nga…kulit ng batang ‘to.”
                “O, siya, susunod na ho ako sa baba.”
                Pagbaba ko sa hagdan ay kinagulat kong makita kung sino ang aking bisita. Parang hindi ko alam kung lulundag ba ako sa tuwa o babalik na lang sa aking kuwarto. Hindi ko alam kung yayakapin ko siya o basta na lang ordinaryong paglapit at uupo.
                “Kumusta na, anak?”
                Anak? Tinawag na muli niya akong anak? Akala ko ba ayaw na niya akong makita? Akala ko ba kinahihiya niya akong magiging bahagi ng kaniyang pamilya?
                “Okey lang po Pa. Sorry po.” Tumulo ang pinigilan kong luha.
                Lumapit si papa sa akin. Nakita kong mamasa-masa din ang gilid ng kaniyang mga mata ngunit pinigilan lang niya ang pagluha.
                “Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo, anak.” Pumiyok ang boses niya. Halatang hindi sanay sa ganoon. Pinisil niya ang balikat ko. “Pasensiya ka na, nabigla si Papa. Hindi ko kasi alam. Saka ayaw kong sana maging ganiyan ka dahil ayaw kong magiging ikaw ang paksa ng mga panlalait ng mga tao. Nang nawala ka, doon ko napagtanto ang kahalagahan mo sa pamilya. Noon ko naisip na kahit ano ka pa, ikaw ay galing sa akin. Na kahit ano pa ang pagkatao mo, ikaw ay anak ko at iyon ay isang katotohanang hindi maitatanggi. Noong nawala ka sa amin, napagtanto ko kung gaano ko naramdaman na parang may kulang sa buhay namin. Kaya sana mapatawad mo kami, anak.”
                Para sa akin, isa iyong bahagi ng buhay ko na sadyang ipinagpasalamat ko. Ngayon, kung aking iisipin, parang over-acting ang ginawa kong pagyakap kay Papa at paghagulgol bilang paglabas sa lahat nang naipong sakit sa dibdib ko. Ngunit noong ginagawa ko ang bagay na iyon ay hindi ko naisip na korni o OA dahil iyon ay sadyang galing sa aking puso. Isang likas na kinikilos na nagagawa ng kahit sino sa ating nagulat sa isang pagdating ng hindi inaasahang kasiyahan at pagkabuo ng pagkatao. Napakasaya ko nang araw na iyon. Sinabi ni papa na hindi siya aalis na hindi niya ako kasamang umuwi sa bahay.
 Isang paghahanda ang gustong ipagdiwang ni Papa. Lahat daw ay gusto niyang pagsasama-samahin at minsanang ipagdiwang ang lahat ng mga okasyon sa buhay ko na hindi siya nakasama. Ang aking pagtatapos ng college, ang pagpasok at pagtapos ko ng unang taon ng pagkapari at ang muling pagkabuo ng kaniyang pamilya. Iisa ang pumasok sa isip ko noon na gustong makita ang kasiyahan kong iyon. Ang isang taong nakinig at dumamay ng ikuwento ko sa kaniya ang ginawa ni papa sa akin. Taong napaluha dahil naramdaman niya ang bigat ng aking dinadala. Isang nagmahal sa akin sa kabila ng aking mga pagkukulang at pagkakamali. Taong dinamayan ako para makabangon sa sakit na likha ng aking nakaraan…si Alden.
                Dalawang araw ang paghahanda bago ang okasyon ay nagpaalam ako kina Mama at Papa para sunduin si Alden sa Mabalacat, Pampanga. Gusto ko siyang ipakilala sa pamilya ko hindi isang boyfriend kundi kaibigang nagpahalaga sa akin sa loob ng seminary. Gusto kong makilala niya ang pamilya ko. Gusto kong makasama siya sa labas ng walang takot, na walang iniisip na masama ang aming ginagawa katulad nang takot namin noong nasa loob kami ng seminary. Gusto kong maging malaya kami sa paggawa sa alam naming tama ngunit kasalanan sa nakakarami. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman. Iyong siya ang nakikita ko at hindi iba. Iyong hindi ko mabanggit ang pangalan ni Aris kapag pinupuri ko siya.
                Halos dalawang oras din ang biyahe ko mula Makati hanggang sa Mabalacat. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Excited na sobrang kinakabahan na masaya. Basta halu-halong emosyon ang salit-salitang pumapasok sa aking sistema. Mabuti na lang at mahusay ang memory ko kung paano pupunta sa kanila. Hindi nga ako nabigo. Nahanap ko ang bahay nila. Noon ko nakita ang pagkasalat nila sa buhay. 
                Tinanong ko ang isang ginang na abala noon sa paglalaba.
            “Magandang umaga po.  Dito ho ba nakatira si Alden?”
            Ngumiti siya. “Dito nga. Ako ang nanay niya. Sino sila?”
“Ako po si Rhon, kasamahan po ako ni Alden sa seminary. Gusto ko lang po sanang makausap ho siya.” Magalang kong pagpapakilala sa aking sarili at hanapin ang aking sadya.
                “Wala siya dito. Isang Linggo na yata sa Baguio. Malungkot kasi nang umuwi dito. Laging tulala at gusto laging mapag-isa. May pumunta ditong kasamahan niya sa seminary, James? Jay? Hindi ko kasi masyadong matandaan ang pangalan?”
            “Jake? Baka ho Jake ang pangalan nung kasama niya.” Kumpirmasyon ko
“Oo nga, Jake nga ang pangalan. Yayain daw niya sa kanila si Alden nang makalimot daw kahit sandali.”
                “Makalimot? May problema ho ba siya?” tanong ko kahit alam kong ako ang dahilan ng kaniyang kalungkutan.
“Naku pasensiya ka na, hindi din niya sinabi sa akin ang kabuuan ng kaniyang pinagdadaanan.”
“Ah, magkasama po sila ni Jake? Matatagalan ho ba daw siya doon?”
                “Mga dalawang Linggo. Isang Linggo na siya kahapon. Sabi niya, baka daw sakaling makalimot siya sa nararamdaman niyang kakaiba. Gusto daw niyang mawili nang tuluyang makalimutan ang pagkabigo.”
                “Pagkabigo daw ho sa ano?” dahil siya na din lang ang nagsimulang pag-usapan ito kaya naman naglakas loob na din akong magtanong.
                “Hindi ko alam, tinatanong ko siya kung may babae ba sa seminary para mabigo siya sa pag-ibig e, di naman sumagot. May mga babae ba doon sa sa inyo?”
                Nagulat ako sa tanong ng nanay niya. Hindi din ako nakasagot agad-agad. Nag-isip na lang ako ng idadahilan.
                “Nabigo siguro siya dahil hindi ho niya na-perfect ang finals namin. Sanay po kasi si Alden na perfekin ang mga exams.”
                “Gano’n ba! Akala ko naman kung anong pagkabigo ang sinasabi niya. Ngayon ko lang kasi nakitang nalungkot iyon na parang laging tulala at wala sa sarili. Lalim ng mga hininga. Ayaw nga sana niyang sumama kay Jake pero napilitan din ito nang sinabihan kong kailangan niyang magrelax lalo na at bakasyon naman ninyo.”
                Hindi na rin ako nagtagal pa. Hindi ko din naman kasi alam ang address ni Jake sa Baguio para sana masundan ko siya doon.
            Si Jake. Nang una kong makita si Jake, akalain mong hindi siya yung tipong nababagay magpari. Mayabang at presko kung kumilos. Siguro dahil astang lalaking-lalaki isabay pa dito ang maganda niyang katawan. Maputi, tamang tangkad at magaling pumorma. Kadalasan fitted na t-shirt ang suot na lalong nagpatingkad sa hubog ng kaniyang pangangatawan. Matangos ang tamang tubo ng ilong na binagayan ng may kakapalang kilay at mapula-pulang labi. Expressive ang kaniyang mga mata. Kaya naman hindi ko talaga maiwasang pag-isipan sila ng hindi maganda. Natatakot ako na ang atensiyon ni Alden na dapat ay akin lang ay mapunta kay Jake. Kung walang hitsura si Jake, mapapanatag pa sana ako. Sa dinami-dami ng seminaryong hindi naman talaga kaguwapuhan ay bakit si Jake pa ang napili niyang kaibigan?
 Noon ko naisip kung gaano dinamdam ni Alden ang sakit ng pagkabigo sa akin. Nakonsensiya ako sa aking ginawa. Parang nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya ngunit hindi ko alam kung paano. Gusto kong bumawi sa mga kasalanan ko sa kaniya. Gusto kong maramdam niya ang pagmamahal ko. Napakabigat ng nararamdaman ko nang umuwi sa bahay. Hindi ko kayang magpakasaya dahil alam kong sa mga sandaling iyon ay may taong nasasaktan dahil sa hindi ko sinasadyang mga pagkakamali. Pinilit kong inenjoy ang party sa bahay kahit sa sulok ng aking puso ay naroon ang guilt na nararamdaman ko para kay Alden. Isang guilt feelings na alam kong mawawala lamang kung makausap ko siya at maipadama sa kaniyang nagsisisi na ako sa panggamit sa kaniya para makalimot kay Aris, ginawa ko siyang panakip butas, nakikita ko siya ngunit hindi tinitignan. Nahahaplos, nayayakap at nahahalikan ko siya ngunit hindi ko siya nararamdaman at gusto kong sa muli naming pagkikita ay maiparamdam ko iyon sa kaniya. Gusto kong itama ang aking pagkakamali.
                Naging mabilis ang paglipas ng araw at dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko. Ang pagkikita naming muli ni Alden. Ang pagsisimula. Nauna akong dumating sa kuwarto namin. Nakapaglinis na ako at nakatulog. Nagising ako sa pagdating niya. Ngumiti siya ng tipid sa akin nang maibukas ko ang aking mga mata. Tinignan ko ang oras, ala-una ng hapon. Hindi pa ako nananghalian.
                “Kumusta ang bakasyon?” tanong ko. Uminat- inat muna ako. Nang tuluyang mahimasmasan ay saka ako bumangon at umayos ng upo.
                “Okey lang naman.” Matipid niyang sagot. Hindi siya nakatingin sa akin.
            “Nananghalian ka na? May dala akong pagkain.” Alok ko.
            “Tapos na, kumain na kami sa daan kanina.”
            Gumamit siya ng “kami”, hindi ko na kailangan tanungin kung sino ang kasama niya. Bumuntong-hininga ako. Minabuti kong huwag na lang munang pag-usapan ang tungkol kay Jake.
                “Pumunta pala ako sa inyo.” Nakangiti akong lumapit sa kaniya.
                “Alam ko. Sinabi ni nanay sa akin.”
                “Imbitahan sana kita sa bahay no’n kaso nasa Baguio daw kayo.”
                “Pasensiya ka na, huwag na lang pag-usapan.”
            Naisip ko, huwag pag-usapan? Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa lakad nila ni Jake? Bakit?
                “Galit ka ba sa akin, Den?” tanong ko. Umupo ako sa kama niya.
                “Wala ako karapatang magalit. Saka tapos na lahat ‘yun. Wala na sa akin. Kalimutan mo na lang lahat ang mga nangyari noon.”
                Hinubad niya ang kaniyang pantalon at t-shirt. Tanging boxer short na lamang niya ang naiwan. Nakaramdam ako ng kakaiba. Tumingin siya sa akin. Pumuwesto ako ng upo. Inihanda ko na ang sarili ko sa kahit anong mangyari. God…namiss ko ang katawang iyon…ang kaniyang mga hininga, ang labi niya, ang halik…ang pagmamahal.
                Nagkamot siya ng ulo. Para siyang gumawapo sa paningin ko. Parang umitim siya ng bahagya. Lalo tuloy silang nagkahawig ni Aris ngayon. Ahhh! Hinding-hindi ko na dapat pang iniisip si Aris o mabanggit-banggit si Aris kay Alden. Si Alden na dapat ang tuon ang puso at isipan ko. At narito siya ngayon.
                Nanginginig na ako. Gusto ko na siyang hilain sa kama ngunit parang may pumipigil sa aking gawin ko ‘yon. Tinanggal ko na din ang damit ko at tanging boxer short na rin lang ang naiiwan. Bahagya akong sumandal sa mga unan.  Umupo siya sa kama. Tumalikod.
                “Pagod kasi ako. Baka puwedeng mahiga sa kama ko.”
                Parang nakaramdam ako ng kaunting pagkapahiya sa narinig ko. Pero sa tulad kong nasasabik at malakas ang tiwala sa sariling mahal na mahal ako ng taong nasa harapan ko at nakahubad ng pang-itaas ay hindi ganoon kadali tatalab ang sinabi niya. Kailangan kong ipadama sa kaniya ang pagmamahal ko. Kailangan kong ipakita sa kaniyang nagbago na ako kahit daanin ko iyon sa init ng romansa, ng halik at sex basta ang importante ay maramdaman niyang siya na ang gusto kong mahalin at hindi ang nakaraan. Niyakap ko siya. Hinalikan sa likod ng tainga at kinalikot ko ang kaniyang mamula-mulang utong. Tinanggal niya ang aking mga kamay doon. Bahagyan niya ako itinulak.
            “Bakit ayaw mo? Hindi mo ako na-miss?” napahiya kong tanong.
            Huminga siya ng malalim.
                “Hindi mo ba ako narinig, Rhon? Sabi ko pagod ako at baka puwedeng mahiga ako sa kama ko. Inaantok kasi ako. Please?”
            “Okey, fine. Sorry.” Mabigat ang pagkakasabi ko no’n. Hindi siya sumagot. Nakatingin siya sa akin ngunit walang emosyon sa kaniyang mukha. Blangko.
                Parang natauhan ako. Kinuha ko ang damit ko at bumalik sa aking kama. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Sobrang napahiya ako sa nangyari. Nahiga ako at pumikit. Naroon ang sakit ng loob. Naroon parin ang pride. Kung ayaw niya di huwag. Feeling niya pipilitin ko siya. Tignan natin kung sinong hindi makakatiis.
                Ilang minuto palang akong nakahiga at alam kong hindi parin siya nakakatulog nang may mahinang katok sa aming pintuan. Nagkunyari akong tulog kaya siya ang tumayo para buksan iyon.
                “Oh, akala ko matutulog ka?” dinig kong tanong ni Alden. Naroon ang saya ng kaniyang tinig. Hindi katulad nang kausap niya ako kanina.
                “Di ako makatulog eh. Di ba nakita mo namang an’sarap ng tulog ko sa bus kanina?” boses ni Jake. “Nandiyan na ba si Rhon?”
                “Oo, tulog na yata.”
                “Do’n na lang sa kuwarto ko ikaw magpalipas muna ng oras. Wala pa kasi yung roommate ko. Wala akong makausap. Bukas pa daw ang dating kasi galing pa ng Batanes iyon. Saka sa isang araw pa naman ang regular class natin.”
                “Okey lang ba? Baka pagalitan tayo.” paanas niyang tanong. Alam kong ayaw niyang marinig ko ang pag-uusap nila.
“Ayos lang ‘yun. Di naman nila malalaman.”
“Sandali lang, magdadamit ako. Lakas pa naman ng boses mo. Magising mo pa si Rhon.” 
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagsara ng pintuan. Ayaw kong umiyak ngunit parang nasanay na ang mata ko sa pagluha.  Wala akong magawa kundi iluha ang pagseselos. Tama. Nagseselos ako. Sa tuwing nasasaktan ako ay parang ang pagluha na lamang ang paraan para ilabas ang sakit na aking nararamdaman.
Gabi na nang bumalik si Alden sa kuwarto namin. Kinuha niya ang unan at kumot niya. Di ko napigilan ang sarili kong magtanong.
“Sa’n ka matutulog?”
“Kina Jake.”
“Magkasama na nga kayo buong bakasyon, doon ka parin matutulog ngayon?” halata na ang pagmamaktol ko. Di ko na maitago ang nararamdaman kong selos.
“May gusto ka bang ipakahulugan, Rhon.”
Obvious ba? Sabi mo kanina matutulog ka dahil nga pagod ka. Dumating si Jake, hindi ka na pagod at ilang oras ka ding nawala.”
“Nagseselos ka?”
“Kadarating lang natin dito, nagkasama naman kayo nang bakasyon, hindi mo lang ba ako kukumustahin?” pilit kong ibinaling sa iba ang tanong niya. Hindi ko kayang aminin sa harap-harapan na nagseselos nga ako.
“O, kumusta ang bakasyon mo?”
 “Ewan ko sa’yo!” sagot ko
“Tignan mo? Hindi ko alam kung ano ba talaga kasi ang gusto mo. Kinakamusta kita pabalang ang sagot mo.”
“E kasi naman mag-isa ako dito, tapos sa kuwarto ni Jake ka naglalagi!”
“Eh, ano nga naman ngayon sa iyo ‘yun?”
“Wala lang.”
“Wala lang naman pala e? Maliban na lang kung nagseselos ka. Pero, bakit ka nga ba naman magselos e, hindi naman nga tayo? Ano nga ba talaga tayo Rhon?”
Natigilan ako sa pagbalik ng tanong niya sa akin.
“Iwan mo ako dito ngayon mag-isa? Hindi mo ba ako na-miss?” gusto kong ibahin ang usapan. Sa tuwing natatalo ako at walang maisagot, iyon na lagi ang ginagawa ko, ang ibahin kung anong usapan.
“Namiss?” Ngumiti siya. “Bakit naman kita mamimiss. May karapatan ba akong mamiss ang tulad mo?”
“Baka naman…”
“Uyy bilisan mo, kakain pa tayo sa labas, ano ba!” singit ni Jake na biglang bumulaga sa pintuan. Hinila niya si Alden at natatawa namang sumunod ang isa.
Naiwan akong napatulala. Hindi ko na nagawang sabihin pa ang mga gusto kong sabihin. Sobrang sakit ang naramdaman ko ng gabing iyon. Napakadaming tanong sa isip ko kung bakit biglang nanlamig at nagbago si Alden. Sobrang selos at inis ko kay Jake. Hindi ako mapakali ng gabing iyon. Labas-masok ako sa kuwarto. Gusto ko silang katukin sa kanilang kuwarto ngunit ano naman ang karapatan ko para gawin iyon? Ano ang sasabihin ko? Para akong nasisiraan ng ulo. Ansakit ng nararamdaman ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong isipin para mawala yung selos at galit na nararamdaman ko.
Bumalik ako sa kuwarto at pilit kong kalimutan ang mga ideyang sadyang nagpapasakit sa aking kalooban…ang ideyang baka nagkadevelopan na sina Jake at Alden… baka sila na ngang dalawa ngayon… Ano kaya ginagawa nila ngayon sa kuwarto ni Jake? Naghahalikan? Nagyayakapan? Nagsesex? Gusto kong isipin na naghihiganti lang si Alden, na ako parin ang mahal niya. Ginagawa lang niya ito para paselosin ako. Gusto niya lang ipadama sa akin ang dating naramdaman niya noong puro Aris ang bukambibig ko. Sa tulad kong nagseselos, ang tanging paraan para maibsan ang sakit ay ang tiwala. Tiwalang mahal niya ako at hindi niya magagawang ipagpalit ako kay Jake. Tiwalang ginagawa lang niya iyon para lalo ko siyang mahalin at mahanap siya sa puso ko. Ngunit sa likod ng tiwalang iyon na gusto kong isiksik sa isip ko ay tinatalo padin ng takot. Tinatalo ng negatibong pag-iisip. Hindi ko nagawang pagkatiwalaan si Aris nitong mga huli, sinira na iyon ni Aris kaya paano pa ako magtitiwala ngayon kay Alden?
Sa tulad kong nag-iisa at sobrang namimis ang taong wala sa aking tabi. Sa tulad kong nag-iinit at nagagalit ay isang idea ang ginawa ko. Kinuha ko ang gamit nang boxer short niya. Hinubad ko ang boxer short ko. Kinuha ko ang lotion at nilagyan ko ang kamay ko. Nahiga ako sa kama niya. Pumikit ako at nilaro, hinimas ang aking alaga. Pinagalaw ko ang aking imahinasyon. Ibinalik ko sa aking alaala ang mga ginagawa namin ni Alden hanggang uminit ako ng uminit. Si Alden ang pilit kong nilaro sa aking balintataw, ang kaniyang magandang katawan na may ritmong sumasabay sa aking pag-indayog, ang kaniyang mga labi sa aking labi. Ang kaniyang mga dila na sumasalubong sa aking dila. Ang kaniyang galit na galit na alaga at nang maabot ko ang rurok ng aking ginagawa ay biglang si Aris ang pumasok sa aking isipan. Si Aris ang nasa aking imahinasyon nang bumulwak ang aking katas. Nag-iwan iyon sa akin ng hindi maipaliwanag na kaisipan.
Kinaumagahan ay sinikap kong simulan ang pakipaglaro sa kanilang dalawa. Gusto kong malaman kung pinapaselos niya ako. Kung ganoon man, kailangan kong ipakita ko sa kaniyang hindi ako apektado. Kung sa tingin niya ay masasaktan ako sa ginagawa niya ay iparamdam kong wala akong pagmamahal sa kaniya. Gusto kong gawin iyon. Ngunit sa tuwing nakikita kong masaya sila ni Jake ay lumalabas ang tunay kong nararamdaman. Nagseselos nga ako ngunit ayaw kong patalo. Pride sa pride. Ayaw ko silang pansinin ngunit kahit hindi ko sila nakikita ay hindi ko matanggal sa aking isip na magkasama sila at masaya. Sana ako ang kasama ni Alden, sana ako ang naroon ngayon.
At isang araw, isang hindi ko nakayanang tagpo ang sumambulat sa akin na siyang naging sanhi ng paghanga ko sa tunay na pagmamahal. Isang pagmamahal na noon ko lang natuklasan. Pagmamahal ni Alden na hindi ako makapaniwalang nagawa niya. 

Nang lumuhod si Father (Chapter 11)

Ako lang naman ang kinaiinisan ninyong si RHON

Siya si Aris, ang lalaking una kong minahal

Siya si Alden, ang nagmahal sa akin sa kabila ng aking pinagdadaanan kay Aris

at ito ang aming kuwento...
Chapter 11

Sa ilang buwan na magkasama kami ni Alden sa iisang kuwarto ay siya ang madalas lumalapit at suyuin ako. Sobrang pinadama niya sa akin na kahit hindi ko siya napapansin ng siya ay matiyaga niyang ipinapakita ang kaibahan niya kay Aris. Ngunit nauna si Aris sa buhay ko. Bahagi siya ng malaking porsyento ng nakaraan ko at parang hindi ganun-ganon lang kadaling bigyan ng puwang si Alden.

“Uyy! Ang gara naman ng ayos ng buhok at porma…katulad na katulad talaga…”
“NI ARIS!” sigaw niya sa mukha ko. Iyon talaga dapat ang sasabihin ko ngunit inunahan na niya ako sa pagbanggit sa pangalan iyon.
“Galit ka ba?” tanong ko.
Hindi siya sumagot. Lumabas siya ng kuwarto. Patapos na noon ang unang taon namin. Magsesecond-year na din kami. Malapit na noon ang finals at noon ko naisip, halos isang taon na palang araw-araw kong nababanggit si Aris sa kaniya. At noon ko lang siya nakitang nagalit at nanigaw ng ganoon. Noon lang niya ako tinignan ng matalim bago lumabas ng kuwarto. Naiwan ako doong napaupo sa aking kama at muling binalikan ng alaala ang ilang buwan na din niyang paghihintay.

Isang gabi noon habang nilalaro niya ang mga daliri ko at nakaunan ako sa kaniyang tiyan.
“Mahirap lang kami. Ulila ako sa ama. Nanay ko labandera lang din.  Lumaki din ako halos sa kumbento dahil aktibo ako sa pagtulong sa kahit sinong pari na madestino doon.” Pagsisimula niya.
“Talaga. Halla, parang si Aris ganyan na ganyan din. Ang pinagkaiba lang ninyo ay may nanay ka. Siya kasi ulilang lubos na. Kaya buong buhay niya sa kumbento na siya tumira.”
“Ah, talaga? Puwede bang buhay ko na muna pag-usapan natin?” tumingin siya sa aking mga mata. Nakangiti.
“Sige. Tuloy mo. Pasensiya na.”
“ Kahit naghihirap kami pinalaki kami ni nanay na palasimba kaya siguro iyon ang dahilan kumbakit naging pangarap na niya na sana magkaroon ng anak na pari. Iyon lagi ang sinasabi ni nanay, na sana, maging pari na lang ako. Wala akong pampaaral sa sarili ko pero dahil sabi nila matalino naman ako ay tinulungan ako ng simbahan at nang pari sa amin na makatapos ako ng pag-aaral. Hanggang napagdesisyunan ng lahat na sayang ang katalinuhan ko at kabaitan kung hindi ko ipaglilingkod sa simbahan.”
“Yung pari ba na sinasabi mo ay hindi humingi ng kahit anong kapalit sa tinutulong niya sa iyo?”
“Hindi naman. Wala. Mabait lang talaga yung paring ‘yun.”
“Eh kasi may tumulong na pari kay Aris din noon…”
Nakita kong hininto niyang himas-himasin ang mga daliri ko. Tinignan ko siya. Binaling niya sa iba ang kaniyang mga tingin.
“Sige, tuloy mo ang kuwento mo.” Sabi ko at ako naman ang kumuha sa mga daliri niya at pinisil pisil ang kaniyang hinlalaki.
 “Alam mo bang pangarap ko sana maging abogado o kaya inhinyero? Kaya lang wala akong ibang option. Paano ko sasabihin sa mga umaasa at nagpapaaral sa akin na hindi ko talaga pangarap ito? Gusto kong umasenso ang pamilya ko. Gusto kong maibigay ang pangarap ni nanay sa akin. Gusto kong mabayaran ang utang na loob ko sa mga tao at paring tumutulong sa akin at ito, sa paraang ito lang ang alam kong puwedeng gawin para magawa ko iyon.”
“Bakit hindi mo subukang sabihin sa kanila? Si Aris nga nagawan niya ng paraan na makatapos na hindi umasa sa pari? Kaya alam ko, kaya mo din ‘yun.” Mabilis kong sinabi iyon kaya huli ng makita ko siyang napailing.
“Dati naman pinangarap ko talaga maging pari, noong  high-school ako. Kaso nang tumuntong ako ng third year college ay biglang nagbago ang gusto kong tahaking landas. Wala kasi akong makitang sign na ito nga talaga ang gusto kong gawin sa buong buhay ko. Wala na sa puso ko ang pagpapari. Gusto kong maging isang mahusay na abogado o isang inhinyero ngunit lahat ng nagpapaaral sa akin ay umaasang magiging isa akong mahusay na alagad ng Diyos. Di ba puwede naman akong magsilbi sa Diyos na hindi ko na kailangang maging pari? Puwede kong tulungan ang mga taong naaapi, mga taong nakukulong na walang kasalanan? Di ba puwede ko din ipalaganap ang salita ng Diyos at maging aktibong kasapi sa simbahan kahit hindi ako pari?”
“Puwede naman. Kaso iba parin talaga kung pari ka. Pero ikaw lang naman kasi ang makakapagdesisyon para sa sarili mo. Walang ibang puwedeng magbago sa buhay sa paraang gusto mo kundi ikaw lang din. Kaya pag-isipan mong mabuti kung saan ka ba talaga masaya.”
“Alam mo bang ikaw ang isa sa dahilan kaya hindi ako sumusuko dito? Kaya kahit papano nagiging makabuluhan ang bawat araw ko kung nakikita at nakakasama kita. Hindi ko ramdam ang pagkabagot, hindi ko napapansin ang paglipas ng araw. Masaya akong nakikita ka sa labas kahit hindi tayo nagkakasama. Makita ko lang na nakangiti ka sa akin, kumpleto na ang araw ko. Ano pa kaya kung mga ganitong gabi na yakap kita o nahahalikan. Sana mahalin mo ako ng tulad ng pagmamahal mo kay Aris. Sana makita mo ako ng ako at hindi siya ang nakikita mo sa akin.”
“Nasa seminary tayo kaya hindi yata puwedeng mangyari ang gusto mo.”
“Bakit hindi puwede? Ginagawa na natin ngayon ang ginagawa ng magkarelasyon. Kulang na lang iyong sabihin mo na mahal mo din ako. Pakiramdam ko nga lalo tayong nagkakasala sa ginagawa natin sa loob. Para natin binababoy ang simbahan nito.”
“E di mas lalo na tayong nagkakasala kung gusto mong maging official na tayo. Tama na muna ‘to. Masaya naman tayo e.”
“Mas masaya sana kung tayo. Hindi mo ba ako mahal? Kasi ako mahal na mahal kita.”
“Salamat po.”
“Ganun? Salamat lang?” nilayo niya ang palad niya sa mga kamay ko. “Sige na, matulog na nga tayo. Maaga pa tayong magising bukas.
“Pinapalipat mo ako sa kama ko?”
“Hindi naman sa ganoon, ikaw lang naman nasusunod sa atin e. Kung saan mo gusto e di doon ka. Wala naman nasusunod na kagustuhan ko kaya ikaw kung saan mo gustong matulog.”
Niyakap ko siya. Nang una tinanggal niya ang kamay ko. Tumalikod ako.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin ilang sandali lang mula nang tumalikod ako.
            “Hindi kasi kita kayang tiisin kaya ako nahihirapan ng ganito.” Paanas niyang sinabi sa aking tainga.
Maiidlip akong nakangiti.

           Iyon ang naalala kong mga tagpo sa amin noon. Dama ko kung gaano siya nasasaktan sa mga ginagawa ko, idagdag pa ang katotohanang napipilitan na lang siyang gawin ang isang bagay dahil mas nakakarami ang nangangarap na magiging isang mahusay siyang pari. Iyon bang pakiramdam niya ay siya lang ang may gusto pero lahat ng taong nakapalibot sa kaniya ay iba ang gustong ipagawa sa kaniya at para sa nakakarami, kahit gaano kasakit na isuko ang pansariling kagustuhan ay ginawa niyang pumasok sa seminary. Mahusay nga naman talaga siya sa kahit saang larangan. Siya ang isa sa mga pinakamatalinong seminaryo.
Pati sa relasyon namin, hindi rin niya kayang ipilit ang gusto at sumusunod lang siya sa kung ano ang gusto ko at kaya kong ibigay. Alam kong mas nahihirapan siya sa sitwasyon namin. Mahabang panahong nanahimik siya. Tiniis niya lahat kahit alam kong nasasaktan siya sa tuwing si Aris pa din ang bukambibig ko kahit siya ang nasa harapan ko. Ilang buwan siyang hindi nagreklamo. Ngunit kahit gaano pa kabait ang isang tao ay dumadating din sa puntong mauubusan na siya ng pasensiya.
. Alam kong napuno na siya at wala na siyang pagsisidlan pa ng pang-unawa sa akin. Nagsawa na din siya sa katatanong kung ano nga ba talaga kaming dalawa. Siguro, tuluyan na nga din siyang naniwalang walang magiging kami ngayon at lalong hindi magiging kami sa hinaharap. Gamitan. Iyon ang alam kong tumatakbo sa isip niya lalo pa’t sa tuwing sinasabi niya noon na mahal niya ako, ang laging tugon ko ay salamat po. Hanggang sa napagtanto niyang solohin na lamang ang nararamdaman at huwag nang umasa na may patutunguhan ang sa amin.
                Nang  nagtanghali ay sinikap ko siyang senyasan sa pamamagitan ng pagpupunas sa nguso ko ngunit hindi siya pumansin. Parang wala siyang nakita ngunit nag-asume ako na susundan niya ako. Tatlumpong-minuto na ako sa loob ng kuwarto namin at labinlimang minuto na lang ay matatapos na ang break ngunit wala pa siya kaya nagdecide na akong lumabas.
Lalo akong nag-init nang makita kong kausap lang pala niya si Jake. Ang matagal ko ng napapansin na lagi niyang kasama na barkada daw niya ngunit may kakaiba akong nararamdaman sa kanilang dalawa. Naisip ko, puwes, mamayang gabi magtutuos tayo. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam na ako ng selos sa kanila. Ayaw kong maniwalang nahulog na ang loob ko kay Alden ngunit ganitong-ganito ang naramdaman ko noon kay Aris. Ganitong-ganito ang tibok ng aking puso, nang inis noong may kasama siyang iba nang recess namin noong high school palang kami. Mahal ko na ba si Alden?
                Kinagabihan ay hinintay ko lang na magiging tahimik ang lahat. Nakahiga na siya sa kama niya noon. Tahimik at nakatalukbong. Alam kong gising pa siya. Ayaw lang niya ako kausapin at imikan.
                “Mag-usap nga tayo.” mahina ngunit galit kong sinabi. Hinila ko ang nakatalukbong niyang kumot. Tinignan ako ng masama saka niya muling nagtalukbong.
            “Sabi ko mag-usap tayo.” Muli kong tinanggal ang kumot.
                “Ih! Ano ba! Tungkol san? Tungkol kanino…kay Aris?” bumangon siya  at pumuwesto ng upo.  
        “Bakit napasok si Aris dito?”
“Di ba nga wala ka ng ibang bukam-bibig kundi si Aris? Kahit yata ako napagkakamalan mong si Aris na.”
“Tungkol sa iyo at kay Jake.”
Anong tungkol sa amin?”
“Kayo ba?”
“Ohh, come on…kami ni Jake? Gumagawa ka ba ng pag-usapan? Alam mong kaibigan ko si Jake. Sa kaniya na nga lang ako nakikipag-usap ng kahit ano sa mundo at hindi iisa ang subject tulad ng sa iyo. Aris… Aris… Aris..nakakasawa at walang kamatayang Aris! Kahit nagkukuwento ako ng buhay ko, nagagawa mo paring isingit si Aris sa usapan natin.”
“Bakit ba pilit mong isinisingit si Aris sa usapan natin ngayon!”
”Dahil sa Aris na iyan nag-uugat ang lahat ng ito. Dahil siya ang lagi mong nakikita sa akin….dahil siya laging laman ng kuwento mo…dahil nagseselos ako sa wala dito at higit sa lahat dahil alam kong siya parin ang mahal mo!”
“Iyon na nga eh, kailangan mo bang magselos sa nakaraan ko? Kailangan mo bang makipagkompetensiya sa taong may asawa na at wala dito ngayon?”
“Alam mo, simple lang sana naman ang sagot diyan e, HINDI! Hindi ko dapat sanang pagselosan yung nakaraan mo, hindi ko dapat pagselosan iyong may asawa na at wala dito pero alam kong alam mo na hindi ko masasagot iyon ng ganoong sagot dahil ang totoo niyan ay OO. Nagseselos ako sa kaniya. Wala akong karapatan sa iyo Rhon. Hindi tayo. Ayaw mong i-commit ang sarili mo sa akin. Pakiramdam ko, gamitan lang tayo sa ‘lang-hiyang sex. Ni hindi ko alam kung ano ako sa’yo. Masakit sa akin na alam mong mahal kita ngunit ako, hindi ko alam kung ano ako sa iyo. Ginagamit mo akong pantapal kay Aris o kaya pangkamot kapag kinakati ka. At alam mo kung bakit. Ngayon, huwag mo akong matanong-tanong kung bakit kailangan kong magselos sa nakaraan mo dahil ni hindi ko alam kung ako ba ang kasalukuyan mo!”
Hindi ako umimik. Alam kong tama siya.
“Alam ko namang alam mo eh pero kailangan kong sabihin sa iyo dahil gusto mong marinig na alam ko din ang alam mo.” Pagpapatuloy niya. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata. Pinipigilan niya ang tuluyang pagluha.
“Hindi mo ako mahal. Nakikita mo lang ang katauhan ni Aris sa akin. Gusto mong ako ang Aris na nasa utak mo. Pero sana malaman mo kahit kailan hindi eh, ako si Alden. Iba si Aris kay Alden. ‘Tagal kong nanahimik. ‘Tagal kitang inunawa. Akala ko kung mananahimik ako darating yung panahon na maisip mo at matanggap na ako ito. Hindi kahit kailan magiging siya ang ako. Kailan mo ba maisip na sinasaktan mo na ako? Hanggang kailan mo bubuhayin si Aris sa katauhan ko?
“Iyon ba ang akala mo?” gusto kong magsinungaling para kahit papano ay maibsan ang nararamdaman niyang sakit. Tuluyan niyang ginigising ang mali kong pagturing sa kaniya. Tumatama ang lahat sa kaibuturan ng aking puso.
“Lupit mo! Tagal kitang binigyan ng panahon na marealize mo kung ano ba ako sa iyo at kung sino si Aris at Alden sa buhay mo. Napakatagal kong nagiging tanga. Masarap nga namang maging tanga dahil sa tindi ng ginagawa natin sa kama. Masarap nga din magpakamanhid dahil sobrang gwapo at sulit naman sa galing sa kama ng kasiping ko. Ngunit sana gano’n lang kasimple iyon eh. Pero yung ikumpara mo ako araw-araw sa kaniya at iyong siya lang lagi ang nasa kuwento mo at hindi mo na ako napapansin pa..’yun…’yun ang sobrang sakit. Kaya huwag mong ibaling sa amin ni Jake ang problema. Wala sa amin ang problema, Rhon, nasa sa iyo.|
Dahil sa narinig kong iyon ay natauhan ako. Tama siya.
“Anong gusto mong gawin ko ngayon?” tanong ko. Gusto kong marinig kung paano ko maitatama ang mga nagawa kong pagakakamali sa kaniya.
“Tinatanong mo ako kung anong gusto ko? Baka mas mainam na tanungin mo ang sarili mo kung sino ba talaga ang gusto mo? Pasensiya ka na Rhon, pero mas mainam na alamin mo muna sa sarili mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo bago mo ako tanungin kung ano ang gusto ko. Hindi na mahalaga pang pag-usapan kasi dito kung ano ang gusto ko. Mas mainam na pag-isipan mo kung ano nga ba ang gusto mo.”
“Paano ko maayos ito kung ayaw mong sabihin sa akin.”
“Matalino ka eh! Dapat alam mong gusto kong ipaintindi sa’yo! Gusto kong ayusin mo muna ang sarili mo. Pag-isipan mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo dahil hindi ka makakagawa ng tama para sa iba kung sarili mo ay hindi mo alam kung ano nga ba ang nais mo. Bumalik ka na sa kama mo. Gusto ko nang magpahinga.” Pagkatapos no’n humiga na siya, tumagilid patalikod sa akin at nagtalukbong.
Magmula noon ay hindi na niya ako pinansin. Binigyan ko na rin lang siya ng laya hindi para tuluyan siyang kalimutan kundi gusto kong hanapin siya sa puso ko. Gusto kong siya na ang nakikita ko at hindi si Aris. Mabuti siyang tao. Wala siyang kasalanan para gamitin ko ng ganito.
Naisip ko na siguro naging mabilis lang ang pangyayari. Hindi ko na muna hinintay na maghilom ang sugat na likha ni Aris sa puso ko at tumalon ako sa isang pagtitinginan na ang mahal ko ay si Aris parin. Isang Linggo na lang at bakasyon na. Iyon ang pagkakataong hindi ko makikita si Alden at ang mga panahong magkalayo kami ay subukan ko siyang hanapin sa puso ko. Subukan kong palayain na nang si Aris sa puso ko at papasukin si Alden.
Gabi bago ang bakasyon..
“Puwedeng tumabi?” paalam ko sa kaniya habang nakatihayang tanging boxer short lang na puti ang suot.
Hindi siya umimik pero umusod siya. Binibigyan niya ako ng puwesto. Tumabi ako. Tumihaya. Nakiramdam. Lumingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa kisame. Malungkot. Nang bawiin ko ang aking tingin ay nilingon niya ako. Nagtama ang aming mga mata. Nanatiling walang gustong magsalita. Bahagya kong inilapit ang labi ko sa labi niya. Tumitig lang siya sa akin. At ilang saglit pa ay tuluyan ko ng nilapatan ng matamis na halik ang kaniyang mapupulang labi. Nang una ay hinayaan lang niya ako ngunit nang naglaon ay hinawakan na din niya ang aking batok at muling nag-init an gaming mga katawan. Ginalugad ng kamay ko ang kabuuan ng kaniyang katawan. Tinulungan niya akong hubarin ang aking sando at boxer short hanggang sa tuluyang sinakop ng init ng aming katawan ang lahat ng di namin pinagkakaunawaan. Pinagsaluhan namin  ang pinakamainit naming pagniniig. Nilasap namin ang sarap ng pinagbawal naming langit. Mas mapusok. Mas mainit ngunit naramdaman ko ang igting ng kaniyang pagmamahal. Alam ko nang gabing iyon ay siya na ang lalaking humahagod ng halik sa aking likod. Siya na ang nagbibigay ng kakaibang sarap at kiliti sa aking kabuuan. Naroon ang kakaibang pagsinta kasama ng maluwalhati naming pagpaputok ng rurok ng sarap. Bago ako iginupo ng antok ay ikinulong ko siya sa aking mga bisig. Tanda ng aking pagmamahal. Ngunit hindi ko pa iyon nasasabi. Hindi pa ako handang sabihin na bukod kay Aris, naroon na siya sa puso ko. Mahal ko na rin siya.
Kinabukasan ay wala siyang imik. Nakiramdam ako. Maingat niyang sinilid ang kaniyang mga naiiwan pang damit sa luma niyang bag. Pilit niyang isiniksik doon ang kaniyang mga gamit.
“Gusto mong hiramin itong isang bag ko?” pambabasag ko sa katahimikan.
“Okey lang. Nagkasya ito nang dumating ako dito, wala naman akong dinagdag na gamit kaya sigurado mapagkakasya ko din lahat ngayon. Kung sana puwede ko lang ibagahe yung naipon dito sa dibdib ko na sakit at lungkot, sana hiramin ko yung isang bag mo baka sakali mas madali sa akin ang paghinga. Bakit ganun? Pumunta ako dito na dala lang ang isang pangarap para sa mga taong umaasa sa akin, bakit ngayon at uuwi ako, napakabigat ng pakiramdam ko.”
Hindi ako nagsalita. Niyakap ko siya.
“Gusto mong sumabay na lang sa akin? Susunduin ako ng tito kong pari. Idadaan ka na lang namin sa paradahan ng bus sa Cubao papuntang Pampanga.”
“Huwag na, nasabi ko na kay Jake kahapon na sa kaniya na lang ako sasabay.”
Natabangan ako sa sagot. Tinanggal ko ang aking pagkakayakap. Hindi na ako nagsalita. Kinuha ko na ang bagahe ko at walang imik na tinungo ang pintuan.
“Ganu’n na lang iyon? Basta ka na lang aalis?” pahabol niya.
“Di ba nga sasabay ka kay Jake?” hindi na ako lumingon. Bahagya lang akong huminto. Nang bubuksan ko na sana ang pintuan ay pinigilan niya ang kamay ko. At sa isang iglap ay naramdaman ko ang kaniyang labi sa aking labi.
“Mag-iingat ka. Mamimiss kita Rhon. Alam mong mahal na mahal kita. Huwag ka ng sumagot. Alam ko. Basta ingat ka lagi. Kita-kits na lang next school year.” Yumakap siya sa akin.
Binuksan niya ang pintuan. Ngumiti sa akin pero halata ang lungkot sa kaniyang mga mata. Nang lumabas ako ay agad na niyang isinara ang pinto. Minabuti kong umalis na din lang.

                Sa kumbento kung saan nadestino si tito ako tumuloy at doon ko balak gugulin ang buong bakasyon. Dumating ako at pinakiusapan ko siyang wala munang balita tungkol kay Aris dahil nagsimula nang nagagamot ang galit sa puso ko. Naroon parin ang pilat ngunit magsisilbing mga alaala na lamang ang lahat ng iyon. Ang pilat ng nakaraan at ang tanging naiwan ay ang wagas na pagtatangi sa kaniya. Ngunit sa mga sandaling iyon ay pilit kong isinantabi si Aris. Gusto kong iwanan na siya sa nakaraan. Itago siya doon at harapin kung ano ang kasalukuyan at maaring sa hinaharap. Gusto kong hanapin si Alden sa puso ko. Ninais kong bigyan siya ng lugar doon nang hindi ko siya kailangan ihambing sa aking nakaraan. Iyong solo niya ang trono. Iyong hindi ko na siya ihahambing pa kay Aris dahil totoo nga naman, siya ay siya at si Aris ay si Aris.
                Tama ngang kapag hindi mo nakakasama at hindi nagpaparamdam ang taong hindi mo napahalagahan ng husto ay doon mo lang maramdaman ang tunay na kahalagahan niya sa iyong buhay. Sa isang Linggong hindi ko nakasama at nakikita si Alden ay naramdaman kong hinahanap ko siya. Gusto kong madinig ang malutong niyang mga tawa, ang garalgal niyang boses, ang haplos niya sa aking katawan, ang init ng kaniyang labi, ang likot ng kaniyang dila at ang init ng kaniyang katawan. Noon ko lang naisip ang lagkit ng kaniyang mga titig, ang bango ng kaniyang hininga, ang tigas ng kaniyang katawan at ang masuyo niyang paghalik sa aking mata, ilong pisngi na tumatagal sa aking mga labi. Inaamin ko, namimiss ko siya. At sa sulok ng aking puso, naroon siya. Mahal ko na din siya kahit sabihing mas mahal ko si Aris ay naroon si Alden na hindi ko lang pinansin noon.
Isang araw ay nagulat ako nang kinatok ako ni tito.
“Mag-ayos ka anak, may bisita ka naghihintay sa baba?” bungad ni tito sa akin.
Hindi ko alam kung tatanungin ko siya dahil wala akong inaasahang magiging bisita. Nanlamig ako. Hindi ko alam kung paano siya haharapin.