SUPPORTERS

Sunday, March 3, 2013

Mahal kita: Hanggang sa Huling Laban (Chapter 18)


Patrick

Zanjo

Love

Chapter 18
                Nagulat ako nang makita kong naroon si Love kasama ng mga iba pang Plebes. Hindi imposible dahil alam kong kaya niyang mameet ang mga qualifications lalo pa’t binabaan na ito ng high school graduate na lang. Ngunit sa kabilang banda, imposible dahil alam kong wala sa plano niya ang pagsusundalo. Wala nga ba talaga o hindi lang ako naging interasadong alamin ang mga plano niya sa  buhay. Sa araw na iyon ay inatasan akong maging buddy nila habang inoorganisa pa nila ang magiging mga squad leaders.
                Nang magtama palang ang aming mga paningin ay napakarami ko sa kaniyang gustong itanong ngunit wala pang pagkakataon. Pinagbabawal kasi ang pag-uusap lalo na sa kanilang mga plebe. Nang nasa kanal na kami para sa kaniyang paggapang ay nagkaroon na ako ng pagkakataon para tanungin siya.
                “Anong ginagawa mo?” pabulong.
                “Gumagapang dito sa mabahong kanal.” Napangiti siya.

Oo nga’t kinakaya niya ang lahat na pinagagawa sa kaniya ngunit mas matindi ang kagustuhan kong mag-quit na lang siya dahil naniniwala pa din akong hindi ito ang talagang gusto niya.
                “Huwag kang pilosopo, bakit ka pumasok sa PMA?”
                “Dahil gusto ko.” sagot sa gitna ng kaniyang paghingal.
                “Gusto mo ba talaga o dahil nandito ako.”
                “Pareho. Ikaw? Di ba ginagawa mo lang din ito dahil sa Daddy mo?”
                “Oo at may sapat akong dahilan. Gusto kong ipagpatuloy ang nasimulan ni Daddy, gusto kong tuparin ang pangako ko sa kanya at gusto ko na din ngayon ang ginagawa ko.”
                “Sa akin, sapat na din ang dahilan kong ginusto ito dahil nandito ka. Gusto kong maging bahagi ng mundo mo.”
                “Nasisiraan ka na ba n g ulo Love?”
                “Kung nasisiraan ako ng ulo dahil pumasok ako sa PMA, ibig sabihin hindi lang ako ang sira-ulo dito ngayon. Pinatutunayan ko sa’yo kung gaano kita kamahal. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon. Siguro nga mahal mo pa din si Zanjo hanggang ngayon ngunit wala na siya. Iniwan ka na niya. Nandito ako ngayon, ginagawa ko ang lahat para maging bahagi ng mundo mo. Kaunting appreciation lang, kaunting pagtanggap lang, masaya na ako. Huwag mo na sanang questionin kung bakit ganito ako o ganyan.  Huwag ka nang magtaka kung bakit ginagawa ko ito o bakit hindi ko ginagawa ‘yan. Masaya akong ginagawa ito, tapos! Lalo akong nasasaktan kapag ganyang lahat ng ginagawa ko para sa’yo ay minamasama mo.”
                “Sige tignan natin kung hanggang saan ang kaya mong gawin. Gumapang ka hanggang sa dulong iyon. Hihintayin kita.”
                “Patutunayan ko sa’yong kahit gaano kahirap ang pagdadaanan ko, piliti kong kayanin. Kung iyon lang ang paraan para mapatunayan ko sa’yong mahal kita gagawin ko ang lahat.”

                Nakikita ko kung gaano siya hirap sa lahat ng mga trainings. Nagkasugat-sugat din ang kaniyang mga palad at nakikita kong hinahabol niya ang kaniyang hininga sa tuwing sunud-sunod na ang sa kaniya ay ipinagagawa ngunit wala sa mukha niya ang pagsuko. Sa tuwing nagtatagpo ang aming paningin ay naroon parin sa kaniyang labi ang matipid na ngiti. Bago natapos ang hapong iyon at pinayagan silang magpahinga na muna sandali para makaligo na at kakain ng panghapunan. Batid ko kung gaano na kasakit ang kaniyang mga kalamnan dahil pinagdaanan ko din ang lahat ng iyon ngunit naroon parin sa mukha niya ang kakaibang katatagan.
                Nang naghahapunan na kami at kaharap niya ang kaniyang mga kasamahang plebe at kami namang mga yearlings ang magkakaharap ay madalas ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung paano ko matatagalan ang kaniyang mga ginagawa sa akin. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagiging determinado niyang maghintay at magtiis. Hindi ko tuloy maiwasang hindi siya ikumpara kay Zanjo. Tatlong mahabang taon, napakatagal na ding panahon mula nang huli kaming magkita. Bumuntong-hininga ako. Minabuti kong tapusin ang aking pagkain. Inayos ko ang napkin at hinihintay ko na lamang na i-dismiss kami nang nakita kong kinindatan ako ni Love. ibinaling ko sa iba ang aking tingin. Napangiti ako. Lakas ng loob lang niyang gawin sa upper class niya ang ganun. Kahit yearling palang ako, Mas mataas parin ang class ko sa kaniya. Idinaan ko muli ang tingin ko sa kanya. Kumindat muli sabay ng tipid na ngiti. Sa totoo lang, malakas ang dating ng ngiti niya dahil sa kaniyang dimples.
                Unang foot march namin kasama sila ay nakita kong hinihingal na siya. Sumabay ako sa kanya.
                “Kaya pa?” mapang-asar kong tanong.
                “Yakang-yaka sir! Basta kasama kita kahit pa mula rito hanggang Manila.”
                “Good! Sige, buhatin mo ang backpack ko! Kayang-kaya pala ha!”
                “Sure sir!”
                Napapangiti ako habang sinasabayan siya sa pagtakbo. Namumula na sa pagod at tagaktak na siya ng pawis ngunit hindi siya nagreklamo na kahit doble ang buhat niya kumpara sa mga kasamahan niya. Naisip ko, hanggang saan kaya ang kaya nitong patunayan sa akin?
                Kahit yearling palang ako ay isa na ako sa mga pinagkakatiwalaan dahil ako ang nangunguna sa aming klase. Nagbigay ng malaking impresyon ang napakataas kong mga marka sa Manegerial Science at ang tibay ng katawan sa lahat ng mga drills at trainings. Dahil doon ay nabigyan ako ng pagkakataong maging squad leader na dapat ay mga second class lang ang dapat sa ganitong posisyon. Dahil kulang ang bilang ng second class kaya binigyan ako ng katungkulang mamuno sa isang squad na kinabibilangan ni Love.
Minsang nagkaroon kami ng formation na mga upper class ay nakita kong nakasilip siya sa kanilang barracks. Ako ang tinitignan niya.  Humanda ka sa akin mamaya. Naisip ko.
Nang matapos ang aming formation ay pinasok ko siya sa kuwarto nila na noon ay nakaboxer short lang siya at walang pang-itaas dahil naghahanda na sila sa kanilang maagang formation. Agad na nagsaludo ang kaniyang mga kasamahan na plebe at mabilis din siyang sumunod.
“Carry on except Perez!” utos ko. Binababa nila ang kanilang saludo. Umatras. Naiwan si Love ngunit banaag sa mukha niya ang saya.
                Nakita ko kung gaano kaganda ang kaniyang katawan. Hindi ko alam kung bakit nangatog ang tuhod ko samantalang ako ang kanilang squad leader at naroon ako para parusahan siya. Ang labas ay parang ako ang nanghihina sa nakita kong magandang katawan at ngiti niyang nang-aakit. Damn!
                “Perez, are you not aware that plebes are not allowed to watch any formation or ceremoney in which upperclassmen are taking part?”
                “Sir, No Sir! Malakas niyang tanong. Nakasaludo pa din sa akin. Chest out, stomach in.
Ganda lang ng abs! Huh!              
“Don’t you know that you are not allowed to look outside the window unnecessarily?” Nakatindig kong tanong.
Nakasaludo parin siya sa akin. Muli kong napansin ang makinis niyang mukha at ang mamula-mula niyang labi. Napalunok ako.
                “I don’t know sir!” malakas niyang sagot.
                “I don’t know? Who gives you the idea to answer me, “I don’t know.” Hindi pinapayagan ang sagot na “I don’t know sa academy!” Anong dapat na sagot cadets?” tanong ko sa mga kasamahan niya.
                “It must be “I will find out sir!” sagot ng isang kadete.
                “Give me 30, Perez!” utos ko sa kaniya.
                “Sir? 30 talaga?”
                “40! Make it 40?”
                “Biglang tumaas?”
                “Complete 50 push up! Now!”
                Hindi na siya nagsalita. Mabilis niyang sinunod ang sinabi ko. Nakita ko ang magandang hubog ng kaniyang puwitan at ang malakas na dating ng muscles niya sa likod. Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Damn! Ano itong nangyayari sa akin? Tama ba ito? Inaamin kong tao lang ako pero bakit kay Love? Bakit bigla akong pinanghihinaan ngayon? Sana libog lang ang nararamdaman ko dahil mahigit tatlong taon na akong walang nakasiping na lalaki. Huli na yung kay Zanjo at inaamin ko, magpasahanggang ngayon, si Zanjo pa din ang laman ng aking puso at isipan bago ako ginagapi ng antok sa gabi.
                Madali lang niyang nakumpleto ang binigay ko sa kaniyang parusa. Pagkatapos ay lumabas na ako sa kanilang kuwarto. May ngiti sa labi.
                Nang ibinigay na sa kanila ang kanilang M-14 Rifle ay nakita ko ang excitement sa kanilang mga mukha. Sinabihan ko silang dapat memoryado nila ang serial number ng kanilang mga armas dahil iyon ang kanilang magiging asawa hanggang sa makatapos sila. Isa si Love sa nakitaan ko ng potensiyal. Sa Bogged Down, Rope course and stamina, at kahit sa mga foot march ay hindi ko kinakitaan ng panghihina. Maliban sa madalas niyang pagsuway sa mga ipinagbabawal sa mga katulad niyang plebe ay wala na akong masabi sa kaniya. Nasusuway lang niya iyon dahil sa mga kagustuhan niyang mapansin ko siya. Kaya kung tutuusin, sinasadya niyang suwayin ang mga ipinagbabawal para magkaroon siya ng pagkakataong malapitan ako at makausap kahit pa ang katapat niyon ay ang parusahan ko siya.
                Dumating ang pangalawa nilang foot march. Nakasuot na siya ng camouflage kasama ng iba pang mga accessories at rifle. Pawisan ang makinis at maputi niyang mukha. Mabilis niya akong sinabayan. Amoy ko ang kaniyang lalaking-lalaki na pabango. Napalingon ako sa kaniya nang pansin kong titig na titig siya sa akin kahit pagod na sa katatakbo.
                “Sabi ko sa’yo di kita isusuko” paanas niyang sinabi sa akin sa gitna ng kaniyang paghingal. Kumindat pa sa akin. Parang pakiramdam ko hindi na niya ako nirespeto.
                “Gusto mo bang dagdagan ko ang paghihirap mo?”
                “Kung kasama ba iyon ng pagpapatunay ko kung gaano kita kamahal, ayos lang!”
                “Hindi ka talaga susuko, ano?”
                “Kung isinuko ka ni Zanjo, ako malayong mangyari iyon. Kung iniwan ka niya, ako kaya kitang samahan kahit saan ka magpunta. Hanggang sa huling laban, mamahalin kita!”
                Natigilan ako sa narinig ko. Pangawalawang beses ko na iyon narinig sa magka-ibang tao.
“Sige, tignan natin. Heto ang karagdagang backpack ko, ilagay mo diyan sa harapan mo nang alam mo ang hirap ng pinasok mo.”  Ibinato ko sa kaniya ang dala-dala kong mga gamit ko at walang reklamo niyang tinanggap iyon. Nakangiti pa nga siya.
                Astig din ang marksmanship niya at rapelling. Asintadong bumaril ang loko at walang takot siyang naglambitin mula 4th floor hanggang tuluyang nakababa. Hindi ko tuloy mapigilang hindi siya hangaan. Kung tutuusin mas mataas pa ang nakuha niyang precision sa pag-asinta kaysa sa akin noon.
                Dahil ako ang kanilang squad leader ay hindi ako puwedeng mawala sa kanilang swimming lesson. Nakita ko na sa pinagdaanan niyang exercises ay lalong naging maganda ang pagka-built ng kaniyang katawan. Hindi ko mapigilang hindi humanga sa kabuuan nito lalo pa’t swimming trunks na lang ang suot niya noon. Nagtama ang aming mga paningin nang nasa elevated board na siya. Nakangiti siya sa akin na siyang tuluyang nagpagapi sa natitira pang lakas upang labanan ko ang patuloy niyang pagpapasuko sa akin. Hanggang kailan ko malalabanan ang lahat ng kaniyang mga tukso. Nasasaid na niya ako. Hindi nakatulong ang mga ginawa kong pagpaparusa sa kaniya para mapalayo ang damdamin niya sa akin. Lalo pa siyang nagpakita sa akin ng determinasyon sa tuwing pinahihirapan ko siya. Ang resulta, ako ang tuluyang nadedehado at siya itong parang nananalo. Hindi kaya nakikita ko din sa kaniya ang katatagan ni Zanjo? Ngunit alam kong iba si Love kay Zanjo. May mga sarili siyang estilo. Hindi niya inililihim sa akin ang kaniyang tunay na nararamdaman. Ipinaglalaban niya ang nararamdaman niya sa akin ng harapan. Ngayon, ako tuluyang nalilito…si Love na nandito at sinasabi ng isip kong siya ang nababagay sa katulad ko o si Zanjo na wala sa paningin ko ngunit nasa aking puso.
                Final foot march nila. Maaga akong nagising para samahan sila. Maganda ang panahon. Hindi katulad nang sa amin na halos isama kami ng agos sa lakas ng ulan. Mabilis silang nag-formation sa harap ko pagkatapos nilang nag-agahan. Dalawang kadete ang dapat sa isang tent at dahil ako ang kanilang squad leader, mag isa lang ako sa tent ko ngunit sila ang may hawak sa lahat ng gamit ko. Umalis kami ng 6:00 ng umaga sa Camp at nakarating kami sa aming destinasyon ng tanghali na. Binigyan namin sila ng pagkakataong makapagrelax dahil sa sobrang hirap ng kanilang pinagdaanan. Sa mga upper class ako nakiharap noon at silang mga plebe ang magkakasama. Nakita kong si Love mismo ang nagtayo ng aking tent at nag-ayos ng aking tutulugan.
Pagkatapos nilang nananghalian ay muli naming silang pinagtraining sa combat. Hanggang sa dumating ang hapunan. Sandali akong nakipagsaya sa mga squad members ko. Kailangan kong iparamdam sa kanila na kahit gaano ako ka-istrikto sa kanila sa kanilang mga trainings at drills ay kagaya pa din nila ako, marunong tumawa, marunong makipagbiruan ngunit alam ko ang aking limitasyon at natutuwa akong makita silang naroon pa din naman ang respeto.
                Nang lumalim ang gabi ay iniwan ko na sila at nagpahinga na ako sa aking tent.
                Inaayos at nililinis ko ang baril ko nang biglang nakarinig ako ng sunud-sunod na putok ng baril. Mabilis akong lumabas sa tent ngunit sinunggaban ako ni Love at natumba kaming dalawa. Nakadapa kami para hindi tamaan ng bala. Mabilis kaming gumapang papunta sa isang malaking puno para mapag-aralan ang aming gagawin sa pakikipaglaban. Nauna ako at sumunod siya. Napakalakas ng kabog ng aking dibdib. Naroon pa din ang pagkagulat ko sa mga bilis ng pangyayari lalo pa’t nakita kong may mga duguan na kaming mga kasamahan. Ang ilan ay nakabulagta na at wala ng buhay. Nilingon ko si Love. Hawak niya ang rifle niya. Wala akong nakitang takot sa kaniyang muka. Parang bang pinoprotektahan niya ako sa mga kalaban.
Nang makarating kami sa isang malaking puno ay biglang lumitaw si Zanjo. Mabilis nitong itinutok ang baril sa ulo ko kasabay sa pagsipa niya sa kamay ni Love dahilan para tuluyang tumilapon ang hawak nitong baril. Nang sinipa niya ang kamay ni Love ay isinabay ko ang ginawa kong pagtutok din sa kaniya sa hawak kong baril. Nagkatitigan kami ni Zanjo.  Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko lalo pa’t nabigla ako sa ginawa niyang iyon. Ngunit dahil nauna siyang nagtutok sa akin ng baril ay hidni ko na din napigilan ang sarili kong ipagtanggol ang buhay ko. Naroon ang galit sa kaniyang mga mata.  Hindi siya kumukurap. Kung magkakamali siyang kalabitin ang gatilyo ng hawak niyang baril paniguradong wasak ang bungo ko ngunit nakahanda din ako.
                “Ito ang gusto mo ‘di ba? Hinihintay mo ang pagkakataong gantihan ako sa pagkamatay ng Daddy mo?” may diin ang pagkakasabi niya. Napakalakas ng kabog ng aking dibdib.
                “Hindi ikaw ang gusto kong gantihan ngunit sa pinapakita mo sa akin ngayon, para mo na din sinasabing isa ka nga sa mga kalaban.”
                “Sige! Iputok mo! Barilin mo ako para mawala na ang galit sa dibdid mo! Tapusin na natin ito. Di ba ito ang gusto mo kaya ka pumasok sa pagsusundalo? Gusto mong gantihan ako!”
                At isang malakas na putok ng baril ang nangibabaw. Sapol ang dibdib ni Zanjo ngunit bago siya natumba ay nakuha pa din niyang gumanti kay Love. Sunud-sunod na tama sa dibdib ang iginanti ni Zanjo kay Love hanggang sa halos sabay silang bumagsak sa harapan ko. Hidni ko alam kung sino sa kanila ang una kong lalapitan. Kapwa sila mahalaga sa akin. Napahagulgol akong makita na dalawa sa mga mahal ko ang nag-aagaw buhay sa harapan ko. Tanging malakas na sigaw ang tanging nagawa ko para maibsan ang hindi ko makayanang bugso ng kapighatian.
                Isang tapik sa aking pisngi ang gumising sa akin mula sa isang bangungot. Si Love. Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. Naroon pa din ang kaba ko sa dibdib. Huminga ako ng malalim nang nasiguro kong panaginip lang ang lahat.
                “Nanaginip ka yata. Sandali at kukuha ako ng tubig.” mabilis siyang lumabas sa tent.
                Lumabas ako sa tent. Tahimik na ang paligid. Malamig ang hangin ngunit pinagpapawisan ako. Paano kung mangyari iyon sa amin. Naglakad ako malayo sa mga tent. Gusto kong mahimasmasan sa isang hindi magandang panaginip. Parang totoo lang kasi ang lahat. Buum-buo kong nakita ang hitsura ni Zanjo at Love, nandoon ang emosyon, ang galit, ang nakatagong pagmamahal.
                Umupo ako sa likod ng puno. Pilit kong pinakalma ang aking sarili. Sana hindi iyon mangyari sa totoong buhay. Sana hanggang sa panaginip na lang lahat.
                “Inumin mo na muna ito. Makagagaan sa pakiramdam mo.” Si Love. May dalang bottled water. Tumabi siya sa akin. Tinanggal niya ang kaniyang suot na makapal na jacket at ipinatong niya sa likod ko. Tumingin ako sa kaniya. Nagkatitigan kami.
                “Parang totoo kasi lahat.”
                “Ano bang napanaginipan mo?” tanong niya. Dama ko ang init ng kaniyang katawan nang naidikit ito sa akin.
                “Ikaw, si Zanjo at ako. Nagpatayan kayo sa harap ko.”
                “Panaginip lang ‘yun. Paano naman magiging kaaway si Zanjo? Mga sundalo tayo, kaya malayong mangyari iyon maliban na lang kung makakaliwa siya.”
                Napabuntong-hininga ako.
                “Hindi malayong mangyari iyon, Love. Alam kong darating tayo sa ganoong sitwasyon.”
                “Anong ibig mong sabihin? May hindi ka ba nasasabi sa akin tungkol kay Zanjo?”
                Tinignan ko siya. Hindi ko na kayang dibdibin ang lahat. Kung may isang tao akong puwedeng pagkatiwalaan sa mga dinadala ko, si Love iyon. Hindi ko masabi kay Mommy ang tungkol  dito dahil ayaw kong mabago ang tingin niya sa kaibigan kong tinuring niyang bahagi ng aming pamilya.  Maalala ko pa nga na si Zanjo ang madalas niyang tanungin noon hanggang sa nagsawa na lang siya sa katatanong dahil alam naman niyang wala na din kaming komunikasyon pa.
                “Isang rebelde si Zanjo, Love. “
                “Rebelde si Zanjo? Paanong…” nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Napalunok.
“High school palang tayo, kasapi na siya dahil tito at kuya niya ang mga namumuno sa isang hukbo ng mga rebelde. Kaya alam kong darating ang panahong makakasagupa natin sila. Iyon ang dahilan kung bakit nawawalan na ako ng pag-asang maipagpatuloy pa namin ang aming nasimulan. Masakit lang isipin na magiging kalaban na natin sila. Kung hindi ako ang makakaharap niya, maaring ikaw o maaring tatlo tayo. Kung darating ang panahong iyon, ano kaya ang mananaig sa aming dalawa? Ang pagmamahal o ang katotohanang magkalaban ang hukbong kinabibilangan naming? Nahihirapan ako.” Muli akong napabuntong hininga.
                “Halika ka nga.” Ipinasok niya ang kamay niya sa nakapatong sa akin na jacket. Inakbayan niya ako. Hinila niya ang ulo ko at inilapat niya iyon sa kaniyang balikat. Sumandig ako. Kinuha niya ang palad ko at minasahe. Nakaramdam ako ng kaginhawaan.
                “Kalimutan mo na si Zanjo. Masakit man pero bahagi na siya ng nakaraan mo. Alam mong magiging ganap kang sundalo at kahit kailan ay hindi puwedeng maging kayo dahil iba ang ipinaglalaban ninyong dalawa. Hindi ko sinasabing ako ang mahalin mo ngunit bakit mo gawing kumplikado ang simpleng buhay lang. Magiging kalaban natin sila. Paano mo maipagpapatuloy na mahalin ang isang kaaway na hindi mo nga alam kung nasaan siya ngayon.”
                “Iyon din ang iniisip ko. Pero nangako siya noon na ipaglalaban niya ako. Ngunit sinabi din niya sa akin na mas nanaisin niyang makita akong masaya sa piling ng iba kaysa makita niya akong naghihintay sa kaniya na nagdurusa. Nasabi niya iyon noong hindi pa nila napapatay si Daddy ngunit iba na ang sitwasyon namin ngayon. Hindi na katulad noon.”
                “Minahal ka ni Zanjo at alam kong mahal mo din siya. Ngunit hindi pumapanig sa inyo ang pagkakataon at sitwasyon. Nandito ako Pat, handa kong patunayan sa iyo na puwede mo din naman akong mahalin. Hindi dahil may nauna  diyan sa puso mo ay nangangahulugang wala ng maging espasyo ang susunod. Subukan mo akong mahalin. Paulit-ulit kong sinasabi sa’yo na ako yung handang magpatuloy sa hindi niya tinapos na pagmamahalan ninyo. Ano ba ang kaya niyang hindi ko kaya? Ano bang meron siya na wala ako? Matalino siya? Ako din naman a, kahit hindi man ako ang class valedictorian, siguro naman may utak din ako. Matapang siya? Sa tingin mo ba papasok ako sa pagiging PMA kung hindi ako ganoon? Guwapo siya at maganda ang pangangatawan. Nakikita mo naman ako hindi ba? Alam mong magkaiba man kami ng dating ngunit hindi ako pahuhuli sa karisma niya. Kung tutusin nakakaungos ako sa kaniya dahil hanggang ngayon, kahit anuman ang mangyari, narito ako sa tabi mo. Pinatutunayan ko ang sarili ko sa’yo.”
                Huminga ako ng malalim. May pinupunto si Love at tama siya. Kung susumahin nga naman, mas lamang siya sa ibang bagay kahit hindi siya ang nauna. Ngunit kahit ganoon ay mas lamang pa din si Zanjo sa mga alaala. Nagsisimula palang bumuo si Love ngunit si Zanjo marami na siyang napatunayan sa akin. Nilingon ko siya. Nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya at hinawakan niya ang aking pisngi. Iniwas ko ang aking mga mata.
                “Bakit nga ba hindi mo ako kayang mahalin, Pat?”
                “Hindi sa hindi kita kayang mahalin Love. Hindi lang ako handa. Nakilala kita bilang pinsan ko. Hanggang ngayon, sumasagi parin sa isip ko iyon ngunit pinapatunayan mo naman sa akin na mahal mo ako. Matagal pa naman ang ating pagsasamahan. ”
                Kinuha niya ang kamay ko. Nilapit niya sa kaniyang bibig. Hinalikan niya iyon. Naalala ko naman si Zanjo. Madalas din niyang gawin iyon. Sinuklay niya ang buhok ko. Hinalikan ako sa noo. Napapikit ako. Bakit nangyayari ito? Bakit hinahayaan ko siyang gawin niya sa akin ito?
                “Mahal mo siya dahil marunong siyang kumanta? Hindi man ako kasinggaling ni Zanjo. Siguraduhin ko sa’yong kaya ko din naman siyang tapatan.” Binitiwan niya ako. Tumingin sa mga tent na may kalayuan na din sa pinuwestuhan namin.
                “Walang tao. Tayo na lang ang gising.”
                Umayos ako ng upo. Ramdam ko ang lamig ng Baguio. Tumayo siya sa harap ko. kumindat siya saka ngumiti.
“Heto ha, pantapat ko sa nakaraan mo. Wala pang gitara ito. Boses lang ang puhunan ko. Para sa’yo to.”
“Huwag na, marinig ka pa.”
“Medyo hinaan ko lang. Matagal ko nang gustong kantahin ito para sa’yo.”

Does he ever make you smile?
or leave a tear in your eye?
And does he paint your life in gray?
I’d like to color it someday
                Unang pasok palang niya ay parang tinamaan na ako sa lyrics niya. Ilang beses na din akong pinaiyak ni Zanjo. Ilang beses din niya akong sinaktan. Ngunit siya din ang dahilan ng madalas kong pagngiti noon. Siya ang dahilan ng masaya kong buhay noong high school ako. Ngunit nakaraan na ang sa amin. Nandito si Love ngayon, ni minsan hindi niya ako pinaiyak ngunit hindi pa din naman niya ako pinapasaya. Ngunit siya ang kasalukuyan, nangangako ng isang masaya at tahimik na bukas. Kanino ko pa dapat ituon ang aking pansin? Sa nakaraan na alam kong mahihirapan na akong dugtungan o sa kinabukasan na naghihintay lang ng pagkakataon para kaniyang patunayan?
                Lumuhod siya. Pinagpatuloy niya ang kaniyang kanta. Hinawakan niya ang aking mga kamay. Nakatitig siya sa akin.
I’d reach my hand up to you
When the world is cold and blue
I’ll be your hero baby
If you let me be, I’ll be the one
                Tagos sa puso ko ang gusto niyang sabihin sa akin. Nalilito na ako. Paano kung si Love nga talaga ang para sa akin? Paano kung isa lang si Zanjo sa mga dumating sa aking buhay ngunit hindi talaga siya ang naitadhana sa akin. At ngayon ay tuluyan na siyang nawala sa akin.
                Tumabi siya sa akin. Dinala niya ang kamay ko sa kaniyang dibdib. Sapo ng dalawang palad niya ang kamay ko. nagpatuloy siya sa kaniyang pagkanta habang nakatitig siya sa akin. Hindi man malakas ang kaniyang pagkakanta ngunit sapol niya ako sa bawat liriko.
I’ll be the one to love you more
I’ll be your everything and more
I’ll be your rainbow baby after the rain
I’ll be the sun that warms your soul
I’ll be the someone you could hold
I’ll be your hero baby, take me
I’ll be the one
                Sa pagsunod palang niya sa akin mula Manila hanggang Baguio, sa pagpasok niya sa pagsusundalo para masamahan niya ako sa mundong ko ngayon, sa hindi niya pagsuko kahit sobrang pinahihirapan ko siya, ang mga iyon ang patunay na kaya niyang panindigan ang  sinasabi niya sa aking pagmamahal. Sa masasakit na pinagdadaanan ko, nandito siya ngayon na parang nagbibigay sa akin ng panibagong pag-asa. Sa pagmamahal niyang ipinapakita ay nagpapatunay na siya ang bagong magbibigay sa akin ng saya. Wala na si Zanjo na sandigan ko, wala na siya nanahahawakan ko, si Love ang nandito, kahawak ko ngayon ng kamay. Napapikit ako. Tama ba itong naiisip ko? Kailangan ko ba talagang buksan ang puso ko kay Love at hayaan siyang tulungan akong kalimutan ang sa amin ni Zanjo?
I have faith in all you do
Well does he feel the same way too
When everything won’t turn out right
I’ll turn the darkness into light

                Alam kong, kung malalaman ni Zanjo na nagsundalo ako at binabalak kong kalabanin ang hukbong kinabibilangan niya ay hindi niya iyon susuportahan. Malamang sasabihin niyang mali ako sa aking desisyon. Ngunit si Love, hindi lang niya ako sinuportahan, nandito pa siya para ako’y samahan.  Kung sakaling hindi magiging maganda ang kalalabasan ng desisyon kong ito, nakakasiguro akong tutulungan pa din niya akong mahanap ang tamang daan para sa aming dalawa. Iyon ang hindi na nagawa ni Zanjo. Nang nawala si Daddy, nang halos hindi ko alam ang gagawin ko sa aking pagdadalamhati ay kasabay naman ng tuluyan niyang pagkawala. Na hanggang ngayon, hindi ko alam kung nasaan siya.
To hold you
I will be the air you breathe until the end of time
I’ll be the one to please you
I will never never never let you down

                Pinagmasdan ko siya. Humugot ako ng malalim na hininga. Patawarin na lang ako ni Zanjo ngunit bibigyan ko ng pagkakataon si Love. Tatlong taon na pero hindi pa din siya nagpapakita o kahit nagparamdam man lang. Idagdag pa ang sa tingin ko’y magkaibang daan na tinatahak namin. Niyakap ko si Love. Tinapos niya ang kanta niya ngunit ako ay kulong na ng kaniyang mga bisig.
                Pagkatapos ng kaniyang kanta ay hinawakan niya ang baba ko. Nagpaubaya ako. Napapikit. Naramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking labi. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Nagsimulang naglakbay ang kaniyang kamay sa aking katawan at ako sa kaniyang dibdib. Pinagsaluhan naming ang sarap ng una naming halikan. Hindi man siya ganoong kahusay pang humalik ngunit ramdam ko ang kakaiba nitong hagod sa aking kabuuan.  Naroon ang pagmamahal, naroon ang di ko maintindihan na pagsuyo.  Ngunit nang naglakbay ang kaniyang palad sa patungo sa aking pagkalalaki ay pinigilan ko siya.
                “Huwag dito. Darating din ang pagkakataong ‘yan. Huwag tayong magmadali.” Pamimigil ko sa kaniya.
                “Mahal kita, Pat. Mahal na mahal kita.”
                Hindi ko pa kayang sagutin iyon.  Napabuntong hininga ako.
                “Alam ko, naguguluhan ka pa pero salamat dahil kahit papaano ay binibigyan mo na ako ng pagkakataong halikan ka, yakapin at ipadama kung gaano kita kamahal. Hindi mo naman kailangang sagutin ako. Ang mahalaga sa akin ay nasasabi ko sa’yo kung gaano kita kamahal.” Tinitigan niya ako at ngumiti. Saka siya lumingon sa mga tent naming.
“Halika ka na sir! Ihatid na kita sa tent mo.” Tumayo siya. Nilahad niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo ngunit hindi ko na iyon tinanggap. Kaya kong tumayo na ako lang.
                “Sir ka diyan! Pagkatapos mo akong haranahin at paghahalikan tawagin mo akong sir?” Napangiti kaming dalawa.
                Nang nasa tent na ako ay naiisip ko na si Love. Napapangiti na niya ako. Nakukuha na niya ang kiliti ko. Tuluyan na niyang ginapi ang aking paniniwalang hindi puwedeng maging kami dahil sa pinsan na pagkakakilala ko sa kaniya. Tuluyan ko nang nakalimutan ang kinalakhan kong paniniwalang iyon. Iba na sa si Love sa tingin ko.
                Hanggang sa kinaumagahan ay nakita ko kung gaano siya kasaya. Parang nagbibigay sa kaniya ng ibayong lakas ang nangyari sa amin kagabi. Ako man din ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Masaya akong nakikita siya. Ngunit alam ko, naroon si Zanjo sa sulok ng aking puso. Ngunit si Love ang nakikita ko, siya ang nagbibigay sa akin ng panibagong ngiti.
                Pagkatapos ng Beast Barracks at tuluyan na silang nakapasa sa mga pagsubok bilang plebes ay alam kong si Love na ang magbibigay sa aking ng inspirasyon at saya sa malungkot, nakakapagod at walang katapusang hirap sa loob ng PMA. Huhugutin namin sa isa’t isa ang saya at pag-asa hanggang sa kapwa namin matapos ang aming sinimulan. Bago kami nagkahiwalay sa araw na iyon at nasa bus station kami ay hinila ko siya sa likod ng isang puno at tago ng matataas na halaman.
                “Paano, magkita uli tayo after two weeks?”
                “Anong 2 weeks? After 1 week pupuntahan kita sa Manila at sabay na tayo pupunta ng Baguio chief.”
                “Deal!” masaya kong sagot.
                “Mahal na mahal kita. Sobrang mamimiss kita chief”
                “Mamimiss din kita…chief” sagot ko. ginaya ko ang tawag niya sa akin. May gusto pa akong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.
                “Chief na din ang tawag mo sa akin?” Napangiti. “Gusto ko ‘yan. Puwede bang yan ang tawagan natin chief?
                Sinagot ko iyon ng ngiti bilang pagpayag.
I love you chief .” Inulit niya na naman
                “I love you too, chief!” hindi ko na napigilang isagot.
                Sa sobrang saya niya ay binuhat ako at pinaikot. Sa gulat ko ay pinisil ko ang braso niya lalo pa’t may ilang pasahero na nakakita sa ginawa niya. Naka-t-shirt pa naman kaming dalawa ng PMA.
                “Araaaaaayyyy!” sigaw niya. Napalakas yata ang pagpisil ko sa braso niya.
                “Sorry. Huwag kasi dito. Sa Manila na lang. Hihintayin kita.” Pambawi ko.
                “Puwede bang sa Manila na lang ako didiretso ngayon?” wika niya.
                “Huwag na muna, alam kong hinihintay ka nina tita. Narinig kaya kita kanina nang kausap mo siya sa cellphone. Huwag mo silang paghintayin sa wala.”
                “Sige, after one week maghanda ka. Pupuntahan talaga kita chief. Paalis na ang bus namin. Paano mauna ako chief. Mahal na mahal kita. Tandaan mo ‘yan.”
                “Mahal na mahal din kita chief!” sagot ko.
                Pabalik n asana siya sa bus ngunit lumingon sa akin. Nagsaludo saka kumindat.
                “Mahal kita!” walang tunog iyon ngunit banaag sa galaw ng kaniyang labi.
                “Mahal din kita!” sagot ko.
                Pagdating ko sa bahay. Ako ang nabigla sa ibinalita ni Mommy. Isang di inaasahang bisita ang dumating.

31 comments:

  1. yes na post na..basa muna

    sullivan eduardo

    ReplyDelete
  2. Yes mei update na ulit! <3

    #basamode


    x3n

    ReplyDelete
  3. Whaaa! Andaming bisita nman yan at take note, nakaka-atake sila. Lol. Siguro, di na nman si zanjoe yan. I guess, yung lolo't lola niya? Hahaha

    Great Chapter for love. :D

    ReplyDelete
  4. i guess c zanjo ung bumiseta kna pat,,, i hate na pat kc ayaw q mapunta kla ky love gusto kyo pa din ni zanjo ung magkatuluyan....

    ReplyDelete
  5. d q alam kung bkt ayaw q ky love para kceng mas maganda ung chemistry nina zanjo at pat.... basE of my own opinion...

    ReplyDelete
  6. so its a great another chapter again..plus factor ang mga photos kua joemar..the best ang kanta..feel na feel ko kua..kaya lang loveless ako..dito ko lang na feel yun mayrun nagmamahal na ganun..hayyy..
    naku i cant wait for the next chapter..

    sino kaya yun dumating nila bisita....si zanjo kaya..abangan

    sullivan eduardo

    yes nauna rin ako sa wakas..hahahaha

    ReplyDelete
  7. Waaah! Lagot! Dumating si Zanjo pero may Love na si Patrick! Paktay XD


    x3n

    ReplyDelete
  8. I think si Zanjo ang dumating. Di ba mag-aaral siya dahil siya ang mamumuno ng isang bahagi ng samahan? But may Love na si Pat...Crisis na naman si Pat...

    ReplyDelete
  9. Jo-Pat pa din ako!hihihi..pero may kilig pa din naman kay Love..

    I think si Zanjo nga yung dumating..nice one Joem..thanks for the update..wala na talagang bitawan to! :))

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  11. ,,ee eto nnanaman ang magandang storya, tiyak na si zanjo na yun, tsk tsk tsk!! hindi pa nag iinit sila ni love e.. galing mo talaga Tok ilove you.. hehe..

    ReplyDelete
  12. Di zanjo ang bisita nya..ai nako ano na mangyayari sa relasyong love at pat..cant wait for the next chapter.r.
    Galing talaga ni idol joemar

    ReplyDelete
  13. iba din ang kilig factor ng relasyong love and pat. pero mas bet ko pa din c zanjo for pat. . . hangang sa huling laban talaga! hehe
    at tama kakaiba kc yung chemistry nila zanj and pat.

    ReplyDelete
  14. OMG:)...cant wait for the next chapter.... hopefully everyday yung update and sana mas maaga...... i stop believing in happy ending for people who are in 3rd sex before but because of this story, it makes me beleive that we can all posibly experience it...... a big thanks to teh author

    ReplyDelete
  15. Yes.,.tamah q vha na mgkakaibgan dn amng dalawa at mahuhulog dn ang puso ni pat kay love.....hahahaha....cnu kaya ang besita ni pat?...d kaya c o ang lolot lola nya ang dumating?....ai naku gggrrrraaaaavvvveeeyyyy!!!!!,...nakakapanabiknaman ang susun0d na chapter nito ah!!!!sana maaga mgupdate....parang wala c junxs0n ah!!!!

    ReplyDelete
  16. How romantic naman ng episode na ito...c Zanjo kaya ang dumating? Abangan.

    RANDZ of QC

    ReplyDelete
  17. alam naman natin na c Zanjo talaga ang labteam nya. But lets give love a chance,sa dami ng efforts nya db? Pero sad to say ,tama kayo, pampadagdag init sa kwento c love,kumbaga it adds zes to the juice. And oh my veggie, cnung bisita? Nakakaloka ka sir Joem, every end ng bawat chapter iniiwanan mu kaming puzzled haha! HULA MO,PREMYO KO? XD

    ReplyDelete
  18. nice joem I have a feeling na si Zanjo ang dumating na bisita nila Pat hehehe. Nakakatuwa naman si Love kasi he is ready to face any obstacle just to be with Pat. 21 Gun salute for Love (Pinatay agad hehehe)

    Have agreat day joem.

    ReplyDelete
  19. Sir Joem: CONGRATULATIONS! You have reached more than a quarter of a million page views. I know, very very soon you will become a millionaire of page views coz you are such a talented and terrific writer. Keep up the very excellent work. MABUHAY!

    ReplyDelete
  20. hehehe ayun na ang kilig... pero bigla namang dating ni Zanjo ganun?

    ReplyDelete
  21. Aminin nyo na mga dude! kini kilig din kayo sa tambalang LOVE-TRICK pero malakas pa din talaga ang chemistry ng JO-PAT!

    ~kym

    ReplyDelete
  22. ano title nung kanta?

    ReplyDelete
  23. new twist at gusto ko ang daloy ng kwento kahit nakakainis (hehehehe)...ang lolo't lola niya at binalitang minsan napadlaw si zanjo sa kanila at pinapakimusta na lang ni zanjo si patrick,,,ok nag bagong tambalan pero jo-pat pa din...

    dracer

    ReplyDelete
  24. Kala ko talaga totoong ung panaginip ni Patrick..panaginip lang pala...pero bat ang bilis naman nilang naging mag-on sana hinintay nya pa ng konti si Zanjo...Basta ako Zanjo at Patrick pa din...

    ReplyDelete
  25. Pwo infairness ha!!!!..nakakaklig dn naman cla LOVE-TRICK ah!!!!z

    ReplyDelete
  26. Excited na ako na makitang muli si Zanjo sa eksena. Pero mukhang hindi sya ang bisita nila Patrick. Hay can't wait for the next chapter.

    Jo-Pat solid:-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga eh!!pwang ndi eh pwang ang lolot lola nya ang dumatng!!!!

      Delete
  27. Actually Im for Team Zanjo.
    And Im pretty sure it will be them sa ending.

    ReplyDelete