Patrick
Zanjo
Love
Chapter 17
Buong akala ko, pinsan ang turing sa akin ni Love dahil iyon din naman ang turing ko sa kaniya. Ngunit nang nagtapos siya ng High School at dahil sa isang halikan “daw” namin nang isang gabing tulog ako at nang madalas kong pagsama-sama sa kaniyang nang magkaaway kami ni Zanjo ay binigyan niya ng malaking kahulugan. Kahulugan na umabot sa matindi niyang damdamin para sa akin.
“Sige, inaamin ko, naging kami ni Zanjo. Alam mo naman na pala ang buo kong pagkatao at ang tungkol sa amin ni Zanjo, kaya wala na akong puwedeng itago pa sa’yo. Kaya lang, kung iniisip mo na puwede na kitang mahalin at magiging tayo ngayong na wala siya ay sinasabi ko sa’yo na mukhang hindi mangyayari iyon.”
“Bakit?” tanong niya. Sa tingin niya sa akin ay parang hindi pa din siya makapaniwala.
“Alam mo kung bakit. Kahit magpinsan lang ang sina Daddy at Mama mo, malapit parin tayong magkamag-anak. Magpinsan pa din tayo.”
“Yun lang ba ang dahilan kaya hindi mo ako magustuhan.”
“Huwag mong sabihing iyon “lang” ang dahilan kasi ang sinasabi mong “lang” ay isang malaking balakid para patulan kita.”
“Paano kung hindi nga talaga tayo magpinsan, mamahalin mo kaya ako?”
“Hindi ko alam. Siguro pwede pa ngunit mas maiging magmahal ka na lang ng iba insan.”
“Hindi mo alam? Mahirap ba akong magustuhan?”
“Love, maraming puwedeng magkagusto sa’yo. Yung hindi mo kaano-ano. Sige sabihin na nating lalaki tayo pareho walang kaso sa akin’yun ngunit yung dagdagan pa ang katotohanang magpinsan tayo. Sa tingin mo anong sasabihin ng mga nakakakilala sa atin?”
“Hindi tayo magpinsan. Inampon lang ako nina Mama at Papa sa kapatid ni Papa na nabuntis sa pagkadalaga at namatay isang taon pagkatapos ako ipinanganak. Akala ko alam mo iyon? Naging bukas na aklat ang buhay ko sa lahat.”
“Ano? Ampon ka?” nagulat ako sa narinig ko. Parang hindi ako makapaniwala.
“Oo. Hindi tayo magpinsan.
“Alam ba nina Mommy at Daddy ang tungkol dito?”
“Malamang alam nila. Itinuring akong tunay na kapamilya ng pamilya nina Mama at dahil doon ay alam kong tanggap ako ng lahat. Hindi nila ipinaramdam na iba ako. Kaya siguro hindi din nabanggit ng Mommy mo ang tungkol sa tunay kong katauhan dahil kamag-anak ang turing sa akin ng lahat. Alam ko ang buong katotohanan kahit noong elementary pa ako kaya mula’t sapol hindi na pinsan ang kung anumang pagtatangi ang nararamdaman ko sa’yo. Matagal na kitang lihim na minamahal.”
Bigla akong natahimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa totoo lang, hindi ko napaghandaang marinig ang sikreto sa pagkatao ni Love. Sige, hindi sikreto sa karamihan ngunit hindi ko iyon alam kaya ako naguguluhan.
“Ngayon, may karapatan na ba akong iparamdam ang pagmamahal ko sa’yo?”
“Kahit magpinsan tayo o hindi, itinuturing parin kitang pinsan. Pagmamahal lang sa isang kamag-anak ang kaya kong isukli sa sinasabi mong pagmamahal mo sa akin, Love.” Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa kaniya.
“Sa ngayon siguro, maaring iyon lang ang kaya mong ibigay ngunit hindi ako basta-basta sumusuko. Hindi ako madaling mapanghinaan ng loob. Napakatagal na panahong hinintay ko ang pagkakataong ito. Wala na si Zanjo, ako na yung nandito. Kaya wala ng dahilan para hindi ko ito ipaglalaban.”
“Anong ibig mong sabihin na dahil wala si Zanjo ay sa tingin mo ibabaling ko na sa iyo ang pagmamahal ko?”
“Siya lang naman ang nakapagpigil noon sa akin para aminin ko sa’yo kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon para mapansin mo. Siya lang ang tanging nakikita mo noon. Kahit may mga ginagawa akong paraan, nanatiling bulag ka para sa akin. Ngayon at may pagkakataon akong ihayag at iparamdam kung gaano kita kamahal, hindi ko aaksayahin ang panahong ibinigay sa akin. Noon nga, kahit bata pa ako, kahit alam kong nandiyan na si Zanjo sa buhay mo at kahit lihim pa ang tunay na nararamdaman ko sa’yo ay kaya kong magtiis at mahalin ka ng hindi naghihintay ng anumang kapalit, ngayon pa kayang handa na ako, wala na si Zanjo at alam mo na kung sino ako at ng nararamdaman ko sa’yo.” Lumapit siya sa akin. Hindi ko alam kung saan niya hinihugot ang lakas ng kaniyang loob para magtapat sa akin ng walang kagatol-gatol.
“Hindi ko alam ang sasabihin ko. Tatapatin kita. Sa ngayon Love, wala akong nararamdaman sa’yo kundi pagmamahal lang para sa isang kaibigan o kamag-anak. Iyon lang ang kaya kong ibigay sa’yo.”
“Sa ngayon siguro, ngunit hindi ako titigil hanggang sa mahalin mo din ako. Patutunayan ko sa’yo yun. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon.”
“Bakit sa akin pa kasi.”
“Bakit hindi sa’yo? Tinatanong mo ako sa bagay na hindi ko din masagot kung bakit ikaw. Sa tuwing nagmamahal ba tayo dapat laging may dahilan? Hindi ba puwedeng magmahal dahil iyon ang nararamdaman?”
“Hindi ko alam Love. Pero baka puwedeng hayaan mo na muna akong magpahinga. Kanina ko pa gustong magpahinga. Puyat pa ako. Doon ka na muna sa kuwarto mo.”
Tumingin siya sa akin. Napabuntong-hininga. Tumayo siya at tinungo ang pintuan. Pagkalabas niya ay bumangon ako at ni-lock ko iyon. Lalong naging masalimuot sa akin ang lahat. Hindi ko na alam ang aking iisipin lalo pa sa narinig kong katotohanan tungkol sa kaniyang tunay na pagkatao. Hindi mahirap mahalin ang kagaya ni Love. Guwapo, maganda ang katawan at mabait. Lahat ng puwedeng hahanapin ng kagaya ko na dapat meron ang kanilang mga minamahal ay nasa sa kaniya.
Mahal ko din naman si Zanjo, ngunit nasaan siya. Nasa sitwasyon kami ni Zanjo na kung saan tutol sa amin ang mga pagkakataon. Ni hindi ko alam kung muli pang magku-krus ang aming landas o kung mapag-iisa pa kami ng pagmamamahal. Iba ang ipinaglalaban niya sa paniniwala ko. Ang nasa paniniwala niya, ang yumaong si daddy ang dahilan ng pagkamatay ng tatay at ate niya, ako, hindi na mabubura pa sa paniniwala ko na kasamahan niya ang pumatay kay daddy na siyang naging sanhi din na muntik na pagkamatay ni Mommy. Ngayon, paano masosolusyunan ng pag-ibig ang mga sigalot na iyon. Samantalang may isang tao dito na handang iparamdam ang pagmamahal na hindi na kaya pang tugunan ni Zanjo.
Ngunit wala akong nararamdaman kay Love. Oo maaring humahanga ako sa pisikal niyang kakisigan ngunit wala pa akong nararamdamang kakaiba. Ngunit paano kung mangyari sa akin ang sinasabi nilang natuturuan din ang pusong magmahal, nadedevelop ang puso para sa taong sadyang pursigido. Sana hindi na lalo pang makagulo ang sinasabi ni Love na pagmamahal niya sa akin. Dalawang araw na lang aalis na ako sa bahay. Siya ang maiiwan dito. Magkakaroon siya ng mga bagong kaklase. Maaring mas bata at guwapo sa akin. Alam kong maibabaling niya din sa iba ang sinasabi niyang pagmamahal niya sa akin.
Kinahapunan ay lumabas ako at tumambay sa harap ng bahay. Naabutan kong nagdidilig si Love ng aming halaman. Naka-short siya ng maong at hapit na sandong itim. Iba ang karisma niya. Karismang hinihigop ako ng paunti-unti. Nilingon niya ako at kinindatan. Sinuklian ko siya ng matipid na ngiti. Ilang sandali pa ay tinungo ni Manang ang gate at pinagbuksan ang kotse ni Mommy. Sinalubong ko si Mommy at hinalikan sa pisngi.
“Anak pakikuha sa likod ng kotse yung mga pinamili ko.”
Binuksan ko ang likod ng kotse at binitbit ang mga supot ng mga groceries at nang nasa kusina na kami ni Mommy ay hindi ko na napigilang magtanong.
“Mom, totoo bang hindi kami tunay na magpinsan niyang si Love?”
“Hindi ba namin nasabi sa’yo? Oo, anak siya ng kapatid ng asawa ng tita mo. Mabait na bata kaya hindi na napag-uusapan kung tunay ba siyang anak ko hindi. Akala ko alam mo na ang tungkol doon.”
“Hindi po e.”
“Bakit mo pala natanong?”
“Wala ho. Nabanggit kasi niya sa akin kanina pero parang hindi ako naniniwala kaya nagconfirm ako sa inyo.”
“Pinsan mo man siya sa dugo o hindi anak, sana huwag magbago ang tingin mo sa kaniya kasi mabait naman siyang bata. May pagkukusa, matalino, maasahan at tinuturing din naman niya tayo bilang kapamilya.”
“Alam ko naman yun mom.”
Kinagabihan bago ako matulog ay nagshower na muna ako. Paglabas ko sa aking kuwarto ay nakahilata si Love sa kama ko habang bukas ang TV. Nakabalabal lang sa baywang ko ang tuwalya. Nakaramdam ako ng pagkailang. Lalo pa’t napapansin ko mula nang maghapunan kami ay masyadong malagkit ang kaniyang mga tingin sa akin. Ako yung naasiwa sa mga tingin niyang iyon.
“Tambay muna ako dito ha. Okey lang ba?” wala na yung lagi niyang ikinakabit na kuya o insan.
“Sige lang.” maikli kong sagot. Hindi pa naman ako inaantok kaya walang dahilan para paalisin ko siya.
Nang napansin kong nakatingin siya sa katawan ko ay tumalikod ako. Mabilis akong kumuha ng sando at isinuot ko iyon. Kumuha ako ng brief at boxer short. Isinuot ko ang mga iyon na hindi tinatanggal ang nakabalabal sa aking tuwalya. Umupo ako sa harap ng aking laptap. Ilang sandali pa lang akong nagse-surf ay lumapit siya sa akin. Naramdaman ko na naman ang kaniyang katawan at ang naroon sa pagitan ng kaniyang hita na nadikit sa aking likod. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba.
“Doon ka na muna at manood. May gagawin lang ako.” Pagtataboy ko sa kaniya.
“Naiilang ka na ba sa akin?” seryosong tanong niya.
“Kuya” pagpapaalala ko.
“Kuya?” inulit niya ang sinabi ko. “Gusto mo tawagin kitang kuya?”
“Oo dahil iyon naman talaga ang dapat tawag mo sa akin. Mas panganay ako sa’yo. Iyon ang nakasanayan kong tawag mo sa akin mula nang mga bata pa tayo.”
“Sige, kuya. Kung iyon ang gusto mo.”
“Saka Love. Medyo iwas-iwasan mong dumikit sa akin. Sa totoo lang naasiwa na ako. Hindi puwede ang gusto mo na maging tayo. Kahit pa alam ko na ngayon na hindi tayo magpinsan, mananatiling pinsan ang turing ko sa’yo. Kaya please lang, igalang mo ako sa mismong bahay namin. Puwede? Hindi ko gustong parang pinagsasamantalahan mo ako sa mismong bahay naming.”
Nakita kong para siyang napahiya sa sinabi ko. Nangilid ang kaniyang luha. Umatras na parang hindi siya makapaniwalang masasabi ko iyon sa kaniya.
“Sorry.” Mabilis kong bawi. Medyo nasobrahan ko kasi yata ang nasabi ko.
“Ayos lang, kuya. Sige, sa kuwarto ko na muna ako.”
Lumabas siyag hindi nakatingin sa akin. Bigla akong nagsisi sa nasabi ko ngunit gusto ko din lang maramdaman niya na hindi ko gustong isipin na magiging kami. Sa ginagawa niyang iyon sa akin ay hindi malayong mahuhulog ako sa kaniya at ayaw kong mangyari iyon kung pwede namang iwasan bago ito tuluyang mabuo.
Kinaumagahan ay tinanghali ako ng gising. Si Claire ang nakita kong nanonood ng TV sa sala at pagkatapos ko siyang kinulit ng kinulit ay saka ako pumunta ng kusina. Naroon si Love. Nagluluto. Kumuha ako ng orange juice at sandwich. Hindi ko alam kung abala lang talaga sa pagluluto o ayaw lang akong pansinin dahil sa nasabi ko kagabi. Babalik na sana ako kay bunso nang naisipan kong puntahan siya. Tinabihan ko siya.
“Uyy, kuya. Gising ka na pala. Mag-agahan ka na.” bati niya sa akin. Ngumiti siya saka siya tumingin sa niluluto niya.
“Sinigang na baboy. Paborito ko ‘yan ah!” puna ko sa niluluto niya.
“Oo nga daw. Sabi ni Claire. Bukas nga kasi aakyat ka na ng Baguio. Hindi ka na namin makakasama dito. Kaya pinaghahanda kita ng mga paborito mo hanggang mamayang gabi.” sagot niya. Seryoso ang mukha. Hindi siya yung dating Love na makulit at masayahin.
“Pasensiya na sa nasabi ko kagabi ha?” muling paghingi ko ng tawad sa kaniya. Inakbayan ko.
Tumitig siya sa akin. “Masama bang magmahal?” tanong niya.
Huminga ako ng malalim. “Depende.” Maikli kong sagot.
“Kasi sa totoo lang wala akong nakikitang masama na mahalin kita.”
“Sa’yo siguro, tingin mo, wala. Sa akin at sa iba, meron. Baka puwedeng huwag na nating pag-usapan ang tungkol diyan. Ano, kailangan mo ng tulong sa pagluluto? Gusto mo tulungan kita?” paglalayo ko sa usapan.
“Ako na lang. Doon ka na lang sa sala. Maaga nga palang umalis si tita pero pabalik na ‘yun maya-maya. May kinuha lang daw siya sa katrabaho niya. Sabay na din tayong kakain mamaya.”
“Alam mo, hindi mo dapat ginagawa ang mga bagay na ‘yan. Nandiyan si manang para ipagluto tayo. Asikasuhin mo yung pag-eenrol mo ha. Lalo na kapag nag-aaral ka na.”
Nilingon niya ako. Ngumiti. “Sanay akong pagsilbihan ang mga taong mahal ko. Kaya wala sa akin ang ginagawa kong ito. Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa.”
Kinagabihan habang naghahanda na ako ng mga huling dadalhin ko sa pagpunta ko ng Baguio nang pumasok si Love sa kuwarto ko.
“Ikaw na bahala kina Mommy at Claire muna sa bahay insan ha?” bilin ko sa kanya.
Umupo siya sa kama ko. Tinititigan niya ako. Narinig ko ang mabigat niyang buntong-hininga.
“Bakit?” tanong ko.
“Anong bakit?”
“Parang may pinagdadaanan ka o problema. Lalim ng buntong-hininga mo eh.”
“Akala ko kasi makakasama kita dito sa Manila, ‘yun pala iiwan mo din ako dito. Antagal kong pinangarap na dumating yung panahong ito pero heto at magkakalayo muli tayo. Tapos pinagbabawalan mo ding mahalin kita.”
Tinignan ko siya. Nakita kong mamasa-masa ang kaniyang mga mata. Sa nakita ko sa kaniya ay bigla akong nakaramdam ng awa. Para ko kasi siyang ikinulong at wala siyang kalayaan ipadama ang gusto niyang ipadama. Alam ko yung pakiramdam ng ganoon. Ginawa sa akin ni Zanjo noon iyon at napakahirap iyon kung ikaw na mismo ang nagdadala. Mahirap ang walang kalayaang ihayag ang tunay na nararamdaman.
“Sige, ganito na lang. Hahayaan kitang i-express mo ang pagmamahal mo sa akin ngunit huwag umasa na matutumbasan ko ang pagmamahal mong iyan. Alam ko kasing mas masasaktan kita kapag aasa ka ta’s sa huli, hindi ko din naman pala maibibigay ang gusto mong pagmamahal. Kaya ko sinabing huwag na lang ako dahil ayaw kong masaktan ka. Subukin mong magmahal ng iba. Lalo na ngayon na nasa Manila ka at hindi mo na ako makikita. Malay mo, may tao palang talagang nakalaan sa’yo.”
“Ikaw yung gusto ko e. Sa’yo lang ako nakaramdam ng ganito.”
Minabuti kong huwag na lang din siyang sagutin dahil maaring ang isasagot ko ay hindi niya magugustuhan.
“Puwede ba akong matulog dito?” tanong niya.
“Hindi ka ba okey sa kuwarto mo?” balik tanong ko sa kaniya.
“Okey naman. Gusto ko lang makatabi kita. Promise magbebehave ako.”
“Promise? Huwag kang mang-aano?” panigurado ko.
“Promise. Masaya na ako na katabi kita sa pagtulog.”
“Sige. Basta pangako mong huwag kang gagawa ng di puwede ha?”
“Yeyyyy! Salamat!” niyakap niya ako ng mahigpit.
Tulad ng ipinangako niya sa akin. Nagbehave naman siya. Hanggang sa pagpatong lang ng kamay niya sa dibdib ko ang nagawa niya. Habang natutulog siya ay hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. Alam kong nahihirapan siya sa pinagdadaanan niyang mahalin ako at di ko iyon nasusuklian. Ngunit si Zanjo pa din ang mahal ko. Dalawang taon na ang nakakaraan. Paano kung darating ang araw na mahulog ang loob ko kay Love? Ngunit, iiwan ko din naman si Love dito sa Manila. Ni hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kinabukasan ko at kung ano ang mangyayari sa kaniya dito sa Manila. Basta ang alam ko, magsusundalo ako at gusto kong tapusin ang pangako ko kay Daddy. Mahirap ngunit alam kong mamahalin ko din ang propesyong minahal ni Daddy.
Kinabukasan ay maaga na akong nagising ngunit wala na si Love sa tabi ko. Mas maaga pa siyang nagising sa akin. Pagbaba ko papunta sa kusina ay nakita ko siyang naghahanda ng agahan.
“Ang aga mo namang nagising.” Bati ko sa kaniya.
“Kasi iniisip kong maaga kang aalis, puwede din naman akong matulog uli mamaya pag-alis mo. Maganda na ang makapag-agahan ka na muna bago ka bibiyahe. Umupo ka na muna diyan. Malapit nang maluto ito. Gusto mo ng kape?” tanong niya.
“Ako na magtimpla ng kape ko. Ituloy mo na ang ginagawa mo.” Sagot ko.
Nang nagtitimpla ako ay nagising na din si Mommy at sumunod si Claire. Sabay na kaming nag-agahan. Napagsabihan din ni Mommy si Love na hindi siya kasamabahay para gawin ang trabaho ni Manang. Pero kung gusto daw niya palit na lang sila ni Manang. Siya ang magiging kasambahay at si Manang ang mag-aaral.
Nahuhuli ko si Love na malungkot na nakatingin sa akin. May dating sa akin ang kaniyang mga tingin. Parang nakikiusap na huwag ko siyang iwan. Napabuntong-hininga ako. Pinagdasal kong sana makahanap siya ng taong magmamahal sa kaniya.
Malungkot akong lumabas sa aking kuwarto nang makuha ko na ang gamit ko. Aalis ako para sa isang misyon. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ngunit sana magiging tama ako sa naging desiyon ko.
Pagkababa ko sa aming hagdanan ay naghihintay na ang tatlo. Pumayag akong hanggang sa terminal lang ng bus papuntang Baguio ako ihatid. Malungkot ang kanilang mga mukha.
“Ano ba kayo? Relax. Mag-aaral lang ako sa Baguio at hindi ako ililibig doon. Para naman kayong namatayan niyan.” Biro ko sa kanila.
“Palibhasa gusto mo ito kaya wala lang sa’yo. Sige na, tara na nang di ka mahuli sa biyahe mo.” Si Mommy. Walang imik na lumapit si Love at kinuha ang dala kong bag.
Nang makarating kami sa bus station at ilang sandali na lang aalis na ang sasakyan kong bus ay nagpaalam na ako sa kanila.
“Ihatid ka na kasi namin hanggang Baguio.” Si Mommy muli. Kanina pang almusal niya ako sinasabihan na ihatid ako ngunit tumatanggi ako dahil ayaw kong mapagod at mahirapan sila.
“Huwag na Mommy. Pagkahatid niyo naman sa akin babalik kayo dito. Mapapagod lang kayo. Saka okey naman akong magcommute.” Yumakap ako kay mommy. “Salamat sa pagpayag sa akin Mom ha?”
“Mag-ingat ka doon anak. Alagaan mo ang kalusugan mo lalo na ang pagkakaalam ko mahirap ang training ninyong mga first year. Mamiss kita dito.” Nakita ang pagluha ni Mommy na mabilis din naman niyang pinunasan.
“Huwag kayong mag-alala sa akin Mom. I will be fine. Mamiss ko din kayo.”
Hinarap ko si bunso na naluluha din. “Tatatlo na nga lang kasi tayo kuya e, aalis ka pa.”
“Anong tatatlo tayo? Anong tingin mo diyan kay Kuya Love? Dekorasyon? Mas napapanatag na ako ngayong alam kong nandiyan si kuya Love mo para titingin sa inyo habang wala pa ako. Huwag ka munang papaligaw ha? Pag-aaral mo muna ang atupagin, okey?”
“Wala pa sa isip ko niyan kuya ‘no. Ang bata-bata ko pa kaya.”
“Mabuti naman.” Sagot ko. Niyakap ko si bunso.
“Paano insan, ikaw na bahala munang titingin-tingin kay mommy at bunso ha? Ngayon palang nagpapasalamat na ako ng sobra sa’yo.” Tinapik ko siya sa balikat.
“Sige, insan. Huwag kang makakalimot ha.” Sagot niya. Tatalikod na sana ako sa kaniya ngunit hinawakan niya ang braso ko at mahigpit niya akong niyakap. “Mag-iingat ka doon ha? Mamimiss kita.” Bulong niya sa akin. Nag-iwan sa akin ang simpleng ginawa niyang iyon ng hindi ko maipaliwanag na damdamin.
Unang araw ko sa PMA bilang Plebe ay masasabi kong pamatay sa hirap
April 1, reception day naming mga Plebe. Ito ang una at pinakamadugong araw namin sa Academy. Lahat kaming mga first year ay magtipon-tipon sa Baremeo Field para sa aming oath bilang mga bagong kadete ng Armed Forces of the Philippines.
Napakaraming ipinagbabawal sa amin na pakiwari mo’y hindi ka binibigyan ng kahit anong kalayaan. Kailangan lagi kaming nakasuot ng aming uniform sa tuwing lumalabas kami sa aming kuwarto. Maliban sa pasko, kami ay hindi na pinapayagang lumabas o kaya ay magkaroon ng kahit anong uri ng kasiyahan. Pinagbabawal sa aming manood sa formation ceremony ng mga upperclassmen at bawal din ang kahit sumilip sa aming bintana ng walang sapat na dahilan. Kahit pagod ka o kaya ay inaantok, kailangang tumayo at magpugay sa mga uppercalssmean na papasok sa aming mga kuwarto. Minsan lang din kami pinapayagang maligo at kailangang maghugas ng mukha bago kami pipila sa pagkuha n gaming pagkain. Walang sinuman ang nabibigyan ng karapatang makipag-usap o makipagkuwentuhan sa labas ng aming mga kuwarto. Hindi maaring maaring pumunta sa toilet sampung minuto pagkatapos ng almusal. Kung bakit? Hindi ko din alam dahil bawal magtanong sa mga upperclassmen o kahit magsabi ng kahit ano maliban na lang kung tinatanong ka. Bawal ang pakalat-kalat. Walang karapatan ang sinuman na mamasyal o kaya maglibot sa buong campus. Bawal sumandal sa mga sandalan ng upuan lalo na kung kumakain. Kalahati lang ng upuan ang dapat magamit para maisawang maisandal ang katawan sa likod ng upuan. Kung matapos kumain, maghintay na i-dismiss muna bago kumilos naayon sa kailangan mong gawin. Wala kang ibang pag-aari kundi ang alarm clock. Walang pera, walang cellphone, laptap o kahit anong karangyaan lang sa buhay.
Pagkatapos kaming tinipon sa Baremeo Filed ay nagsidatingan ang mga upperclass cadets para sa aming kauna-unahang mga exercises. Kahit hinihingal na ako sa katatapos palang naming push-ups ay kaagad na akong isinalang sa sit-ups na sinundan ng squat thrust, jumping jacks at dash. Ito ang araw na kung saan kadalasan ay umaatras na ang mga iba naming kasamahan dahil sa hirap at tindi ng ipinagagawa sa amin. Ako man ay mangiyak-ngiyak nang pinagapang ako sa isang kanal na kung saan ay may masangsang na amoy ang tubig. Ngunit sinabi ko sa aking sarili, hinayaan ko na nga sila na gupitan ako ng sobrang iksi, ngayon pa ba ako aatras?
Bilang Plebe, kailangan naming maisaulo ang Plebe Knowledge, mess hall menu, guard details, upperclassmen details lalong lalo na ang pangalan ng aming squad leader at ang aming 3rd class yearling buddy. (Yearling ang tawag sa mga second year). Kailangan din naming matutunan mula sa mga upperclassmen ang mga malimit na dapat naming gawin tulad ng pag-shine sa aming mga sapatos, paglalaba at pagplantsa ng aming mga uniforms at paglilinis sa mga hallway sa maayos na pamamaraan.
Ang unang mga linggo ay tungkol sa “get to know” at “get the feel”. Pito kaming plebes sa aming squad, dalawang yearlings (2nd year cadet) at isang squad leader. Sa ikatlong araw namin ay maaga na kaming ginising para sa aming maagang jogging. 3.2 kilometro ang kailangan naming takbuhin at habang tumatagal ay nadadagdagan iyon ng hanggang 8.5 na kilometro. Kailangan ng tatag ng katawan at kaisipan para maging ganap na kadete. Tuwing Sabado ang aming inspection at dahil unang buong Linggo iyon ng aming training ay marami kaming mga nakuhang demerits. At dahil doon ay nabubulyawan kami na natatapos sa ilang push ups hanggang sa hindi mo na makayanang itaaas pa ang iyon katawan.
Para sa preparasyon ng aming first foot march ay kailangan naming dumaan sa mga circuit traning exercises at grass drill. Kung mahina ang katawan ay hindi matatagalan ang hirap ng ipinagagawa sa amin. Kaunting kamalian ay push ups parin ang katapat. Kaya saan ka lulugar? Kailangan ng matalas na pag-iisip para magawa ang lahat ng sa tingin mo ay hindi mo na kayang gawin. Walang lugar ang salitang “reklamo” sa training. Gawin mo ang lahat ng ipinagagawa sa ayaw mo’t sa gusto. Hanggang sa halos hindi na din matapos tapos ang aming mga road runs. Kung tutuusin parang hindi na makatao ang ginagawa sa amin na pambubulyaw at pagsabi kung gaano ka kalampa sa harap ng mga iba pang kadete. Sa mahigit isang linggong naroon ako, nakita ko ang bahagyang pag-itim ko at ang pagbaba ng aking timbang,
Panglabinlimang araw na namin noon ng aming training nang isinagawa namin ang aming unang foot march papuntang Marlboro Country. Higit labindalawang kilometro din ang aming tatakbuhin at lalo pa itong pinahirapan ng mga dinadaanan naming mga burol, taniman at matatarik na bangin. Ngunit lahat kinakaya ko. Kahit ilan sa mga nakasabayan ko ay tuluyan nang bumigay ay naroon pa din ako, hindi nagbabago ang hangaring makamit ang kagustuhan kong maging ganap na sundalo. Tagaktak man ang pawis, maluha-luha man sa matinding hirap, wala sa isip ko ang sumuko. Laban kung laban.
16th day. Nagkaroon kami ng athletic and sports day. Doon ay naipamalas ko ang galing ko sa basketball kaya naman naging sikat ang pangalan ko sa mga upperclass. Nang naglalaro ako ay hindi ko talaga maiwasang isipin si Zanjo. Siya at ang maganda naming assist sa isa’t isa. Ang kaniyang pagmamahal. Ang kaniyang kabuuan. Ngunit hanggang alaala na lang ang lahat. Nandito na ako. Magiging kalaban ng hukbong kaniyang sinalihan. Dahil sa nanalo ang aking grupo, nagkaroon kami ng merit rewards at karagdagang dessert sa aming pagkain.
Day 25. Ibinigay na sa akin ang aking mapapangasawa sa loob ng apat na taon bilang kadete. Iyon ang una kong nahawakan na rifle. Ang aking M14 A-1 US Rifle. Mabuti na lamang at madali kong naisaulo ang serial number nitong 404060 dahil palagian itong tinatanong sa amin. Para mo na din daw kinalimutan ang pangalan ng nobya mo kung di mo alam ang serial number ng rifle mo. Kung alam lang nilang wala akong interes sa nobya at ang unang nobyo ko ay tuluyan nang nawalay sa akin.
Day 29. Ito na ang tinatawag na Turned Over na kung saan ay magkakaroon kami ng inspection para sa aming unang plebe detail. Ipapasa nila kami sa pangawala naming plebe detail. Ibig sabihin ay bagong army group, bagong squad leader at yearlings. Mahirap dahil panibagong pakikisama na naman sa mga bagong namumuno sa amin. Nakasisiguro na naman ako ng mga bagong panlalait at ang hindi matapos-tapos na parusa, may ginawa ka man o wala. Basta trip kang parusahan, wala kang karapatang magtanong o magreklamo. Bahagi na iyon ng tibay ng iyong dibdib. Kung magrereklamo ka, dadagdagan nila ang iyong parusa kaya mainam na sundin at ipakitang kaya mong gawin ang lahat ng kanilang pinagagawa. Sinabihan kaming ito na ang pinakamatindi naming training dahil mas madugo na ang pagdadaanan naming mga drills at trainings, idagdag pa ang mas istriktong bagong platoon leader at yearlings. Mas may titindi pa pala sa nauna naming mga ginawa. Anong susunod, patayan na talaga? Damn!
Araw-araw ay dumadaaan kami sa masi-masi na ang ibig sabihin ay galing sa salitang mess. Mess ang tawag namin sa aming meal breaks. Kapag sinabing masi-masi, ito ang walang katapusang exercise namin pagkatapos ng aming agahan hanggang sa tanghalian at magsisimula hanggang sa ilang minuto pagkatapos ng aming tanghalian hanggang sa hapunan. Pagbagsak ko ng katawan ko sa aking kama ay ramdam kong parang lamog ang lahat ng aking muscle. Nanginginig na mga kasu-kasuan. Nanghihinang katawan at parang walang silbing nilalang sa harap ng mga upper class. Kapag nakahiga na ako sa aking kama ay wala na akong oras para mag-isip pa ng tungkol sa pag-ibig, ang tanging gusto kong gawin ay magpahinga ng magpahinga dahil hindi pa sumisikat ang araw ay nasa daan na naman kami at nagtatakbuhan ng walang katapusan. Damn!
Bogged Down. Katulad pa din ito nang mga nauna naming mga jogging sa umaga ngunit ang pagkakaiba ay tatakbo kami bilang isang squad, suot ang aming camouflage uniform kasama ng lahat ng accessories at ang pinabigat na backpack. Napakahirap na ang tumakbo, dagdagan mo pa ng pampabigat sa likod kung hindi ka tuluyang bibigay. Ilan sa mga kasamahan ko ang natumba sa hirap ngunit ako? Walang lugar sa akin ang pagsuko. Nahihilo man ako ay pinilit kong tapusin ang pagtakbo. Alam kong mas mahihirap pa ang pagdadaanan ko sa tunay na buhay kung magiging ganap na sundalo na ako. Training palang ito, kaya wala akong balak magpakita ng kahit anong kahinaan.
Sumunod na araw ay ang aming Rope Course and Stamina. Kailangan naming makatawid ng mabilisan gamit ang single, double at triple rope bridge. Nalulula ako’t idagdad pa ang kakaibang pressure sa amin at sa kaunting pagkakamali, katapat ay ang pisikal na pagpapahirap sa amin. Minsan naiisip ko, ganito ba talaga ang buhay ng isang ganap na sundalo? Paano nakayanan lahat ni daddy ito?
Pagkaraan ng tatlong araw ay ang pangalawa naming foot march na umaabot ng 11 kilometers. Mas mahirap kaysa sa una naming foot march dahil sa mabato at maputik pa ang dinadaanan namin. Hindi din nawawala ang mga nakakatakot na bangin na sa kaunting pagkakamali mo lang ay dadausdos ka na maari mong ikamatay. Pagbalik namin sa amin camp ay dumaan na kami sa Cannon Road. Pataas na aspalto kasabay ng isang banda. Ang mahirap lang ay kahit sa gitna ng aming sobrang kapaguran ay kailangan naming magmartsa ng “head up” at “chin in.” Wala pa din kaming karapatang magreklamo. Kung hindi mo na kaya, may karapatan kang umuwi sa bahay ninyo ngunit wala ka ng karapatang bumalik pa bilang kadete.
Sa Marksmanship ako medyo nawili. Para sa marksmanship training, nautusan kaming bumaril gamit ang M-16 automatic rifle sa iba’t ibang direksiyon. Sa single shots, kahit papaano ay marami akong naitama ngunit sa rapid firing ako medyo tumagilid ngunit sa aming platoon, ako pa din ang nangunguna sa mga plebe. Totoong nahirapan ako sa rapelling dahil naroon pa din ang takot ko sa matataas na lugar ngunit nilabanan ko ang pagkakalula ko. Gusto kong labanan ang takot. Unang isinalang ako sa tree house muna hanggang sa 4 storey Building. Mula sa 4th floor ay kailangang bumaba gamit lang ang lubid. Nakapalakas ng kabog ng aking dibdib sa tuwing gumagalaw ang lubid na hinahawakan ko. Nanginginig ako sa tuwing napapatingin ako sa baba ngunit tibay lang ng loob ang kailangan. Determinado akong makatapos kaya wala ako puwedeng atrasan.
Record Firing, Physical Fitness Test and Obstacle Course. Iyon ang isa sa pinakamatinding buong linggo ng aming training. Lalo pa’t sinasabayan ng pag-ulan kaya lalo kaming nahirapan sa ginaw ng Baguio. Mataas ang nakuha ko sa record firing. Hindi ako nagpatalo sa standing position sa pagbaril kahit pa masakit sa mata ang tama ng ulan at nahihirapan akong tignan ang pinupuntirya. Dahil doon ay mas bumilib sa akin ang mga upper class cadets. Kinilala na ako ng dating masungit naming squad lider.
Sa Physical Fitness Test ako medyo nahirapan ngunit kinaya kong tapusin ang push up, pull-up, trunk forward flexion, standing long jump at 3.2 km. na pagtakbo. Nakakapagod na para ka lang kalabaw na walang karapatang magpahinga habang nasa bukid pa. Kung kulang ka sa lakas ay siguradong bibigay ang sinuman ngunit pilit kong kinaya ang lahat. Kung nakaya noon ni daddy na pagdaanan ang lahat ng ito, alam kong magiging proud siya sa akin na tinapos ko ang Fitness Test na walang kahit anong demerit.
Hindi ko inaasahan ang pagkakaroon namin ng swimming lessons. Noon ay tuluyan akong ginapi ng alaala ni Zanjo. Kung hindi dahil sa kaniya maaring hindi pa din ako marunong lumangoy at paniguradong dito n asana ako babagsak ngunit dahil sa mga natutunan ko sa kaniya ay nagkaroon ako ng tibay ng loob na lumangoy sa 12 feet deep na tubig. Nang kailangan na naming tumalon mula sa elevated board ng pool ay naisip ko siya kung paano niya ako noon niyakap para sabay kaming tumalon at labanan ang takot ko sa heights. Ang mga iyon ang kusang nagpapaalala sa akin kay Zanjo. Hindi ko alam kung bakit ako naluluha sa mga sandaling iyon. Marahil namimiss ko na siya ng sobra. Hindi ko lang lubusang tinatanggap sa aking sarili na kahit ano pa ang gagawin ko, patuloy siyang bahagi ng aking nakaraan.
May 19 at 20 para sa aming pangatlo at huling foot march. Ang kailangan naming akyatin? Ang radars sa Mt. Kabuyaw. Alas tres palang ng madaling araw nang magising kami at nang alas kuwatro ay nagsimula na kaming mag-agahan. Sa oras na alas sais, nagsimula na kaming maglakad buhat ang aming mga itatayong tent. Sadyang pinahihirapan din kami ng panahon dahil sa malakas na ulan. Napakahirap akyatin ang bundok isabay pa ang basa na sa ulan at pawis naming uniform. May mga pagkakataong nakakaramdam ako ng pagkahilo sa pagod ngunit sa tuwing nakikita ko ang mga kasamahan kong pilit kinakaya ang aming nasimulan ay parang wala akong karapatang magreklamo. Pare-pareho lang kaming nahihirapan at pagod ngunit kailangang taggalin sa isip ang pagsuko at pamamahinga. Doon na din kami nagpalipas ng gabi gamit ang dala naming tent at basang mga susuotin. Napakalamig ng Baguio at nang madaling araw ay parang naninigas na ang buo kong kalamnan sa hindi ko makayanang lamig. Kung sana may kayakap lang ako. Kung sana may nagsasabi sa aking kaya kong tapusin ang sinimulan ko. Ang tanging dahilan kung bakit ko kinakaya ang lahat ay ang alaala ni Daddy. Bumabalik sa aking alaala ang mga panahong nag-aagaw buhay siya dahil sa pagpaslang sa kaniya sa mismong araw ng aking pagtatapos. Doon palang ay nakakahugot na ako ng init para maitawid ang paghihirap ko hanggang sa mag-umaga.
Hanggang sa dumating din ang huling linggo ng aming summer camp. Medyo kahit papaano ay nakakaramdam na kami ng kaginhawaan dahil halos puro drills, jogging at walang patumanggang paglilinis na lang ang aming inatupag. Nagsimula na din kaming maghanda para sa pinakahihintay naming Incorporation day na kung saan iyon na ang magiging hudyat na kami ay tuluyan nang magiging bahagi ng PMA. Kapg magjogging kami tuwing umaga, dala na namin ang aming M-14 Rifle para makasanayan na namin ang bigat nito dahil ito na ang madalas naming makakasama sa aming pagtakbo hanggang sa tuluyan kaming makatapos sa PMA.
Nang dumating ang araw ng aming Incorporation Day, naluha ako. Naiyak ako sa sobrang saya. Hindi ko kasi akalain na mapagtatagumpayan ko ang lahat ng pagsubok at hindi ako natulad sa mga nakasabay kong sumuko sa gitna ng aming paghihirap. Tinapos ko ang lahat at isa ako sa mga pinalad na magiging kadete na papasok na sa June. Hindi madali ang aking pinagdaanan lalo pa’t hindi naman din ako sanay sa hirap. Para kay Daddy ang lahat ng ito. Sa kaniya ko iaalay ang aking paghihirap. Hindi ko siya susukuan. Mas magiging matatag pa ako para sa ikakatupad ng pangako ko sa kaniya.
Dahil may isang Linggo pa na ibinigay sa amin para mabisita ang mga mahal namin sa buhay bago ang formal na pagsisimula ng aming klase ay umuwi na muna ako kina Mommy. Nagulat sina Mommy at Claire sa akin dahil sa dalawang buwan kong pagkawala ay umitim ako at pumayat. Nagkaroon nga daw ako ng mga muscles sa katawan. Hinanap ko si Love ngunit sinabi sa akin ni Mommy na umuwi daw muna sa kanila nang nakaraang araw lang. Hanggang sa dumating ang araw na bumalik ako sa Baguio ay hindi pa din nagpakita si Love. Hindi ko alam kung bakit kinutuban ako na maaring nasaktan ko ang damdamin ng pinsan ko pero minabuti kong isipin na kailangan niyang mapagdaanan ang lahat para maharap niya ang sarili niyang buhay na hindi na ako ang kaniyang iniisip.
Mabilis na dumaan ang araw. Yearling (second year) na ako sa pagiging kadete. April 1 na naman noon, bilang isa sa pinakamagaling sa aming batch ay naatasan ako para tumulong para sa summer camp ng mga bagong recruit na cadet. Pinagmasdan ko ang mga bagong nagnanais na mga kadete. Nakikita ko sa kanila ang takot. Yung takot na naramdaman ko din noong unang araw ko din. Nilibot ko ang mga mata ko. Naisip kong mas marami-rami ngayon ang gustong magsundalo kaya noong nakaraang taon.
“Ancheta!” tawag sa akin ng first class officer.
“Yes sir!” nagsaludo ako nang nakalapit na ako sa kaniya. Pinababa niya ang saludo ko.
“Take charge here for 20 minutes.”
“Sir, Yes Sir!” saludo uli ako.
“Carry on” sagot niya at tumalikod.
Nang harapin ko ang mga dadaan sa masidhing ensayo sa araw na iyon ay nagulat ako. Kasama siya at nakatingin sa akin ng diretso. Si Love. At doon na nagsimula ang hindi ko padin maipaliwanag na kakaibang kuwento ng pagmamahal sa akin ni Love. Pagmamahal na hindi niya isinuko. Hanggang saan kami dadalhin ng ipinaglalaban niyang pag-ibig sa akin?




Meron n
ReplyDeletedoon pa lang sa line na "umuwi si Love" kinutuban na ako na papasok sya sa PMA. At tama nga ako haha! Desidido ah? Astig.
ReplyDeleteSir joem ang dami ko nalaman sa pagsusundalo dahil sau. Ngayon naiintindihan ko na mga tito kong sundalo. Saka grabe pala sweldo dyan. I remember nung nag retired tito ko, ung isang malaking bag puro pera mga naka bundle puro tig 500 pesos haha!
yung hula PORTION dto sir joem pano na?
hmmmmm
ReplyDeletebilis ni plebe..nauhan ako..
ReplyDeletebasa muna ako..
sullivan eduardo..
Nakow. May amats na nga si love kay patrick. Hahaha
ReplyDelete"Sa tuwing nagmamahal ba tayo dapat laging may dahilan"like na lines..
ReplyDeleteSullivan eduardo
Grabe si Love..ang tindi ng pagmamahal kay Pat..mukang malaki ang part ni Love sa buhay ni Pat..ang galing ng pagkakalahad mo ng mga detalye sa pagsusundalo..grabe talaga sa hirap ang training.
ReplyDelete404060 saulado ko na din haha!lagi talagang kaabang abang ang bawat chapters nito Joem..
Thanks sa update :))
hehehe..prang naguumpisa lng let ng kwento!! nx pls!!hehehe..
ReplyDeleteTHANKS KUA JOEMAR SA MAGANDANG CHAPTER AT INFORMATIVE..SAN LAHAT NG GALING YAN IDEAS MO KUA..ANG GALING GALING..
ReplyDeleteDAMI KO NATUTUNAN ABOUT BEING A PMAer..ganyang pla ka tindi ang taining ha..
GRABE SI LOVE..MAG PMA RIN SYA DAHIL SA PAGMAMAHAL NYA KAY PATRICK..
sullivan eduardo
baka retired payment nya yun tzekaaaii
ReplyDeletesullivan eduardo
Like ko na si Love para kay Pat. Ang pag-ibig ay ipinaglalaban hanggang sa huling laban. Di kaya ang title ay kay Love din? Kaabang-abang...
ReplyDeleteANG hirap palang magsundalo dmi dadaanan na training,,, ayaw q love zanjo at pat pa din aq... tnx sir joemar sa napakagandang chapter na to...
ReplyDeletepat and zanjo pa din ako hangang sa huling laban este chapter
ReplyDeletetama pat at zanjo pa rin...hula ko lang sa ending magiging sundalo sila pareho at makakalaban nila ang grupo ni zanjo..at doon ulit mabubuo ang pagmamahalan nila pero bago mangyari may magbubuwis ng buhay..si Love...ibubuwis nya ang buhay nya para magkatuluyan sina patrick at zanjo dahil sa sobrang pagmamahal nya kay pat....un lng po....bow...
ReplyDeleteHahaha.....lagot ka pat. tinamaan ng bala ng baril m0 c love cnundan kapa talaga ha!!!!cguro hula q kakaibigan na dn to c pat at c Love....mahuhulog dn ang puso ni pat kay Love....nakakaluka ka talaga love......ipaglalabn m0 talaga hangang xa huling laban ang pgibig m0 kay patrik vha!,!!,?
ReplyDeleteVery Informative. Parang how the life ng isang seminarista was described inside the seminary. Dito naipakita ang buhay ng isang kadete sa PMA without the academics puro kasi physical training palang so far.
ReplyDeleteVery well researched. Madaming natutunan ang readers. However, mukhang napadali ata ang pagpasok ng character ni Love sa PMA. Does he qualify for the 72 units rule prior to admission to PMA? It's only been a year since Patrick joined PMA so basically naka one year pa lang din sa college si Love.
Anyway, wala pang kilig moments sa chapter na to. Hoping to see Zanjo at anu ang naging buhay nya after the tragic incident.
Thanks Sir Joem:-)
yung 72 units na nakalagay dati sa qualification sa pagiging PMA ay pinalitan a year after...ngayon, wala ng 72 units na kailangan para makapasok sa PMA, high school graduate na lang ang requirement ng PMA basta maipasa mo ang qualifying exam nila
Deletewow clap clap.. sabi na nga ampon lang si Love... edi wlang incest.. hehehe
ReplyDeletewell ang cute tlga ng story na toh... Very informative para sa mga wlang alam..,. hehehe well pa no na kya ngaun for sure super kilig na naman dahil si Love ay Plebe na at sya ang magiging Yearling nya? hehehe go na go for kilig moments again..
why do i have dis feeling na mas mapapabuti pa c pat kay love? Oh., i can sense something, sir joem ah? Ikaw ah? Haha
ReplyDeletefor me, si love is just an intermission number of the story while pat is finisning his course in PMA; and then proceed to war with NPA - Zanjo as the kumander.
ReplyDeleteWhy do i have this feeling na mamatay si Love pagdating ng araw na mapapalaban sila ni Pat sa mga rebelde. Or worst, si Zanjo pa makakapatay kay Love.
ReplyDeleteKeep it up Joem!
heheh...LOVE-TRICK o JO-PAT? nice twist kuya joem! next chapter na plss..
ReplyDeletegaling^^
wow very informative yung chapter na to bout PMA! ganun pla yun; tsk ang hirapppp nun ah! ramdam q c pat. saludo ko sa writer! astig
ReplyDeletewla nlng sana mamatay pero ok dn skn c love ksi nagmamahal xia ng walang pag aalinlangan d tulad ni zanjo. ito na kaya ang pinaka simula ng kwento?
ReplyDeletemnm wag sana heavy drama ang kalalabasan nto :)
sad naman..hayyyysss
ReplyDeletewala ba update ngayon?
ReplyDeletean tagal naman ng update, kaurat:(
ReplyDeleteZayn_Kyle
nice sabi ko na nga ba e hindi talaga magpinsan si Love at Patrick hehehe. Bilib din naman ako kay Love, yan ang tinatawag na Love conquers all.
ReplyDeleteNice one joem have a great day.