SUPPORTERS

Wednesday, March 6, 2013

Mahal kita: hanggang sa Huling Laban (Chapter 20)


Patrick

Zanjo

Love

CHAPTER 20
Sa bakasyon ay muli kong pinag-isipan ang lahat. Minabuti kong huwag na munang tawagan o kaya i-text si Love at damhin kung ano nga ba talaga siya sa buhay ko. Alam kong iyon din ang gustoi niyang gawin ko. Kailangan kong manindigan kung sino sa knailang dalawa lalo pa’t may nasasaktan na din ako na nagmamahal sa akin. Mahal ko si Zanjo ngunit pinaglalayo kami ng aming prinsipyo at ng pagkakataon. Kahit sa sulat niya ay hindi niya sa akin masabi na kaya niyang talikuran ang kaniyang ipinaglalaban para sa pagmamahal niya sa akin. Hindi ganoon si Love. Hindi ko man alam kung ano ang pangarap niya sa buhay ngunit isinakripisyo niya iyon para masamahan lang niya ako sa aking ipinaglalaban. Si Love ang narito ngayon, hindi ko man siya ganoon pa kamahal ngunit alam kong darating ang panahong magiging buo din ang pagmamahal ko sa kaniya. Nasasaktan akong nakikita siya nahihirapan. Gustuhin ko mang piliin si Zanjo ngunit saan kami dadalhin ng aming ipinaglalaban? Gusto kong magiging makatwiran ang aking desiyon. Isang desiyon na dapat ay sumasang-ayon sa realidad. Kung ano ang sa tingin ko ay nararapat para sa akin. Inaamin ko, mas mahal ko si Zanjo ngunit ni hindi ko alam kung nasaan siya at kung paano namin ipaglalaban ang sa amin.  Hindi pa niya ako kayang panindigan. At hindi ko alam kung kaya ba niya talaga akong panindigan tulad ng ginagawa ni Love ngayon.
Pasukan nang makita ko si Love na may kausap siyang plebe din patungo sa kanilang building. Sinadya kong salubungin sila. Nagsaludo si Love at ang kasama niyang Plebe sa akin at sinaluduhan ko din sila para ibaba nila ang kanilang saludo. Magsasalita palang sana ako pero mabilis na silang nagpatuloy sa kanilang paglalakad. Napakarami ko sanang gustong sabihin sa kaniya ngunit parang kakilala na lang ang tingin niya sa akin. Guwapo ang kasama niya, maputi, maganda ang katawan. Hindi ko alam kung kailangan kong maramdaman ang nararamdaman kong selos. Iba ang dating sa akin na makita si Love na may kasamang puwedeng maging balakid sa amin. Malaki ang naging balik no’n sa akin. Paano kung magiging sila na ng kasama niya? Sa ginawa niyang iyon ay lalong sumidhi ang kagustuhan kong makausap siya.
Mailap ang pagkakataon sa amin para makapag-usap. Nasa iisang campus lang kami pero naging abala ako sa aming drill at trainings idagdag pa ang mga ibang subjects namin na kailangang pagtutukan. Ang madalas ko lang nakakasama ay ang mga kaklase ko.  May mga subjects kami sa Engineering, Management. Dahil sa Army ang napili ko ay nagsimula na din kami sa madugong dissecting maps, ang nagpapasakit sa ulo kong weapons system engineering at sabayan pa ng robotics. Nahihirapan akong makahagilap ng pagkakataong makausap si Love lalo pa’t namumuo na ang takot ko na tuluyan na niya akong naisasantabi. Kung kailan kami may drill o traning ay saka ko siya nakikitang kasama pa din ang lalaking iyon. Damn!
Ngunit isang hapon ay nagkataong nakita ko siya sa tree house na mag-isa.

Bumilis ang tibok ng aking puso. Iyon na ang hinihintay kong pagkakataon para masolo siyang kausapin. Umakyat ako sa tree house. Nagtama ang aming mga paningin habang paakyat ako.
“Kumusta?” tanong ko.
Ngumiti siya ng pilit. Muli siyang tumingin sa malayo. “Am okey. Ikaw?”
“Ayos lang naman.” Matipid kong sagot. Nilingon ko siya.
Malayo ang tingin niya.
Katahimikan. Hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan ang aking sasabihin.
“Sige, tuloy na ako.” pagpapaalam niya.
Dumaan siya sa likod ko para bumaba sa tree house.
“Sandali.” Pamimigil ko sa kaniya. Hinawakan ko siya sa braso.
Tumigil siya.  Napabuntong-hininga.
“Yes?” tumaas ang isang kilay niya.
Ngumiti at muling lumabas ang kaniyang dimples at ang maputi niyang ngipin na binagayan ng kaniyang mapulang labi.
“Galit ka parin ba sa akin?” tanong ko.
“Wala akong dapat ikagalit.” Tumingin siya sa aki. God! Sobrang guwapo niya sa suot niyang uniform. Tumingkad ang kaniyang pagkalalaki.
“Mali ka ng tanong.” Pagpapatuloy niya. “You should ask me if I am still hurting.”
“Iyon na nga.” Tumingin ako sa kaniya. Tumabi siya sa akin. Nagkatinginan kami pero sabay din kaming tumingin sa malayo. Nagkakahiyaan? Puwede.
“Not that much. Hindi na katulad noon. May sasabihin ka pa ba?” tanong niya muli.
Bigla akong natorpe. Huminga ako ng malalim. Nanginginig ako. Hindi pa din talaga ako sanay na sabihin ang tunay na niloloob ko.
“Mahal mo pa ba ako o may bago ka na?”
“Isa-isahin nating sagutin ang tanong mo. Sa tanong mo kung mahal pa kita? Walang nagbago, mahal pa din kita. Doon sa tanong mo kung may bago na ako, what makes you think na meron na nga?”
“Yung guwapo na lagi mong kasama, naisip ko lang na baka…” natigilan ako.
“Na ano? Na baka kami na?” Ngumiti siya. Nangangatog ang tuhod ko sa epekto ng ngiting iyon. Hindi naman ako dating ganito. NI hindi ko nga napansin ang kaniyang mga ngiti nang magpinsan pa ang turingan namin.  
“Wala akong ibang kasa-kasama kundi si Dave lang. Dave is a good friend. May girlfriend siya and I think he is not one of us. Kailangan ko lang ng barkada and he’s been there for me since day one. Ngayon, ako naman ang magtatanong. Bakit mo tinatanong kung mahal pa kita at kung bakit mo naisali si Dave sa tanong mo?”
Nilingon ko siya. Muli kaming nagkatitigan. Nauna akong nagbaba ng tingin ko. Tumingin ako sa labas ng tree house. Bumunot ako ng malalim na hininga. Binalik ko muli ang tingin ko sa kaniya at nakatitig pa din siya sa akin. Naghihintay ng aking sagot.
“Kasi mahal kita. Isang araw bago ka umuwi, naisip kong mahal kita.”
“Naisip mong mahal mo ako?”
“Sorry, naramdaman kong mahal kita. Ikaw na ang gusto kong makasama.” Diretsuhan kong sinabi.
“God! Sinasabi mo ba iyan dahil nagseselos ka lang kay Dave? Paano si Zanjo?”
“Inaamin ko, nagseselos ako kung nakikita ko kayong magkasama ni Dave ngunit kahit nang wala pang Dave, kahit nang araw na iniwan mo si Teddy Love sa bahay, mas pinili ko nang yakapin iyon kaysa sa kay Teddy Zanjo. Kung paano si Zanjo? Marahil ito talaga ang kapalaran namin. Hindi siguro kami para sa isa’t isa kahit mahal ko pa siya. Sitwasyon na ang nagpapalayo sa aming dalawa. Kung humihingi ka noon ng pagkakataon para iparamdam mo sa akin na mahal mo ako, puwede bang ako naman ngayon ang  bigyan mo din ako ng sapat na panahon para palalimin ko pa ang nagsisimula kong nararamdaman sayo.”
Bumuntong hininga siya. Sumandal sa dinding. Nag-isip.
“Please?” pakiusap ko.
Ngumiti. Nakita ko sumaya ang kaniyang mga mata. Tumingin siya sa baba at sa paligid. Sumilip siya sa loob ng tree house. Kinindatan niya ako sabay ng mabilis niyang paghila sa aking kamay. Sumama ako sa loob ng tree house. Mabilis niya akong tinulak sa gilid kung saan tago kaming dalawa. Hinawakan niya ang batok ko at niyakap ko siya. Nagtitigan kami habang palapit na palapit ang kaniyang labi sa aking labi. Kasabay iyon ng malakas na kabog ng aming dibdib dahil sa takot na baka may makakita sa aming gagawin ngunit nangingibabaw ang pagkasabik namin sa isa’t isa. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking labi hanggang sa binigyang laya na namin at pinagsaluhan ang matamis naming halikan. Naramdaman ko ang kaniyang alagang tumutok sa galit kong kargada ngunit alam namin ang aming limitasyon. Hindi naman maaring gawin iyon doon ngunit ang mainit naming halikan ay sapat na para mailabas namin ang naipon naming pagkasabik. Hanggang sa naramdaman naming may paakyat sa tree house.
Patay malisya kaming nagkalayo. Doon ako sa kabilang bintana habang hinihintay kong tuluyan ng matulog muli ang nagising kong si manoy. Minabuti kong ipuwesto pataas para hindi halata ang kaniyang pagwawala at nakita kong ganoon din ang ginawa ni Love.
“Akala ko wala ka dito buds!” si Dave ang dumating. Nagulat nang makita niya ako. Tumindig siya sa pagkakatayo at nagsaludo.
“Sir Ancheta!”
Mabuti at naramdaman ko ding natulog na ang aking alaga. Kaya nagawa kong magsaludo din.
“Patrick pala.” Inilahad ko ang kamay ko. Gusto ko siyang makilala kahit sa tingin ko ay sobrang pamilyar ang mukha niya.
“Dave ho Sir, Dave del Rosario. Kilala ko ho kayo sir, isa kayo sa mga squad leader noong summer training namin.” Nahihiya siyang tanggapin ang kamay ko. Napakamot siya sa kaniyang ulo na parang aburido. Ngunit dahil naghihitay ako sa pakikipagkamay niya ay tinanggap niya din iyon. Naramdaman ko ang panlalamig ng kaniyang palad.
Tumingin siya kay Love at tumingin sa akin at muli niyang ibinalik kay Love ang kaniyang tingin. May tanong ang tinging iyon.
“Magpinsan kami Dave.” Paliwanag ko ngunit sinabayan din naman ni Love nang “Magkaibigan kami.”
Lalo kong nakita ang kalituhan sa kaniyang mukha.
“Magpinsang magkaibigan kami.” Pagtatapos ko.
Ngumiti lang si Dave. Tumingin siya kay Love. “Paano? Tara?”
“Mauna na kami chief! May tatapusin kasi kami sa isang subject namin”. Paalam ni Love sa akin sabay ng kindat at ngiti na ako lang ang nakakaintindi.
Masaya akong bumaba sa tree house. Sana hindi ako nagkamali sa desisyon ko.

Napakahirap ang kalagayan namin ni Love sa loob ng PMA. Pigil ang lahat ng kilos namin. Nagkikita kami madalas sa mess hall, sa hallway o kaya kapag napapadaan ako sa kanilang classroom.  Hanggang doon lang iyon. Tinginan, titigan, ngitian at kindatan. Ngunit kumpleto na ang araw ko kapag nagsasalubong ang aming mga mata o kaya ay sinasaluduhan niya ako. Nawala na ang dati’y agam-agam ko tungkol kay Dave.  Siguro dahil nga nagseselos ako kasi malaya silang magkasama at kami ni Love ay parehong kulong sa magkaiba naming class at activities.  Madalas may kasama siya at ako naman din ay ganoon.
Intramurals. Hapon, pagkatapos ng basketball na sinalihan ko ay nagkasalubong kami sa CR. Palabas na ako ng pumasok siya. Nagkatinginan kami. Wala pang pumapasok sa CR at palabas na din ang isang naghuhugas ng kamay. Mabilis kong tinungo ang pinasukan niyang cubicle na pinakagilid. Tinulak ko iyon.
Bukas.
Sinilip niya ako at mabilis niya akong hinila sa loob. Maliit lang ang cubicle ngunit kasya na kaming dalawa. Napakalakas ng kabog ng aking dibdib. Alam kong ganoon din siya ngunit sapat na ang nakaw na sandaling iyon para mapatunayan namin sa isa’t isa na kahit anong mangyari ay kaya pa din naming ipadama ang aming pagmamahalan. Sabik naming pinagsaluhan ang mainit na halikan. Walang gustong magsalita dahil mahalaga ang bawat sandali. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan mahigpit na mahigpit niya akong niyayakap habang walang puknat naming nilalasap ang tamis ng aming halik. Naramdaman naming may pumasok sa kabilang cubicle. Itinigil namin ang aming ginagawa dahil sa takot na maaring makagawa kami ng tunog na maaring marinig ng nasa kabilang cubicle. Titig na titig kami sa isa’t isa. Hinawahan ko ang kaniyang makinis na mukha. Alam kong nakikita niya sa aking mga mata kung gaano ko siya kamahal at dahil iyon ang nakikita ko sa kaniyang mga titig at haplos sa akin. Lumabas ang nasa kabilang cubicle. Muli na naman nagtagpo ang aming mga labi.
“Kailangan nating magkita sa labas ng campus ngayon. Hindi ko na kaya.” Bulong niya sa akin.
“Ngayon na?” tanong ko.
“Oo ngayon na. Wala na akong laro. Hintayin mo ako sa SM Baguio sa pangalawang palapag doon sa terrace. Kailangan kong tumakas at alam kong mas mabilis kang makarating doon.”
“Sige, hihintayin kita doon.”
Lalabas na sana ako sa cubicle nang makita kong may nakapila. Kinabahan ako. Hindi puwedeng makita ng kahit sino na may kasama ako sa loob. Muli kong sinara.
“May tao pa.” bulong ko. Noon lang ako natakot na baka mabisto kami.
Niyakap niya ako. “Huwag  kang matakot chief. Sagot kita.”
Bumukas ang pintuan sa kabilang cubicle. Sumilip siya.
“Pumasok na sa kabilang cubicle ang nakapila. Ako na ang maunang lumabas.” Bulong niya kasabay iyon ng mabilis na halik sa labi.
               
                Trenta minuto na akong naghihintay sa terrace at alas-kuwatro na ng hapon nang makita ko siya sa escalator paakyat ng second floor ng mall. Hindi ko alam pero masayang-masaya ako sa aking ginagawa. May mga sandaling pumapasok sa isip ko si Zanjo ngunit pinipilit kong itago siya sa aking alaala. Nakaraan na siya. Ayaw kong maging unfair kay Love. Si Love na ang pinili ko. Kung anuman ang nararamdaman ko kay Zanjo, maaring mawawala din sa pagdaan ng panahon kahit alam kong imposible na iyong mangyari pero katulad din naman iyon ng imposible na ding maipagpapatuloy pa namin ang aming pagmamahalan. Magkalabang hukbo ang aming kinabibilangan, wala ni isa sa amin ang gustong isuko ang ipinaglalaban. Kaya iyon ang siyang nagtulak sa akin para piliin si Love. At nasisguro kong magiging masaya ako sa aking desisyon.
                Parang magkaibigang matagal kaming hindi nagkita ni Love. Tumakbo pa siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.
                “Godddd! I miss you chief! Sobra! Parang lumaya ako sa matagal na pagkakakulong!” bulong niya.
                “Ako din! May mga tatlong oras lang tayong gumala. Kaya bilisan na nating gawin ang lahat ng gusto nating gawin.” Tinitigan ko siya. Tumitig din siya sa akin. Wala kaming pakialam sa mga tingin ng iba sa amin.
                Nagpunta muna kami sa Burham Park. Doon ay naglakad lakad kami habang kumakain ng mga street food. Kahit ngiti lang niya ay kumpleto na ako at alam kong ganoon din siya sa akin.
                “Check in tayo kahit isang oras lang?” seryoso siya sa sinabi niyang iyon.
Napalunok ako sa idea. Puwede.
                “Sige, gawin na natin ngayon ang hindi natin magawa sa loob.”
                Nang nasa loob na kami ng kuwarto ay parang napakahalaga ng bawat sandali sa amin. Pagkabukas palang namin sa pintuan ay nagsimula na kaming naghalikan. Hindi namin inilayo ang labi namin sa isa’t isa habang nag-aapura kaming tanggalin ang aming mga suot. Para bang isang malaking abala kung hindi naman isabay ang paghahalikan sa aming paghuhubad. Isa-isang natanggal ang t shirt, pantalon at brief hanggang sa pinahiga ko siya sa kama. Wala nang kahit anong saplot sa kaniyang katawan nang maghiwalay ang aming mga labi. Para siyang Adonis na hubad at naghihintay na idampi ko ang mainit at hubad kong katawan sa kanya. Nakangiti siya sa akin. Pinagmasdan ko ang magandang hubog ng kaniyang dibdib at abs. Napakaputi nito at napakakinis, isabay pa ang may kalakihan din niyang kargada na para bang nakapasarap paglaruan ng bibig at dila. Bahagya siyang bumangon at ako ang kaniyang pinatungan.
Hinaplos niya ang aking mukha, pababa sa aking dibdib, saglit niyang nilaro ang aking mamula mulang utong at para niyang nilililok ang aking abs at dumapo iyon sa nag-uumigting kong pagkalalaki. Hindi niya inaalis ang kaniyang pagkakatitig sa aking mukha at ganoon din ako sa kaniya. Hanggang dahan-dahan na niyang inilapit ang mukha niya sa aking mukha. Hinayaan kong halikan niya ako sa labi, bumaba iyon sa aking dibdib hanggang sa aking tiyan habang ang isang kamay niya ay naglalakbay sa aking tagiliran at ang isa ay nakawak doon sa aking pagkalalaki. Napaungol ako sa kakaibang sensasyon sa ginagawa niya. Ngunit hindi ko hinayaang ako lang ang nasisiyahan, naglakbay din ang aking isang palad sa kaniyang matipunong katawan at ang isa ay nakahawak din at maingat na nilalaro ang bahaging iyon ng kaniyang kahubdan. Hanggang sa tuluyang natuon ang kaniyang bibig doon sa aking kaselanan. Napapaliyad ako sa suwabe ng kaniyang paglabas masok. Nangingig ang aking mga paa sa sensasyon na halos hindi ko makayanan. Sinabayan ko ang ginagawa niya. Umikot ako sa kama na hindi ko  maistorbo ang kaniyang ginagawa. Hanggang sa ang akin ay nasa kanya at ang kanya ay nasa akin. Sinabayan ko ang bawat ritmo. Salitan ang aming pag-ungol. Napapamura kami sa kakaibang sarap. Hanggang sa dumiin ang kaniyang alaga sa aking bunganga at sinabayan ko ding idiin iyon sa kaniya. Manamis namis na likido ang sumambulat kasabay ng di namin nakontrol na lakas ng aming ungol at pagmumura. Pagod naming isinalampak ang aming katawan sa kama. Pinisil niya ang palad ko at ako din sa kanya. Hinalikan niya iyon at nakangiting nilingon ako.
                “Grabe! Ansarap!”
                Sinuklian ko iyon ng ngiti. Hindi ko na siya nahindian nang halikan ako sa labi. Ngunit hindi ko iyon ibinuka. Naalala ko si Zanjo.
                Pagkaraan ng tatlumpong minuto na pamamahinga at paglalambingan ay muli na naman naming pinagsaluhan ang di namin mahindiang ligaya at sa loob ng higit isang oras, dalawang beses naming pinagsaluhan ang kakaibang sarap.
                “Am glad na mauuwi parin sa masayang pagtatapos ang akala ko’y malungkot ko ng pagkabigo sa’yo chief. I can’t really believe na nandito ka na sa mga bisig ko at sinasabing mahal mo din ako.”
                Huminga ako ng malalim. “Masaya ako ngayon, sana magiging maayos ang lahat sa atin kahit ganitong kapwa tayong hirap na itago ang tungkol sa atin sa pamilya ko, sa pamilya mo at sa mga kasamahan natin sa loob.”
                “Come here!” nakasandal siya sa aming kama. Hinila niya ako para sumandal sa kaniya. Sa kaniyang balikat ko ipinatong ang aking ulo. Nagsalubong ang aming labi. Tumitig siya sa akin. Nakita ko ang butil ng luha sa sulok ng kaniyang mga mata.
                “Thank you for loving me back. Hindi mo kasi alam kung gaano ako kasaya. Alam mo yung isang matagal na pangarap, isang imposibleng pangarap na akala ko hindi na magkakatotoo pero nandito na ngayon at nakamit ko na na sa panahong hindi ko inaasahang makakamit ko pa? Nagbunga ang lahat ng pagtitiis ko. Magiging hero mo ako dahil ikaw ang gusto kong pag-aalayan ng lahat sa akin. Magiging tagapagligtas mo ako sa lahat ng kapahamakan lalo na ngayong alam kong isa si Zanjo sa ating makakalaban. Ayaw kong may mangyari sa’yo. Mapunta ka man kay Zanjo sa huli o mapunta pa din sa akin, ang mahalaga ay kaya kong mapanindigan sa’yo ang pagmamahal ko. Iyon ang mahalaga sa akin. Ang makasama ka sa lahat ng ipaglalaban mo.”
                “Huwag ka ngang magsalita ng ganyan at kinikilabutan ako.”
                “Chief, ngayon palang, dapat matapang ka, na harapin ang mga puwedeng mangyari para hindi ka mabibigla kung actual na itong mangyari sa harapan mo. Kaya nga tayo nagsundalo e. Dahil pinasok natin ito, nasa hukay na ang isa nating paa. Ang maipapangako ko, dadaan muna lahat sa ibabaw ng aking bangkay ang lahat ng taong manakit sa’yo.”
                “Ako din, hindi ko hahayaang may manakit sa’yo. Pangako ko ‘yan.”
                “Hanggang sa huling laban?” tanong niya. Iniharap niya sa akin ang kaniyang kamao.
                “Hanggang sa huling laban.” Sagot ko. Isinalubong ko ang kamao niya sa kamao ko. Muli niya akong niyakap at hinalikan sa labi.
                Mahirap ang kalagayan kung may karelasyon ka sa loob ng PMA lalo na kung katulad mo ng kasarian. Kailangan mong talasan ang pakiramdam at paningin. Sa mess hall madalas palihim kaming nagkakatitigan. Alam kong nakakahalata na sa amin si Dave dahil madalas niya kaming mahuli sa tree house. Si Dave ang laging katabi ni Love sa pagkain at nakikita kong nakikita niya ang pasimple naming kindatan ni Love. Nawala nang tuluyan ang selos ko kay Dave nang minsang nakita kong dumalaw ang maganda niyang girlfriend. Naisip ko, hindi din naman pala siya katulad namin.
Christmas vacation. Hindi pinayagan ni tita si Love na sa amin mag Christmas Eve. Hanggang sa text at tawagan na lamang kami. Ngunit masaya pa din na kahit magkalayo kami ay panay pa din naman ang palitan namin ng text. Lahat ng ginagawa niya ay alam ko. Pati nga pagpunta niya sa banyo ay updated pa din ako.
Umaga ng 26, medyo tinanghali ako ng gising ngunit nasabayan ko parin sina Mommy at Claire sa almusal.  Biglang tumunog ang cellphone ko. Text ni Love.
“Good morning chief ko. lav you…mwah mwah. Kain ka madami ok. miss u” Di ko mapigilang di parin kiligin.
“Sino ‘yan?” tanong ni Mommy.
“Kasamahan kong kadete Mom.” Nakangiti kong sagot.
“Kasamahang kadete pero nakangiti?”
Katahimikan. Sinagot ko ang text ni Love.
 “Napasarap yata ang tulog mo kagabi ano anak?”
“Oho. Ginutom nga ako eh.”
“Siya nga? Naku, may pinadeliver si Love na Christmas give natin.”
“Eto yung sa akin kuya oh. Di ko pa binubuksan. Ta’s si Mommy din meron, nilagay nga lang niya sa kuwarto niya.”
“Kinakatok kita kaninang umaga di mo ako pinagbubuksan. Kaya inilagay ko na lang yung gift mo doon sa kuwarto dati ni Love. Doon mo na lang kunin mamaya anak. Tinamad na kasi ako kaninang magbaba dahil may kabigatan.”
Ngumiti ako. Kahit kailan talaga di nauubusan si Love ng surprise sa akin.
Minadali ko tuloy ang agahan ko dahil sabik akong makita kung ano ang ipinadala niya sa akin. Sana natanggap din niya ang regalo ko sa kanila nina tita na isinabay ko sa regalo ko kina lolo’t lola.
Pumanhik ako sa taas pagkatapos ng mabilisan kong almusal. Inikot ko ang seradura pero naka-lock.
“Mommy! Nilock mo e!” sigaw ko.
“Naka-lock ba? Kunin mo kay manang yung susi. Alam mo naman ako, makakalimutin na.”
Kinuha ko ang susi kay manang na nasa labas at nagdidilig ng halaman.
Pagbukas ko ng pintuan ay halos mahulog ko ang hawak kong susi sa pagkabigla. Nakahiga si Love na hubut-hubad sa kama. Nakatirik ang ari niya na may nakalagay na pulang ribbon at nakasuot siya ng santa claus hat.
“Surprise!” sigaw niya.
Dahil sa takot ko na baka makita siya na nakaganoon ay mabilis ko din isinara at nilock ang pintuan.
“Oh my! Ano to chief?” natatawa ko.
“Bilis hilain mo yung ribbon para makita mo ang gift ko sa’yo.”
Seryoso siya samantalang ako ay hindi ko mapigilang hindi matawa. Nakakalibog nga naman ang hitsura niya ngunit hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin iyon.
Hinila ko ang bulang laso at nang matanggal ay hinila ko iyon. Sa dulo ng pulang laso ay may nakataling maliit na kahon.
Binuksan ko.
Isang manipis na white gold necklace.
“Wow! Thank you.” Hinalikan ko siya sa labi. Hinawakan niya ang batok ko at ang dapat na smack lang ay nagiging maalab.
“Isuot muna natin sa’yo.” Umayos siya ng upo.
Oo nga’t sinuot niya ang kuwintas sa akin ngunit ang kapalit pala niyon ay ang buo kong saplot sa katawan. At muling nabuhay ang aking pagnanasa. Mabilis naming itinawid ang aming pagkasabik sa isa’t isa. Maluwalhati naming ibinigay ang hilig ng katawan para maibsan ang ilang araw na pangungulila. Binuo niya ako. Sabay kaming nagpaputok isang araw pagkatapos ng pasko.
“Nakakangawit pala. Kung mamatay kailangan kong gisingin si manoy. Antagal mong nagising. Kinakabahan pa ako’t baka sumilip si tita o si Claire o kaya si Manang. Pero binilinan ko naman sila na masisira ang diskarte ko kung bubuksan nila ang pintuan kasi may papuputukin akong confetti pagpasok mo para surprise.”
“Kung anu-ano kasi ang naiisip mo. Baka mahalata na tayo ni Mommy.”
“Natatakot kang pangatawanan ako?” kunyari seryoso niyang tanong.
Tinignan ko siya. Hinawakan ko ang baba niya. “Mahal kita, kung malaman nila, sundalo akong haharap. E, ikaw?”
 “Ako din ‘no. Salubungin ko pa ang bala sabay isigaw kong I Love you Patrick Ancheta!” Sigaw niya. Mabilis kong tinakpan ang kaniyang bunganga.
“Uyy, chief baka marinig ka”
“Kala ko ba kaya mong pangatawanan?”
“ Oo pero saka na lang kapag nabuking na.”
“Palusot mo pero love you parin chief.
“Love you too chief.” Sagot ko.

Valentines Day.
Traning nila para sa Saturday inspection. Isa ako sa mga squad leaders pero hindi mismo sa squad nina Love ako nakatoka. Lumapit ako sa kasamahan kong squad leader para i-excuse siya ng kahit isang minuto lang at masabi ko ang gusto kong masabi.
“Sir, reporting Sir!” seryoso siyang nakasaludo sa akin.
Nagiti ako sa hitsura niya. Di ko mapigilan ang sarili ko. Pati siya ay pinipilit na ding hindi matawa.
“Chief kamay ko, nangangawit na.”
“Carry on, Perez.”
Lumingon ako. Walang nakatingin sa amin.
“Mamayang 11 ng gabi magkita tayo sa may tree house.”
“11 ng gabi?”
“Do as I say, Perez! No further question okey?” seryoso ako kuno.
“Susubukan kong tumakas.”
“Huwag mong subukan, gawin mo! Upper class mo ako ganyan ka sumagot? Give me 20!”
“Push up agad?”
“30”
“Fine!”
Natawa ako habang nag-pupush up siya. Nang matapos ang 30. Sumaludo siya.
“Mamaya babawian kita. Tandaan mo yan.” Pagbabanta niya.
“May sinasabi ka Perez?” seryoso kong tanong pero ansakit na ng tiyan ko sa pagpigil ko sa pagtawa.
Kigabihan, tulog na ang mga kasama ko sa kuwarto. Maingat akong tumakas. Kahit sa pagpunta ko sa tree house ay kailangan ko din ng dobleng ingat at baka may makakita sa aking mga upper class. Ayaw kong mapagtripan. Alam kong ganoon din ang kalagayan ni Love. Mas takot iyon sa akin. Luminga-linga muna ako nang paakyat na ako sa tree house. Mukhang walang tao. Pagpasok ko palang ay may humila na sa akin.
Si Love. Mabilis niya akong hinalikan sa labi. Gumanti din agad ako .
“Happy Valentines chief.” Bulong niya.
“Happy Valentines too.”
“Pinahirapan mo ako kanina, babawian kita.” Bulong niya. Mabilis niyang inapuhap ang zipper ko.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko.
“You know what am doin’, just don’t ask!”
“Dito talaga?” tanong ko ngunit hawak ko na din ang kanya.
“Huwag ng magreklamo nang matapos na natin ito. We’re running out of time.”
“Sige, double time lang chief!” nakangisi kong sagot.
At doon sa mabilisang paraan ay naitawid namin muli ang aming pagkasabik sa isa’t isa. Masarap pala kapag kinakabahan ka na baka may ibang makakita. Niyakap niya ako.
“Mahal na mahal kita Chief. Di ako magsawang ulit-ulitin iyon.”
“Mahal na mahal din kita chief.” Mahigpit kaming nagyakapan.
Kahit man lang sa sandaling iyon ay mapunan namin ang aming pagkasabik sa isa’t isa. Halos araw-araw nga kaming magkita sa loob pero wala naman kaming kalayaang gawin ang lahat ng aming naisin.
April 1, Summer Camp Training ng Incoming Plebe. Yearling na si Love, Second Class Cadet na din ako. Isa siya sa mga buddy yearling ng mga plebe na hawak ko. Kinagabihan ng Final March noon.  Sila ni Dave ang magkasama sa isang tent at mag-isa lang ako. Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung paano ko siya masimplehang masabihan na namimiss ko siya. Laging nakabuntot si Dave o kaya ng ilang buddy niyang plebe. Gusto kong daanin sa pagrereport niya sa akin kuno kaso may mga nakalaan silang training. Hindi talaga ako mapakali kaya minabuti kong lumabas sa tent ko. Kailangan ko siya. Naglalakad na ako papunta sa tent niya pero naunahan ako ng hiya kaya bumalik ako sa tent ko. Hindi pa ako nakakapasok ngunit sadyang malakas ang hangarin kong puntahan talaga siya. Nakarating ako sa tent nila. Sumilip ako. Nakita kong tulog na tulog sila ni Dave. Bumalik muli ako sa tent ko. Nanginginig ako sa lamig. Hidni ko alam kung bakit kailangan ko paring makaramdam ng hiya. Siguro, dahil ayaw kong mahalata kami ni Dave o nahihiya din akong magsabi sa kaniya. Pero, damn! Gusto ko siyang nandito sa tent ko ngayon. Bahala na! Kailangan ko siyang gisingin para kunyari ay may ipapagawa ako. Pero ano? Huh! Di ko talaga makontrol pa ang sarili ko. Kailangan ko siya sa tabi ko. Mabilis akong tumayo palabas sa tent ko.
“Arayyy!” mahina ang bulong niyang iyon ngunit alam kong nasaktan siya dahil ako din ay nasaktan sa pagkabunggo ng aming ulo.
“Ano ba kasi ginagawa mo dito?” kaartehan kong tanong habang hawak ko ang ulo ko. Siya din ay sapo niya ang ulo niya.
“Ayaw mo?” tanong niya.
“Ang alin ba?” pag-iinarte ko.
“E, di sige. Fine! Ayaw mo pala eh.” Palabas na siya sa tent.
“Uyyy!” Mabilis kong hinila ang kamay niya papasok sa tent. “May sinabi na ba akong ayaw ko? Nandito ka na aatras ka pa.”
                “E, baka lang kasi ayaw mo.”
“Ayaw ko sana pero nandito ka na. E’ di ituloy na lang.”
Lumingon at ngumiti. “Sus, kuyari ka pa e. Nakita kaya kita kanina sumilip sa tent namin. Hinihintay kong pumasok ka pero mabilis kang umalis.”
“Nakita mo pala ako? Nahihiya ako e.” Umupo ako. Naramdaman ko na naman ang nanunuot na ginaw.
Tumabi siya sa akin. “Wala ka naman dapat ikahiya chief. Halika na nga at mukhang giniginaw na talaga ang chief ko.”
Nagkatitigan kami. Nauna siyang ngumiti. Ngumiti din ako. Naramdaman ko ang init ng kaniyang katawan dahilan para maibsan ang ginaw. Tiningala ko siya. Hinalikan ako sa labi at hinaplos ang aking pisngi.
“Gusto kong bantayan ka at baka mamaya magsisigaw ka na naman sa panaginip mo chief. Gusto kong maging hero mo, sa panaginip man o hindi. Kahit hindi mo sabihin, nandito ako lagi sa’yo dahil ganoon talaga kapag nagmamahal, hindi na kailangan pang sabihin ng isa ang kailangan ng isa. Kusang ibinibigay iyon. Kaya kahit hindi mo pa sinasabi, sa tingin mo palang kanina sa akin maghapon, I knew that you need me to be here.”
Ngumiti ako at niyakap ko siya. Yumakap din siya sa akin at umayos ng higa.
“Mahal na mahal na kita.” Bulong ko.
“Dati ba hindi?”
“Mahal naman ngunit hindi katulad ng nararamdaman ko ngayon.”
“Ako din chief.” Hinawakan niya ang tainga ko. Iyon ang napansin kong lagi niyang ginagawa sa akin habang hawak ko naman ang kaniyang palad at pinipisil-pisil ko. Kahit hindi ko siya tinitignan ay alam kong nakatitig siya sa akin. Hinihintay kong ibaling niya ang tingin niya pero titig na titig pa din siya.
“Bakit mo ako tinitignan ng ganyan?” tanong ko.
“Binubusog ko lang ang mga mata ko. Dapat sanay na ako pero parang lagi pa din akong sabik na matitigan ka ng malapitan. You don’t know how much I care for you. You don’t have any idea how much I love you, chief.”
Huminga ako ng malalim. Muling nagtagpo ang aming mga labi. At parang biglang nawala sa isip namin na nakapaligid sa amin ang tent ng iba pang mga kadete. Pinagbigyan namin ang init ng aming katawan. Tuluyang pinalaya ang aming kasabikan. Natapos iyon ng pigil at mahinang ungol. Sadyang binuo na ni Love ang buong ako.
Bago ang pasukan ng Fourth Year (First Class cadet) ay naisipan kong sumama kay Love sa Vizcaya. Pumayag din si Mommy. Gusto ko din kasing bisitahin ang lolo at lola ko na matagal ko na ding hindi nakikita. Sinamahan ako ni Love sa pagpunta doon. Sumakay kami sa motor niya. Siya ang nagmaneho. Hindi ko alam ngunit naalala ko pa din si Zanjo. Bumalik sa aking alaala yung mga ginagawa niyang paghalik sa aking batok o kaya paglagay ng isa niyang kamay sa loob ng aking pantalon. Pumikit ako. Hindi ko na dapat pang inaalala ang lahat ng iyon. Narito na si Love. Gusto ko nang kalimutan ang lahat.
Nang makita ko ang bahay nina Lolo at lola ay parang nanariwa sa aking alaala ang lahat ng mga nangyari noon. Parang nakikita ko pa din sina Daddy at Mommy na duguan sa bahaging iyon ng bahay. Napahinto ako sa paglalakad. Hinawakan ni Love ang kamay ko at inakbayan.
“Okey ka lang chief?” tanong niya sa akin.
“May naalala lang ako.” huminga ako ng malalim.
“Alam ko. Tapos na iyon. Ilang taon na ang nakakaraan.” Mabilis niya akong niyakap. “Iwasan mo ng isipin kung anuman ang nangyari dito.”
Natatakot man akong baka makita kami ni Lolo o kaya ni Lola nag nagyayakapan ngunit inaamin kong nakatulong ang ginawa niyang iyon para maibsan ang nararamdaman kong takot at galit. Ang marahan niyang paghaplos sa aking likod ay parang tuluyang nagpapalaho sa tindi ng emosyon ko kanina.
“Okey na ako. chief” bulong ko sa kaniya.
“Good! Then let’s go. Baka nasa likod sina lolo at lola.”
Pagdaan namin sa gilid ng bahay ay nasulyapan ko ang malaking puno na kung saan ako tumatambay noong bata pa ako.

 Doon kami unang nagkita ni Zanjo. Matataas na naman ang damo sa bahaging iyon. Napapaluha ako at hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Naroon paring nakahimlay ang masayang alaala ng aming kabataan ni Zanjo. Napatigil ako sa paglalakad dahil parang naninikip ang dibdib ko. Nasaan na kaya si Zanjo ngayon? Binalikan ako ni Love nang mapansin niyang natigilan ako. Mabilis niyang inapuhap ang palad ko. Tumingin siya sa akin. Ngumiti na para bang sinasabi niyang, magiging maayos din ang lahat.
Tuwan-tuwa sina Lolo at lola nang makita ako. Doon na kami nananghalian ni Love. Napakaraming mga tanong ang dalawang matanda kina Mommy at Claire at naluluha pa din sila kung naiisip nila si Daddy. Gusto sana namin nina Mommy na doon na sa bahay sa Manila ang dalawang matanda para may titingin-tingin sa kanila ngunit palagi lang kaming tinatanggihan. Nasanay na daw kasi sila sa buhay sa probinsiya. Hapon, habang nagpapahinga kami sa harap ng bahay nina Lola nang maisip kong puntahan ang batis. Namiss ko ang lugar na iyon.
“May pupuntahan lang ako.” paalam ko sa kanilang tatlo.
“Samahan kita.” Si Love.
“Huwag na. Ako na lang.”
“I insist.” Kung sinabi  niya iyon ay din a mabago pa ang kaniyang desisyon kaya wala din akong magawa kundi ang isama siya.
Pagdating namin sa batis ay hindi na ganoon kadami ang tubig nito. Hindi na katulad dati ang taglay nitong ganda. Napaupo ako at hindi ko na napigilan ang mapaluha dahil sa dami ng mga alaala bumabalik sa akin na parang bang ang lahat ay kahapon lang nangyari.

Tinignan ako ni Love.
“Naalala mo ba siya?” malungkot ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin. Alam niyang doon kami madalas magtagpo ni Zanjo noon.
“Okey lang ba? Pasensiya ka na chief.” Paghingi ko ng paumanhin.
“It’s okey. Bahagi ‘yan ng buhay. Naiintindihan ko naman. Hindi ko kailangang pagselosan pa ang nakaraan mo. Ang mahalaga naman sa akin ay yung ngayon. Can I hug you?” hinawakan niya ang braso ko.
Tumayo ako.  Hinarap ko siya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
“Alam ko, naiintindihan ko, hindi ko tinatanggal ang karapatan mong panatilihin si Zanjo sa puso at alaala mo. Mahal kita, ramdam kong mahal mo din ako. I don’t want to ask for more. Kuntento na ako sa naibibigay mong pagmamahal sa akin ngayon.” Niyakap niya ako ng mahigpit. Nagtapat ang aming mga pisngi. “I am happy that now, I am already part of your memories in this place. Na ako na ngayon ang kayakap mo, ako na ngayon ang kasama mo. Ibig sabihin ako ang huling alaala mo sa lugar na ito kahit hindi man ako ang nauna.”
Nilayo niya ang katawan niya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya ang luha sa aking mga mata. Hinalikan niya iyon.
“I don’t wanna see you cry again. Please. Ni minsan hindi kita pinaiiyak alam mo ‘yan. Kung mapaiyak man kita, gusto ko tears of joy lang. Kasi mas lalong ako yung nasasaktan kapag umiiyak ka dahil sa lungkot. Mahal kita. Mahal na mahal chief.” Hinalikan niya ako sa labi habang magkahawak kami ng kamay.
Tama siya, gusto kong isipin na siya na ang huli kong alaala sa lugar na iyon.
Magkahawak kamay kaming tumalikod. Paalam sa mga alaala ng kahapon. Naging makahulugan ang mga alaalang iyon at kahit magpaalam ako ay muli ko paring babalikan ang lahat sa takdang panahon.
Pagbalik namin sa kanilang bahay ay naisipan kong dumaan muna kami sa palengke sa Solano. Gusto ko kasi ng tinapa, kamatis at ilang mga pagkaing namiss ko sa Vizcaya.  Abala sa pamimili si Love at ako naman ay nagtitingin-tingin ng iba pang bibilhin nang natigilan ako sa isang dumaan sa hindi kalayuan.
Si Zanjo.
Kahit nakasumbrero siya ay hindi maaring magkamali ako. Mabilis ko siyang sinundan at hindi ko alam kung napansin ako ni Love na umalis sa tabi niya. Mabilis ang kaniyang mga hakbang at binilisan ko din ang hakbang ko. Lumingon siya. Nagtama ang aming paningin. Nakita ko sa mukha niya ang pagkabigla. Hindi ako papayag na hindi ko siya makausap!
NOTE: Hindi ko ho minamasama ang pagbibigay ninyo ng komento pero sana sa maayos na pamamaraan. Hindi ako perpekto, napakarami ko pang dapat matutunan ngunit sana ho bigyan ng kaunting respeto ang pagbibigay ninyo ng inyong suggestions para ho matugunan ko din ng maayos at may respeto ang inyong mga gustong iparating sa akin. Sana po magkakaintidihan tayong lahat. Maraming salamat sa mga patuloy na nagtitiwala sa aking mga kakayahan. Tulad ng sinabi ko sa group... WALANG MAKAKAPIGIL SA AKIN SA KAGUSTUHAN KONG MAGBIGAY NG INSPIRASYON SA MGA TAONG PATULOY NA NANINIWALA SA AKIN. Tayo tayo na nga lang kasi dito ang dapat nagkakaintindihan pero tayo tayo din ang nagkakasiraan at naghihilaan.

Happy Reading po!

JOIN US IN OUR FACEBOOK GROUP--- CLICK THIS LINK


32 comments:

  1. Yown una ako...

    Boss Joem the best k po!

    Red of singapore..

    ReplyDelete
  2. Hala nabuhay na naman feelings nya ke Zanjo...kawawa namamn c Love. Thanks joem

    RANDZ of QC

    ReplyDelete
  3. Nice story. Ako ba ang nauna na mag comment

    - Renz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nauna po ako..

      Red of singapore

      Delete
  4. Pangalawa lang ako..hihuhu
    Galing mo talaga idol joem

    ReplyDelete
  5. Hahah like masyado boss joem... ganda ng sorry wG mo na intindin ang mga paninang comment ng iba... hehe... excited na ako sa nxt.. anu na kaya ng yari.. sana makita na ako ng love para di na sya panakip butas..paranv angs akit kc... boss joem mamatay ba c love? Bigay mo na lng sya sa akin.. pang birthday gift...... pramiz aalgaan ko sya


    Hhehe

    ReplyDelete
  6. wheww...eto na naman..maraming salamat kuya joem! ang galing...kapana panabik ang susunod na tagpo... na miz q c dude zanjo sobra pero naaawa naman aq kay chief love...haysss!

    wow! more on kilig moments ng LOVETRICK sa chapter na to, sana sa next chapter JOPAT naman para balance...hehee

    ~kym

    ReplyDelete
  7. Ai tnx joem.,..,may chap.2o na....!!!

    ReplyDelete
  8. Nice episode. You know kung bakit ko nagustuhan si Love? Ayon kasi sa paglalarawan mo, naiimagine kong kamukha niya si Alden Richards na maganda na ang katawan, may dimples pa. But it is just me. One aspect na nakakatulong na higit naming naappreciate ang kwento mo ay dahil sa mga songs and pictures. Eto yong wala sa pocketbooks and I salute (parang PMA lang ah) you for that and the more na I thank you for your efforts to give us a good story. Isa pa - bakit ba maraming affected? - dahil YOU TELL A GOOD STORY - plain and simple. Keep up the good work. You make a lot of people (me included) happy znd satisfied...

    ReplyDelete
  9. Kawawa naman si Patrick.
    Palaging minumulto ng nakaraan niya.
    Move on ka na lang.

    ReplyDelete
  10. uhoy! Zanjo anu na? Its been a long time hahaha! How are you? XD

    LOVE kamusta naman? Inangkin mu na ang title HAHA!

    Pat! Mini mini mi ni mo? XD

    Sir Joem,u always got our back. Sasamahan at ipaglalaban ka namin HANGGANG SA HULING LABAN :)

    ReplyDelete
  11. woooooh!
    im a solid JOPAT pero kinilig ako sa LOVETRICK moments ng chapter na to ah! tameme na naman ako sa pagmamahal ni love para kay pat.
    super xcited na for d next chapter. magkkta na din sa wakas ang mag dude.

    thanks sir joemar

    ReplyDelete
  12. Nakow! Anyare? Wag nman sana bumalik ang kay zanjoe. Hahaha. Ayos na diba? Love, dont worry, kakausapin lang niya si zanjoe. Hihihihi

    ReplyDelete
  13. Sir Joem: I am extremely glad that you are back. You have no idea how sad I was. I was checking this site like every 30 minutes. Any way, the feeling is so very good.
    I love you my friend.

    ReplyDelete
  14. KEANTOOT..DI PWEDE YUN..ZANJO AT PATRICK AKO KAYA..

    GRABE NAMAN SI LOVE..KAKATUWA ANG XMAX GIFT..HMMM..

    BASTA ZANJO AKO..GO ZANJO..TALK TO PATRICK..DONT DO THAT TO PATRICK..DONT RUN..TALK TO HIM...

    SANA'Y WALA NA YUN ULIKBANG YUN DITO..

    SALAMAT KUA JOEMAR..NEXT JOPAT TEAM NA HA.HIHIHIHI..

    SULLIVAN EDUARDO

    ReplyDelete
  15. uy!! wala na nman ako masabi, masaya na kinakabahan ako sa mangyayari!! ayko na kasi magalit si love ko, kaso hindi nman pede na mabaliwala nman ang zanjo ko lalo!! huhuhu pano ba to... josko po sino ba talaga ang pipiliin ko sa kanila!!!! hahaha...kalamo tuloy ako na si Patrik!! hayyyyyyyyyyyyyy... sana maging kagaya din ako ni Pat aheheh...galing mo Tok wala na talaga akong masabi, IKAW NA TALAGA.. qurius lang pano mu kaya mapag babalikan yung dalawa ni zanjo no?!! ups abangan ang susunod na kabanata!!..

    ReplyDelete
  16. Was Zanjo in the batis when pat and love were there; and zanjo saw pat & love hugging each other? - so very masakit. Zanjo followed pat & love even up to the market. Is it that way? By mental reason, I like pat & love to be together. But Pag-ibig kasi is not something that you choose but is is pag-ibig that chooses you.

    ReplyDelete
  17. Zanjo Patrick pa din...Di matitibag to..LOL!!!!

    ReplyDelete
  18. Huhuhuhu......kawawa naman c LOVE.....,k lang yan love they`re talking about their past lng naman eh!!!.,.d0nt w0rry kw ang ngaun ndi c zanjo......-,nakakaklig talaga ang LOVETRICK team.?,,..

    ReplyDelete
  19. zanjo patrick pa din aq khit anung mangyari solid ata to yes sana magkausap na cla prab magkaalaman na para naman maipaglaban pa nila ang kanilang pagmamahalan.. next chapter na please exceted na aq sa paguusap nila...

    ReplyDelete
  20. wow! at last nagka unawaan na din cla . sarap talaga ang magmahal ng may katumbas ding wagas na pagmamahal. tnx joem sa patuloy mong pag share ng iyung magagandang akda,.. . kala ko d mo na nga itutuloy dahil alam ko nasakatan ka dun sa comment ng isa mong reader. keepup the good work frend!

    ReplyDelete
  21. I am getting this error sa fb link. Pls help.


    The page you requested cannot be displayed right now. It may be temporarily unavailable, the link you clicked on may be broken or expired, or you may not have permission to view this page.

    ReplyDelete
  22. Message me in my fb account para i add kita then i will add u sa fb group as soon as u confirm my friend request. Pkilala k pra ma iadd muna kta safb account ko...thanks

    ReplyDelete
  23. Yes!ayan na si Zanjo hihi..panalo ang chapter na to!

    And yes tuloy lang ang ligaya Joemar..go lang..dito lang kami para sayo..thanks sa update :))

    ReplyDelete
  24. dapat talga asahan na ni Patrick na magkikita sila ni Zanjo sa Vizcaya, ayos na rin na magkausap sila para mgakaalaman na kung sina ba tlaga sa dalawa ang mahal niya. Kasi in the end baka silang tatlo lang ang magkasakitan.

    Have a great day joem. habang iniintay ko ang update sa MKHSHL e binabasa ko ulet ung mga nauna mong Stories grabe ang gand apa rin kahit ulit ulitin ko hehehe

    ReplyDelete
  25. Ayahay!!ang hirap ng sitwasyon ni pat...parang c ano lng...alam mo n un sir joem..hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahemmm...ano yon Iaki? Parang alam ko rin haha...kaw talaga! Ewan!

      Delete
  26. cant wait na for the next post..kanina pa ko pabalik balik d2..aabang! thanx IDOL JOEM^^

    LOVE_TRICK aq

    ReplyDelete
  27. Ahihihi ano kaya sunod na mangyayari sa muling pagtatgpo. Kinakabahan na ako. I wil fastened now my seatbelt for the take off JoPat!

    Next chapter pleaaaaase...

    Lolong Jr. of Siargao

    ReplyDelete
  28. ang tagal kong di nakabasa.. I miss it hehehee

    ang ganda tlga ng flow ng story

    ReplyDelete