SUPPORTERS

Friday, April 12, 2013

Pedestal (superstar ka ng buhay ko) Chapter 11


CEDRICK

MARK KYM

ERIN

TZEKAI
Chapter 11

Mabilis akong pumasok sa loob. Hindi na niya ako napigilan. Wala na siyang magawa. Binayaran niya agad ang pizza delivery boy at kaaagad din itong nagpasalamat at umalis. Hindi niya isinasara ang pintuan. Nagkatitigan kami. Mabilis ko siyang hinawakan sa kaniyang braso.
“Umuwi ka na! Ano bang nangyayari sa’yo? Please?” pakiusap niya. Nakita ko sa kaniyang mukha ang kakaibang pagkabahala.
Biglang may lalaking nakatapis lang ng tuwalya na lumabas sa banyo. Parang binagsakan muli ako ng langit sa nasaksihan ko. Hindi ko inaasahan na madatnan ang lalaking iyon doon. Kasabay ng muling pagtulo ng aking luha ang naramdaman kong pandidiri sa lalaking kinababaliwan ko.
                Mabilis na tumulo ang aking luha. Umatras ako. Titig na titig ako sa kaniya. Gusto kong makita niya sa aking mga mata ang aking pandidiri. Tinungo ko ang nakabukas pang pintuan. Gusto kong isambulat ang galit ko sa kaniya ngunit hindi ko magawa. Nanaig pa din kasi yung tindi ng pagmamahal ko. Magkahalong mga emosyon ang nararamdaman ko. Mabilis kong tinungo ang elevator. Sumunod siya sa akin. Parang gusto niya akong pigilan. Gusto niyang magpaliwanag ngunit nanatiling tikom ang kaniyang labi. Bago nagsara ang elevator ay nakita ko ang tuluyang pagbagsak ng kaniyang luha.
                Tahimik akong pumasok sa aking kuwarto. Nakita ako kanina ni Manang nang pumasok ako ngunit mabilis kong inilagay ang aking hintuturo sa gitna ng aking bibig para balaan siyang manatiling manahimik. Ayaw kong malaman nina Papa na pinuntahan ko si Mark Kym. Sigurado akong di nila magugustuhan ang katigasan ng aking ulo sa kanilang mga pakiusap sa akin.
                Pagpasok ko sa aking kuwarto ay tinanggal ko lahat ang mga posters niya. Lahat ng mga natutuyong bulaklak na regalo niya sa akin ay itinapon ko sa basurahan. Inilagay ko sa karton ang mga kung anu-anong box ng chocolates, souvenirs na pinamili namin sa Boracay, Thailand at Singapore. Mabilis kong inilagay ang mga luma naming pictures sa sulok ng aking drawer. Nang kahit katiting ay wala na akong makita pang makapagpaalala sa kaniya ay tumungo ako sa banyo ng aking kuwarto. Hindi na ako naghubad pa ng damit. Binuksan ko ang shower faucet at hinayaang iagos ng maligamgam na tubig ang sakit na aking nararamdaman. May namumuong galit. Gusto kong ipaintindi sa aking sarili na wala na kami ni Mark. Natapos na ang masasayang araw namin. Hindi na muli pang babalik. Umiiyak ako, ang mga luha ko ay kasamang iniaagos ng tubig. Humahagulgol ako. Magkahalong sakit at galit ang namumuo sa aking dibdib. Hindi pa ba sapat na hiniwalayan niya ako para iparamdam sa akin ang sakit? Kailangan pa bang masaksihan ko ang pagkakaroon niya ng kaulayaw sa kaniyang condo?
                Nagpapakatanga akong habulin siya. Ilang beses akong nagmakaawa sa mga messages ko na sana ayusin namin ang aming relasyon. Nagpakababa ako, kulang na lang ay lumuhod ako ng pauli-ulit para muli niya akong balikan. Inubos ko ang aking luha. Isang oras ako sa ganoong kalagayan. Pinigilan ko ang aking sarili na muling bumalik ang mga sandaling ipinadadama niya sa akin ang kaniyang pagmamahal. Gusto kong lahat ng iyon ay mabura na ng tuluyan. Ang tanging nais kong maiwan ay ang sandaling sinaktan niya ako. Yung gabing iniwan niya ako sa kabila ng paulit-ulit niyang pagsabi noon kung gaano niya ako kamahal. Lahat pala ng iyon ay pawang kasinungalingan. Kung talagang mahal niya ako, hindi niya ako kailangang isuko. Kahit pa sana gaano kahirap ang aming mga pagdadaanan, mas pipiliin sana niyang naroon ako sa tabi niya at kasamang lumalaban sa kahit anong hamon ng buhay. Sinungaling siya!
                Nahiga ako sa aking kama. Ngunit kahit anong gawin ko ay nagtatalo pa din ang sakit, galit at tindi ng pagmamahal ko sa kaniya. Parang sasabog ang aking utak. May kung anong nakadagan sa aking dibdib na dahilan kung bakit hindi normal ang aking paghinga. Ansakit sakit na. Sobrang hindi ko na talaga kinakaya.
                Kinuha ko ang aking iphone. Lahat ng mga inipon kong sweet messages niya sa akin, kahit ang aking call log list ay binura ko. Ang kaniyang contact number. Kung sana ganoon lang kabilis din siyang burahin sa aking isip. Bakit ba ganito kahirap magsimulang muli. Sinaktan na niya ako, iniwan at pakiramdam ko pinaglaruan lang  niya ang damdamin ko ngunit hindi ko kayang dayain ang aking sarili na mahal ko siya. Mahal na mahal. Ganito na ba ako sobrang katanga?
                Magdamag akong dilat. Nagagalit. Umiiyak. Nag-iisip. Napapangiti. Nababaliw na ba ako? Bumukas  ang pintuan ng aking kuwarto pagkatapos ng mahinang katok. Si Papa Patrick ang pumasok at may dala siyang almusal. Sumunod si Tito Love sa kaniya. Umupo si Papa Pat sa aking tabi habang si Tito Love ay nakatayo lang na nakatingin sa akin.
                “Kumain ka naman anak. Nag-aalala na kami sa’yo ng Daddy Zanjo mo.” Huminga siya ng malalim. Tinitigan niya ako. “Si Mark na lang ba ang mahalaga sa’yo? Anak, mahal ka namin. Kahit parang hindi mo na kami napapansin, nanatili kaming nandito para sa’yo. Kausapin mo naman kami. Ilabas mo sa amin ang lahat ng sakit na naiipon diyan sa dibdib mo.” pakiusap ni Papa Pat. May butil ng luha na umagos sa kaniyang pisngi. “Makakatulong iyon anak para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo.”
                Bumangon ako. Mabilis ko siyang niyakap. Humahagulgol ako. Lumapit si Tito Love. marahan niyang hinaplos ang likod ko.
                “Sorry papa. Hindi ako nakinig sa inyo.” Humihikbi kong sagot.
                Tinanggal ni Papa Pat ang nakayakap kong kamay sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko.
                “Wala kang dapat ihingi sa akin ng tawad anak. Wala kang kasalanan. Naiintindihan namin ang sakit na pinagdadaanan mo. Kung may magagawa lang din sana kami para maipasa mo sa amin ang sakit at tuluyang maibsan ang lungkot na pinagdadaanan mo ay gagawin namin. Si Tito Love mo pala. Magpapaalam na sila ni Tito Dave mo. Pupunta na sila ng Canada. Nasa labas si Tito Dave mo. Baka puwede kang lumabas mamaya para saluhan mo naman kami bago sila aalis?”
                Tumango ako. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi.
                “Labas muna ako anak, ha? Kainin mo yang breakfast mo. May sasabihin daw ang Tito Love mo sa’yo.” Tinapik ni Papa Pat ang balikat ko at tumalikod na siya. Isinara niya ang pintuan ng aking kuwarto.
                Umupo sa harap ko si Tito Love.
                “Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?” tanong niya.
                “Sobrang sakit po tito. Ansakit-sakit po talaga.” Kusang tumulo ang luha na pilit kong pinipigilan.
                “Anak, hindi dahil nagmahal ka, laging kaligayahan ang mararamdaman. Kung nagmahal ka, dapat hinahanda mo na ang sarili  mo para masaktan.” Huminga siya ng malalim. “Naalala mo ba yung sinasabi ko noon sa’yo na may minahal ko ng sobra-sobra? Yung lalaking kinakanathan ko para mailabas ko ang emosyo ko?”
                Tumango ako.
“Si Papa Patrick mo ang lalaking tinutukoy ko, anak.”
                Tumingin ako sa kaniya. “Si Papa Pat ho?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
                “Oo. Siya nga. Yung sakit na nararamdaman mo ngayon, ay doble pa sa sakit nararamdaman ko noon. Hindi lang ikaw ang nakakaranas ng ganiyan. Bahagi lang iyan ng ating buhay. Lahat tayo, kahit pa ‘yung iniidolo nating artista, hinahangaang pulitiko, mga prinsipe o prinsesa ay dumadating din yung puntong nabibigo at nasasaktan sila. Ngunit, hindi ibig sabihin na kung nabigo ka, hihinto na din ang takbo ng iyong buhay. Anak, ang pagpaparaya o ang pagpapalaya sa taong minahal natin ay ang isa sa mga pinakamasakit na puwedeng gawin ng mga nagmamahal. Ngunit kung iyon ang makapagpapaligaya at tuluyang ikatatahimik ng ating buhay at kung sa tingin mo iyon ang ikasisiya ng taong mahal mo, kahit gaano pa kasakit ay kailangan mong harapin at ibigay para lumaya ka din.” Hinawakan niya ang kamay ko. Tumingin siya sa aking mga mata na para bang may binabasa siya sa aking pagkatao.
“Masakit sa una ngunit lahat naman ng sakit ay hinihilom ng panahon. Katulad din iyan ng isang sugat. Para tuluyan itong gumaling ay kailangan mo itong pabayaang hilumin ng panahon. Mag-iiwan man ito ng pilat ngunit iyon ang siyang magpapaaalala sa’yo na minsan sa iyong buhay, dumanas ka ng matinding sakit ngunit naging malakas ka para harapin ito. Kung hindi mo maibigay ang kaligayahan ng taong mahal mo, walang masama kung palayain mo siya. Bahagi iyon ng isang dalisay na pagmamahal. Alam mo kung kailan lumaban at kung kailan mo kailangang isuko ang pagmamahal mo. Nang nagkita ang Papa Zanjo mo at Papa Patrick mo, ako na ang kusang bumitiw. Hindi ko na hinintay na hinilingin nila iyon sa akin. Kusa kong ibinigay kahit gaano pa kasakit sa akin. Alam kong si Kuya Zanjo lang ang makapagbibigay sa kaniya ng totoong kaligayahan. Masakit iyon anak. Yung nagmamahal ka ng sobra pero kailangan mong magparaya para sa taong mahal mo. Huwag kang magpatalo sa iyong emosyon. Hindi sa lahat ng panahon kailangan mong gamitin ang iyong puso kung nagmamahal ka, may pagkakataong piliin mong sundin ang isinisigaw ng iyong utak para sa ikatatahimik ng iyong puso.”
                “Nahihirapan po kasi ako tito. Gusto ko siyang palayain ngunit nasasaktan naman ako. Nahihiya na ako kina Papa dahil mula nang dumating si Mark sa buhay ko, parang si Mark na lang ang mahalaga at tuluyang naisantabi ko na sila.” Malungkot kong tinuran.
                “Walang madali kung nagsisimula ka pa lang. Unang gawin mo ay tanggaping wala na siya sa buhay mo. Sa paraang ganoon ay maipaintindi mo sa sarili mo na kailangan mong magsimula ng panibagong kuwento ng iyong buhay.” Tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Umayos siya ng upo. “ Kahit gusto naming tulungan kang bumangon muli kung hindi mo tutulungan ang iyong sarili ay mananatili ka sa kalagayang ganyan. Gusto mo bang makita na si Mark ay nakalayo na sa sakit ng pang-iiwan niya sa’yo at ikaw ay nandiyan pa at hindi makabangon-bangon sa sakit na ginawa niya sa’yo? Anak, ito yung tamang pagkakataong bumangon ka at ipakita sa kaniya kung anong klaseng tao ang pinakawalan niya sa kaniyang buhay. Iyon ang pinakamatinding paghihiganti, ang makita ka niyang matagumpay sa kabila ng ginawa niyang pananakit sa’yo. Kung nakaya ka niyang ipinagpalit sa kaniyang career, kaya mo ding gawin iyon sa kaniya. Sa paraang ganito ay mapapabuti mo ang iyong buhay pero huwag kang manatili sa ganoong kalagayan. Maaring magamit mo ang galit na ginawa niya sa’yo ngunit sana panandalian lang iyon. Huwag mong hayaang mabuhay ka sa galit. Huwag mong gamitin ang galit para magtagumpay.”
                “Naiintindihan ko po kayo tito.” Umupo ako. Tumabi ako sa kaniya. “Maraming salamat po sa mga payo ninyo sa akin. Hayaan niyo po. Gagawin ko ho ang lahat para muling magsimulang muli.” Sumilay ang mapait na ngiti sa aking labi.
Lahat ng sinabi ni Tito Love ay inipon ko sa aking isip. Magagamit ko ang lahat ng iyon sa aking pagsisimula. Marami ding mga payo sina Papa Pat at Papa Zanjo. Ngayon lang muli iyon bumalik at nabuo sa aking isip.
                “Paano, aalis na kami ni Tito Dave mo. Kung gusto mong sumama sa amin doon para makalimot, sabihan mo lang kami ha. Puwede mong ipagpatuloy ang pag-aaral mo doon. Alam kong papayag naman ang mga papa mo lalo’t kami naman ang makakasama mo doon.”
                “Pag-iisipan ko ho, tito. Sa ngayon kasi magulo pa ang isip ko.”
                “Sige. Kung wala ka pa sa mood na lumabas. Dumito ka na muna sa kuwarto mo pero utang na loob, kumain ka at magpahinga. Hanggang mamayang gabi pa naman kami dito. Mukha kasing wala kang tulog.” Tumayo na siya. Ngumit sa sakin. “Magpahinga ka. Hintayin namin ang paglabas mo ha?”
                “Sige tito. Salamat po. Matutulog lang ho ako sandali at lalabas din ako mamaya. Kahit tatlo o apat na oras lang ho.”
                Pagkalabas ni tito ay huminga ako ng malalim. PInatay niya ang ilaw ng aking kuwarto. Pumikit ako. Naroon pa din ang sakit ngunit tama silang lahat. Kailangan kong magsimulang muli. Pinilit kong maging payapa ang aking utak nang pumikit na ako. Gusto ko na din munang magpahinga. Hanggang sa tuluyang nakamit ko din ang mahimbing na pagtulog.
                Nagising ako nang may nagbukas ng pintuan at ilaw.
Si Tzekai.
                “Hayan! Gising na pala ang broken hearted sleeping beauty. Bespren naman, ilang araw na akong pabalik-balik dito. Ilang araw ka ng absent sa klase natin. Tama ng pagiging shunga. Start na ng bagong buhay, okey? Speaking of bagong buhay, may surprise ako sa’yo. Pinakiusapan ko pa yan para dalawin ka niya. Kung saan-saan na ‘yan nagpunta pero sa araw na ito, maswerte tayong sa atin siya napadpad. Sandali ha. Check ko lang kung ready na siya.”
                “Sino?” nagtataka kong tanong.
                “Excited? Wait!”
                Lumabas siya at ilang sandali lang ay pumasok na muli siya. Nakangiti.
                “Okey, welcome, Dora, the Manang Explorer!” pumalakpak siyang nakatawa.
                Napaubo ako nang makita si Manang na nakadamit at naka-wig ng parang si Dora, the Explorer. May dala nga lang siyang tray ng pagkain.
                “Bespren, anong ginawa mo kay Manang, di ka na naawang paglaruan ang buhay niya.. Bata yung si Dora e, ang ipinalit mo si Manang. Hindi ka na naawa sa matanda.” Napatawa ako sa hitsura ng matanda. Sa sikip ng kaniyang t-shirt, lumabas ang lawlaw niyang bilbil at hapit na hapit nag kaniyang short. Halos hindi rin magkasya ang maliit na bag sa kaniyang likod.
                “Pinaglaruan ka diyan. Siya ang nagpresinta. Walang pilitang nangyari. Tuwan-tuwa nga siya sa bagong ayos niya. Dami nga niyang picture. Bet daw niya ang ginawa kong make-over sa kaniya. Tignan mo ang bag niya bespren, mukhang boobs lang niya na nailagay sa likod at ang wig niya, panalo dava. Dorang-dora lang ang peg ni Manang.” Kasunod iyon ng malutong naming tawanan lalo pa’t umikot-ikot din si Manang na parang natutuwa sa kaniyang ayos.
                Natuwa din si Manang nang muli niyang narinig ang malutong kong tawa.
                “Hayan, supir juy na si sir, tzikay. Saksisful nga ang mik uvir mung dura sa akin.”
                “Nakakaloka ka naman manang. Okey na sana ang make-over. Hindi ka na lang sana nagsalita. Dorang-dora na nga ang peg mo kanina. Sinong Dura at Tzikay. Sige na po uli. Ilapag na ninyo ang pagkain diyan at kakain na si bespren. Saka magpalit na din ho kayo, baka mapunit yung costume na hiniram ko sa bunso namin. Kaloka si Manang lumabas ang bilbil sa costume. Mukhang sabog na suman.”
                Tumawa muli ako.
                “Manang sa labas na lang ho ako kakain. Maligo lang ho ako. Makikibonding pa kasi ako kina Tito at Papa sa labas.” Nangingiti ko paring pakiusap kay Manang na gagawin ang lahat mapasaya lang niya ako.
                “Ayan! Gusto ko na ang energy mo today. Good vibes lang bespren.”
                Sumabay na din si Tzekai na lumabas kasama si Manang. Naligo ako at nagpalit. Pilit kong kinakalimutan ang sakit na aking nararamdaman. Kailangan kong piliting bumangon muli at lumaban. Kailangan kong simulan sa araw na ito. Mukhang wala na akong magagawa pa para mabago ang desisyon ni Mark ngunit alam kong may magagawa pa ako para bumalik siya sa akin. Hindi ko na kailangan pang ipagpilitan ang sarili ko. Tatapatan ko siya kung hindi ko man siya tuluyang higitan.
                Paglabas ko sa kuwarto ay sinalubong ako ni Tzekai. Pinipilit niya akong bumalik sa loob ng kuwarto ko.
                “Ano bang problema mo?” singhal ko. Kasi hinaharangan niya lahat ng dadaanan ko.
                “Bonding tayo sa loob. Tex-texan, Fb! Oo, mag fb tayo o kaya, maglaro, tama! Magbahay-bahayan, tagu-taguan, jackstone kahit ano huwag ka lang lumabas.”
                “Ano ka ba! Ayaw ko na sa loob. Lalo akong nalulungkot doon. Saka kailangan kong makipagbonding kina Tito Love at Tito Dave bago sila aalis.” Naiirita kong sagot.
                Tinanggal ko ang kamay niyang pumipigil sa akin. Mabilis akong bumaba at tinungo ang sala. Agad na tumambad sa akin ang TV. Natigilan ako.

Si Mark Kym. Iniinterview ni Boy Abunda sa The Buzz. Mabilis si Manang na itinakip ang mataba niyang katawan sa TV. Hindi pa din siya nagpapalit. Tumayo si Papa Zanjo at mabilis na nilapitan ako.
                “Tara sa kusina anak. Kumain ka na muna.”
                “Mamaya na Pa.” sagot ko kay Papa.
Naglakad ako palapit sa TV.
“Manang, okey lang, tabi lang kayo ng konti? Pakikinggan ko ang interview niya. Huwag kayong mag-alala sa akin Pa. Okey lang ako. Kaya ko na.”
                Marami ngayon ang kumakalat na hindi magandang balita tungkol sa isang young actor at tinaguriang prinsipe ng teleserye na si Mark Kym Santiago. Patuloy ang mga dagok sa kaniyang karera dahil di umano ay lumaki na ang kaniyang ulo dahil sa tagumpay na kaniyang tinatamasa. Nang nakaraang buwan, naging laman ng iba’t ibang pahayagan at di maawat na usap-usapan pagkatapos pumutok ang eskandalong nakunan si Mark Kym kasama ang isang guwapong non-showbiz na magkaakbay daw na nagbabakasyon sa Boracay. Hiniwalayan na din daw siya ng kaniyang kasintahang si Erin Keith, nawala ang kaniyang mga projects at tinatapos na din ang huli niyang teleserye dahil daw sa madalas nitong hindi pagsipot sa kaniyang mga shows at shooting. Ngayon, sa muling pagkakataon, nandito siya para harapin ang lahat ng ipinupukol sa kaniyang mga intriga tungkol sa kaniyang sekswalidad, karera at pagkadawit sa isyu ng kaniyang girlfriend na si Erin Keith, sa isang The Buzz Showbiz Shocker Exclusive. Ang kaniyang muling pagharap at ang kaniyang mga nakakagigimbal na pag-amin, Mark Kym Santiago, Live on the Buzz”
                Iyon ang pagsisimula ni Boy Abunda. Palakpakan at hiyawan ang mga taong nasa studio. ilang sandali pa ay nakasentro na sa mukha ni Mark ang camera. Bumilis ang tibok ng aking puso. Napakaguwapo kasi niya sa suot niyang  longsleeve. Napakapresko ng kaniyang aura kung ihahambing sa aking mugto ang mata sa kakaiyak at halatang sobrang nadepress.  
“Welcome to the Buzz, Mark Kym.”
“Thank you po Tito Boy.”
“Una sa lahat, Maraming salamat sa iyong pagpapaunlak na makapanayam ka namin ngayong hapong ito Mark Kym. Alam naming na hindi madali para sa’yo na harapin ang  mga intriga at espekulasyon na kumakalat ngayon tungkol sa estado ng iyong karera at biglang pagtatapos ng iyong teleserye na talaga namang inabangan ng lahat ng ating mga tagapanood.”
Muling itinutok ang camera sa kaniya. Kung pagmamasdan siyang mabuti sa TV, hindi mo sasabihing pinagdadaanan niya ang hirap at sakit na aking pinagdadaanan. Life is really unfair!
                “Salamat din Tito Boy, sa mga nandito sa istudiyo ngayon at mga tiga-panood ng The Buzz na nasa kani-kanilang mga bahay, magandang hapon po. Nandito ho ako para harapin at sagutin kung anuman ang mga intriga na kinahaharap ko ngayon. Salamat dahil binibigyan ninyo ako ng pagkakataon para linawin ang lahat Tito Boy.”
                “Ako ay naniniwala sa patas na pamamahayag and I do believe in second chance. Unang tanong Mark Kym, totoo bang kasabay ng iyong pagsikat ang paglaki din ng iyong ulo? Ayon kasi sa mga naglalabasang write ups, ikaw daw ay di umano ay laging nahuhuli sa mga shows at shooting mo at kadalasan ay hindi mo ito sinisipot.”
                “Tito Boy, hindi ko ho ito itinatanggi. Ngunit hindi po iyon dahil lumaki ang aking ulo. Tao lang ho din ako Tito Boy, hindi maiwasan ang pagdagsa ng mga personal kong problema ngunit nandito po ako ngayon para piliting bumangon muli at ayusin ang aking trabaho. Kinukuha ko na din ang pagkakataong ito para humingi ng paumanhin sa mga kasamahan ko sa trabaho. Alam ko hong marami akong naging mga pagkukulang sa nakalipas na anim na buwan at ngayon po ay ipapangako kong tutukan ko na ang aking trabaho. Tapos na ang mga panahong binigyan ko ng halaga ang ibang bagay ng higit pa sa aking trabaho. Alam mo yung pakiramdam Tito Boy na magigising ka na lang isang araw na lahat ng iyong pinaghirapan para marating ang kinalalagyan ko ngayon ay nagsisimula nang mawawala dahil sa aking kapabayaan din? Sana mabigyan pa ako ng isang pagkakataon na ayusin ang lahat, Tito Boy.”
                “Diretsuhang tanong Mark Kym. Totoo bang nagkakalabuan na kayo ni Erin at ang isa na itinuturong dahilan ay ang pagkakaroom mo daw ng ibang kinalolokohan?”
                “Hindi ho totoo yun Tito Boy. Kung nagkakalabuan kami ngayon ni Erin, hindi ho sana siya sumama sa akin ngayon.” Itinutok nila ang camera kay Erin at ibinalik sa kaniya pagakatapos kumaway ni Erin.
Parang napakabait niyang anghel. Bumalik ang galit at inis k okay Erin dahil sa kaplastikan ng kaniyang ugali sa harap ng camera.
“Si Erin lang ang minahal ko Tito Boy. Kaya hindi ho totoong nagkaroon ako ng ibang  kinalolokohan.”
                Maiksi ang sagot niyang iyon ngunit masakit ang naging dating sa akin. Oo nga naman. Kailan pa niya aaminin na naging bahagi ako ng buhay niya. Nangilid ang aking luha ngunit pinigilan ko ang sarili kong iyakan pa siya. Tama na ang aking pag-iyak. Kailangan kong bumangon at labanan siya.
                “Kinaklaro ko lang ito ha at diretsuhang tanong ko na din para malinawan ang mga bali-balitang  may kinahuhumalingan kang iba na kapwa mo daw lalaki at lumabas  nga sa mga pahayagan ang litrato ninyong magkaakbay sa Boracay noong nakaraang mga buwan?”
                “Hindi ho totoo ‘yun Tito Boy.” Tumawa siya. “Sanay na din ako sa intrigang mga ganyan. Sa industriya kasi natin Tito Boy, lalo na kung nagsisimula ka nang makilala, kung hindi po kami babaero, bakla naman ang tingin sa amin. Ang nasa lawaran ay isang matalik ko lang na kaibigan at kababata Tito Boy. Kung may nakapanood sa inyo noon sa GGV, iyon ho ang una naming pagtatagpo pagkatapos ng ilang taon naming pagkakahiwalay. Gusto ko lang sanang linawin na hindi ho artista ang idinadawit sa aking pangalan bilang karelasyon ko daw umano. Nabasa ko na din ho iyan, narinig sa mga usap-usapan ngunit minabuti kong hindi na lang ho patulan para hindi na hahaba pa ang isyu ngunit dahil napag-uusapan na din lang Tito Boy ay kailangan ko hong linawin na hindi ako bakla at hindi totoong karelasyon ko ang aking kababata. Sana ho irespeto din natin ang buhay ng aking kababata dahil hindi naman ho siya din artista para harapin ang mga ganitong intriga.” Nangilid ang kaniyang luha. Mabilis niya iyong pinunasan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
                “Anak, hindi mo na dapat pa siyang pinag-aaksayahan ng panahon para panoorin pa.” inakbayan ako ni Papa Zanjo.
                “Pa, alam ko hong hindi niya aaminin sa publiko ang tungkol sa amin pero masakit din pala. Ngunit naiintindihan ko din naman siya Pa dahil ako man ay hindi din handa para pag-usapan ang aking pagkatao.”
                “Ganyan ang kalakaran sa showbiz anak. Alam kong puno ng kasinungalingan ngunit kailangan mong intindihin at patawarin si Mark para mas madali na din sa’yo ang pagharap mo sa buhay mo.” Maalumamay na payo ni Papa Zanjo. Inakbayan niya ako.
                Huminga ako ng malalim. Muli kong itinuloy ang aking panonood. Hindi ko na narinig ang sinabi ni Tito Boy ngunit gumuhit sa akin ang isinagot ni Mark.
                “Well Tito Boy, parang dumating sa puntong hindi ko na alam ang gagawin ko then finally, I decided na if I’m gonna move on in the future, why not move on now. So I started looking for things that I could do at masakit man pero kailangan talagang may mga tao at bagay na kailangan ko munang isakripisyo for now para lang mapangalagaan ko muna ang mga bagay na meron ako. Alam ko kasing may panahon ang lahat ng bagay Tito Boy at yung mga bagay na hindi ko nagawang piliin ngayon ay ang mga bagay na gusto kong balikan pagdating ng araw.”
                “At isa sa mga isinasakripisyo mong tao ay ang kababata mo? Tama ba ako Mark Kym?”
                HInawakan niya ang mic. Matagal na nag-isip. Huminga siya ng malalim.
                “Tama ho kayo Tito Boy.”
                Muli kong pinagmasdan ang kaniyang mukha sa TV. Huminga ako ng malalim. Tumalikod ako at lumabas ng bahay. Masakit pa din ang nangyari sa amin ngunit nagsisimula na ako para tanggapin ang lahat. Ilang sandali pa ay lumapit si Tito Dave sa akin. Tinapik niya ang balikat ko.
                “Okey ka lang?” nakangiti siya.
Tahimik lang si Tito Dave kumpara kina Tito Love at Papa Pat. Mas tahimik pa siya kay Papa Zanjo ngunit kung nagsalita ay malaman.
                “Okey na ho ako tito.” Pilit na ngiti ang isinukli ko sa ngiti niya.
                “Good. Kailangan mo talagang maging okey. Tandaan mo, kung saan ka nadapa doon ka babangon. Kung nasaktan ka sa pag-ibig, maaring ang pag-ibig din na iyan ang siyang magiging dahilan ng iyong pagtatagumpay din. Kung mahal mo siya, kailangan mo siyang intindihin at kung kinakailangan mong samahan siya sa kaniyang mundo para muli kayong mapaglapit sa isa’t isa, hindi masamang gawin mo iyon.”
                Mas tumindi ang aking idea sa sinabi sa akin ni Tito Dave. Bakit nga ba hindi?
                “Salamat tito. Huwag ho kayong makalimot ni Tito Love ha? Sana dadalaw-dalaw pa din ho kayo dito sa amin para hindi namin kayo sobrang mamiss.” Pag-iiba ko ng aming usapan.
                “Oo naman. Maari din naman kayo magbaka-bakasyon doon. Pag-igihan mo ang pag-aaral mo ha? Makinig ka sa mga payo ng mga magulang mo, Ced.” Inakabayan niya ako. “Mas marami silang pinagdaanan noon kaysa sa’yo. Marami silang mga sinuong na hirap para maipaglaban nila ang isa’t isa. Kung darating yung panahon na kailangan mo na ding ipaglaban ang taong mahal mo, sana gawin mo ito sa paraang ikabubuti ninyong dalawa at hindi lang para sa sarili mo. Umaasa akong may magandang buhay na naghihintay sa’yo. Maswerte ka at nariyan silang walang sawang umaalalay sa’yo at sobrang pinahahalagahan at minamahal ka nila.”
                “Oo nga po. Kaya ho ako nahihiya sa kanila. Salamat din ho sa inyo tito. Hindi ko ho kakalimutan ang lahat ng pangaral ninyo sa akin.”
                “Saka tandaan mo din Ced. Masuwerte ka dahil may pamilya ka, ang pagkakaalam ko, tungkol kay Mark, sarili lang niya ang inaasahan at kinakapitan niya. Hindi masamang ikaw ang umunawa at mag-adjust para sa kaniya dahil mahirap ang mabuhay na wala kang pamilya kahit pa nasa sa’yo na ang yaman at kasikatan sa buong mundo. Iba pa din kasi Ced ang naibibigay nang katahimikan sa pagkakaroon ng alam mong masasandalan mo sa tuwing pakiramdam mo ay tuluyan ka ng tinatalikuran ng mundo. Gusto kong makita mo kung ano ang meron ka na wala ang taong minahal mo para lalo mong makita na mas maswerte ka pa din kaysa sa kaniya. Intindihin mo na muna ang gusto niyang mangyari sa inyo. Alam kong mahal ka din ni Mark, ngunit pinipili niya muna ngayong mabuhay para mapaghandaan niya lalo ang muli ninyong pagkikita. Ayaw kong bigyan kita ng isang bagay na pipigil sa’yo para mag-move on, sinasabi ko ito para mas bukal sa loob mong palayain na muna siya sa ngayon.” Malamang sinabi ni Tito Dave. Nabuksan niya ang isang bagay na nakalimutan ko. Tama nga naman siya, wala ng pamilya si Mark at mag-isa niyang hinaharap ang lahat ng kaniyang problema sa trabaho, pag-ibig at pinansiyal para lang mabuhay siya. Huminga ako ng malalim.
                Nakaramdam ako ng lungkot nang magpaalam na sa amin sina Tito Love at Tito Dave sa amin. Naging malaking bahagi kasi sa aming buhay nina Papa at nasanay na akong lagi silang naroon sa amin tuwing weekend. Ngunit sabi nga nila, patuloy lang ang pagdating at paglisan ng tao sa ating buhay. May mga lumalayo ngunit mananatili silang bahagi ng ating buhay gaano man sila kalayo sa atin. Alam kong sila ang mga kaibigan naming lumayo man sa amin physically ngunit manatili silang mahalaga sa aming buhay.
                Mahirap sa akin ang lumimot sa mga naunang mga araw at linggo. Kahit kasi saan ako tumingin ay mukha ni Mark Kym ang nakikita ko. Ayaw ko na din munang manood ng TV. Muli siyang bumabalik sa kaniyang kasikatan at ako ay sa aking pag-aaral. Minsan nadadaanan namin ni Tzekai na may Mall show siya ngunit minabuti kong huwag na lang din munang dumaan. Muli kasing bumalik ang katotohanang isa siyang tinitingalang bituin at ako ay isang simpleng tigahanga na lamang. Mahirap na muli siyang malapitan o makausap. Nasasaktan pa din ako dahil muli kaming pinaglayo ng kaniyang mundo at ng aking mundo. Inaamin ko. Mahal ko parin siya. Nasasaktan pa din ako kung naiisip ko ang paghihiwalay namin. Ngunit kailangan kong ipagpatuloy ang buhay. Sa ngayon ay tanggap ko na din yung sakit kapag nakikita kong masaya sila ni Erin. Naroon sila sa pedestal at nanatili ako sa babang tumitingala sa kanila. Ngunit hindi nawawala ang hangaring kong tapatan sila at ipakitang kaya ko ding abutin ang kanilang naabot. Hindi ko lang alam kung paano. Kung manatili ako sa pagiging isang tigahanga, malabo nang magkrus pa ang aming landas. Ngayon ay alam kong kaya ko na ding laruin ang kaniyang laro. Malaki ang naitulog sa akin ng pananakit niya para lalo akong maging palaban sa buhay.  
                3 AM ng madaling araw ay ginising ako ng isang tawag. Bumilis ang tibok ng aking puso. May mga ganoon pagkakataon na tinatawagan ako ni Mark Kym noon para pagbuksan ko siya ng gate dahil nasa labas siya. Nawala ang antok ko. Hindi ko alam kung kailangan kong ma-excite habang nilalapitan ko ang iphone kong nasa tabi ng aking macbook.
                Huminga ako ng malalim at tuluyang bumalik ako sa katinuan nang makita kong si Tzekai lang pala ang tumatawag sa akin.
                “Bespren naman, 3 o’clock nang madaling araw. Utang na loob! Ano pang problema mo!” singhal ko.
                “Wala akong problema. Si Kris daw madami. Hayun may demandahan sila ni James. Saka si Jayson sinapak niya si John Prats.”
“Diyos ko naman dahil lang diyan tumawag ka sa ganitong oras ng gabi!” iritang-irita kong sagot. Gusto ko na siyang patayan.
“Gaga! Ano ako tsismosa para itawag ang mga ganyang bagay lang sa madaling araw. Narito lang naman ako sa baba ng bahay ninyo. Magpalit ka. Isuot mo ang sa tingin mo ay damit na mag-aangat sa kaguwapuhan mo sa karamihan. This is it bespren!”
                “Kinakabahan ako sa paggamit mo ng this is it na ‘yan. Last time na ginamit mo ‘yan, nagkita kami ni Mark Kym, nahulog ng sobra ang damdamin ko sa kaniya at ang ending halos mamatay ako sa sakit ng pang-iiwan niya. So this, time, ano na naman dalang kakaiba ang This is It na ‘yan!”
                “Huwag ng maraming kaek-ekan. Baka ako ang aakyat diyan at hindi mo magugustuhan ang kaguluhang gagawin ko. Magpalit ka na please lang naman. Ako nga 2 AM palang gising na. Magtiwala ka sa akin. Hindi kita ipapahamak bespren. This is na talaga!”
                “Hindi ba puwedeng tanungin kung bakit mo ako pinagpapalit at sinusundo sa ganitong oras! Alas tres ng madaling araw!”
                “Dito ko na lang sasabihin. Wala ng oras pa. Please! Hindi ako aalis dito ng di ka kasama!”
                Pinatay na niya ang linya. Nanggigigil ako sa inis. Kahit kailan talaga si Tzekai! GRRRRR!
                Paglabas ko ng gate ay kaagad akong sumakay sa tabi niya. Naghihikab pa ako.
                “Saan ba kasi talaga tayo pupunta.”
                “Mag-audition ka sa PBB! Shet lang ng Erin at Mark Kym na ‘yan. Hindi ako papayag na sa kanila mapupunta ang huling halakhak. Humanda sila! Ngayong nagalit ang buwan sa haba ng gabi, ibabangon kita at dudurugin mo silang lahat. Walang himala, BFF, bukas luluhod ang tala at malalaman ng lahat kung alin ang bituing walang ningning.”
                “OA? Pagsamasamahin talaga ang mga title ng pelikula? Seryoso nga ako, saan ba talaga tayo pupunta?” singhal ko. Inaantok pa kasi ako.
                “Eto naman, mukha lang akong echosera ngunit seryoso ako. Papasok ka sa PBB. Alam kong sa paraang ito ay makapaghihiganti ka din sa ginawa ng Erin at Mark Kym na ‘yan. Sisikat ka bespren. Ito lang ang tanging paraan para mapabagsak mo sila at humanda yang si Edu na ‘yan. Kapag ako ang magiging manager mo, hindi ‘yan makakaporma pa sa akin.”
                “Hindi ko alam kung ano ang nakain mo pero sige pagbibigyan kita sa audition pero please lang, audition palang ang pupuntahan natin, kung magsalita ka parang tanggap at sikat na ako.”
                Ngunit sa loob-loob ko, kailangan kong makilala at makapasok sa mundo ni Mark. Kung ito lang ba ang paraan para muli naming madugtungan ang kuwento ng aming pagmamahalan ay gagawin ko. Baka sakaling kung nasa iisang mundo na kami ay mas madali na lang sa amin ang lahat. Mahal ko siya , hindi ako basta-basta susuko.

               
               

71 comments:

  1. .ang galing|||||

    ReplyDelete
  2. pangalawa lng ba q???? hmmm...kaka gising q lng kc..basa mode!

    ReplyDelete
  3. nice one! pbb teens?? hmmmm..


    panalo si manang as dora! ahahah..

    galing mo tlaga sir joem.. bravo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha tumpak! Tawa ako ng tawa jan,ang baliw ni manang at tzekai xD

      Delete
    2. ice breaker tong c tzekai and manang d explorer! ahahah

      Hi Kuya Andrei ;)

      Delete
  4. tang ina ,ang bigat ng eksena ni Pat at Ced,parang may kung anung bumara sa lalamunan ko :(

    Love and Dave thanks sa mga payo at words of wisdom for Ced,I wish u love and happiness.

    Taray ng interview portion,para talaga akong nanood ng The Buzz,well ganyan talaga ang showbiz.

    I admire Tzekai ng sobra, I really see my self sa kanya when it comes to loving and supporting friends :)

    Ced,malapit mo na maabot ang pedestal,wag ka mag alala. Tiwala lang.

    SIR JOEM THANK YOU NG MARAMI TALAGA FOR THIS CHAPT,mwa

    ReplyDelete
  5. Putik nmn,,,ang husay nmn po.Parang gusto ko 2luy 2lungan ung buwan na mgalit sa gabi para umikli,para bukas meron nnmn hehehe,,subra po akong nabitin,,parang gusto ko tuloy hilahin ung araw para bumils,mabilis ang araw mabilis din ang sahod,hehe،, ang husay talaga,,subra,,

    ReplyDelete
  6. Nice...sana part 12 na din mamaya

    ReplyDelete
  7. haaayyy, d best, kakabitin, maraming salamat po ulit kuya joemar.

    ReplyDelete
  8. haist,napakaganda talaga nang story...napaka exciting,excited nah ako sah next chapter,pro kuya joem take your time poh...salamat kuya joem sah mga magagandang story nah hatid moh...keep it up! :)

    ReplyDelete
  9. eeeeeexxxxxxccccciiiiittttteeeeedddddd ako sobra - gerry

    ReplyDelete
  10. Nice ONE! Pwedi nako M2log munaaaa.. kanina pa kasi ako REFRESH NG REFRESH SA BLOG ni S'joemar eh. Baka sakaling magpakita ang CHAPTER 11. and atlast Nabasa ko na din. Thankyou po :)

    This CHAPTER. Nakakabitin. But the Advices of tito LOVE and tito DAVE. SWAK na SWAK..


    #Justine Mykee :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. heheh relate naman aq sau dude...
      na xperience q dn yang pa REFRESH REFRESH na yan...
      aabang and xcited ;lng sa update.. o ayan kompleto na araw mo..

      Delete
    2. O Beybs. (joke)..
      kakagising ko lamng ulit. Hehe bgla akong nagutom e.
      Onga but good thing to s'ancheta. If hndi Everyday sya nag Update atleast every other day. Unlike other blog na 1month kung mag UPDATE. But i Understand. :)

      Ayun Excited nako for the next chapter. Ikaw naman kasi Mark di marunung manindigan.. Hehe XD

      Delete
    3. nakoo beybs...papanindigan na kita. (joke)
      hahaha... yah, c kuya Joemar ko lang ang natatanging
      author na alam qng almost everyday nag a update pra
      lang mapag bigyan tayong mag readers...

      Delete
  11. Go go go Ched...iyan na ang paraan para makaganti ko sana sa patas na paraan at wag mangbabaw ang puot na ikababagsak mo. Kaya mo ipagmalaki mo Pinoy ka, pinoy tayo....good job Joem.

    Randz of QC

    ReplyDelete
  12. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hayyysss ganun tlaga ata sa pag mo move-on.. Its a long process. Pero Life must go on. Cedrick...you dOnt have to be bitter, cause you know you can do better..:) swerte mo nga at anjan ang papa JoPat mo pra umalalay sayo!

      ---
      Ayos kuya Joemar... dami na nmang magagandang LINES na ginamit mo sa chapter na to.. galing nung advise ni LOVE and DAVE...sad nga lang at pupunta na cla ng Canada.. for good na ba un??/ heheh

      ---
      Ang galing nung interview...imagine q tlga c Tito Boy na nag sasalita... heheh... guyss unawaan nyo nlng muna c Makmak qng baket nya deny c Ced! Tandaan na minsan kelangan mong magsinungaling..para sa mahal mo..pra sa ikakabuti ng lahat....

      ---
      Sana may kaibigan din aqng katulad ni Tzekai... npaka supportive...to the rescue lage... wala na aq masabe! ikaw na :)

      ---
      Ayan.. excited na q sa pag aartista mo Ced... PBB Teens? nakoo... paborito q yan.. xka swak tlga sa chatacter ni Ejay Falcon kc Big Winner xa...

      For sure mas mahihigitan mo ung naabot na pedestal ni Makmak.
      GOODLUCK :)

      ---
      Bitin! ABANG NLNG ULIT SA NEXT CHAPTER! happy reading guyssss...

      wag ka limotan mag leave ng comment plsss...

      Delete
    2. Inspired lang kuya mark? n_n
      ako rin naghahanap ng bestfriend ee. Pwede mag-apply?
      HAHA. Kidding aside. =)

      Delete
    3. Hi Coffee Prince? ayp nahiya aq :(
      kaw ang crush q sa mga commentators d2...
      hahah...Kidding aside :))

      Delete
  13. Astig! Panalo toh! Galing mo tlg mr. Author! Ganda tlga wulang kupas..

    ReplyDelete
  14. Haha! Nakaka excite ung PBB eh noh?

    Sino pa po hndi naka add sa group sa fb? Add nyo at imsg si Mark Kymn para ma add nya kayo sa fb,
    fb search : Mark Kymn Flores

    salamat! Tara at magbonding :)

    ReplyDelete
  15. nice galing eto na ang cmula pra makilala c ced .... exceting na ang next chapter...

    ReplyDelete
  16. I like pbb... db d2 din sumukat c ejay falcon xa pa nga ata ang pbb winner eh tama xa nga...

    ReplyDelete
    Replies
    1. opo xa nga ang big winner nun sa batch nela... 2nd c robi domingo!

      Delete
  17. ambilis ng kwento kakaexcite

    ReplyDelete
  18. Joem, it's worth the wait. The sweet revenge portion is building up. My heart is still bleeding but not as painful as the 2 previous chapters. In my mind, I know it would be Tzekai who would pave the way for Ced to enter showbiz. Tzekai in a symbolic manner is a true friend indeed. True friendship like true love is a gift, a blessing; it should be treasured. Love you my friend, Take good care, God Bless.

    ReplyDelete
  19. superb ang mga payo ng mga nagmamahal kay CED, dahil base un kc sa mga pinagdaanan nila papa zanjo at pat, gayundin kay love at dave, effort din c manang at ang scene stealer na c bestfrend TZEKAI! ha ha ha. gleng! gleng at sya pa din ang tutulong kay Ced para abutin at higitan pa ang pedestal na kinlalagyan ng mga umapi sa kanya. aabangan ang tapatang CED at erin, at ang riot na TZEKAI VS Edu. he he he. mas lalung gumagaleng kaw JOEM! again, CONGRATZ! PAG HINDI KAYA, REST MUNA HA. MKAKAPAG ANTaY AMAN KAMI, wag lng maxado matagal. he he he

    ReplyDelete
  20. yan mukang naganda na let ang takbo, at mukang eksiting to!..hehehe..

    ReplyDelete
  21. galing tlga sobrang relate ako sa mga nagaabang ng update hehehe good job po tlga sana marami pang nakakakilig na exsena at pati narin sana love song hahahaha thanks po

    ReplyDelete
  22. whoa...comment comment din pag may time...cnxa poh mr.author at ngayon lang uli ako naka comment heheh... ng eenjoy poh kasi ako sa pagbasa ng mga stories moh ehehhe...pero eto na comment time na ...


    well maganda yung idea ni tzekai hehehe...sana manalo si Ced sa contest na sasalihan nya, tapos magkakaroon sya ng partner, tapos kunwari magiging jowa nya...may gas..excited na ko for the next chapter heheh humanda yang mark at lalong lalo na ang Erin nya, lintik lang ang walang ganti hahahah, babangon si Ced at duduruggin ka nya kasi bukas luluhod na ang mga tala....hahahaha at maiiwan sya bilang bituing wala nang ningnign pareha sila ni Mark wahahahha...they are nothing but a second rate trying hard copy cat...hahahah

    go go go

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha...Pinatawa mo ako...Talo si Joemar sa yo, wala kasi si joemar na...they are nothing but a 2nd rate trying hard copy cat.

      Delete
    2. hahaha...tnx at napatawa kita sa comment ko...hahaha ako nga din eh tawang tawa ako habang tinatype ko comment kong to...hahahaha

      Delete
    3. hahah.. aq dn natatawa sa inyo...apir!

      Delete
  23. Nagising tlga ko ng 1 AM.. Para tignan kung na posted nba yng chapter 11...and worth it nman pag hihintay ko as in... Kc ung nga iniexpect kong mangyari.. Narito lhat sa chapter na to...


    Wooohh this is it na tlga... Fhangz joemar pinahanga mo na nman ako.. By the way JHESLHEE here..

    ReplyDelete
  24. More or less alam ko ang tnatakbo ng story. Alam ko n mbbgyan mo ng juctice ang bwat eksena lalo n ang mga highlights nito. Mlki ang bilib ko s inyo nina Michael Juha at Kenji Oya, Joemar! Alam kong mlilikot ang inyong mga imahinasyon. Nphanga mo ko s "Straight" mo kya cmula nun inaabangan ko n ang mga likha mo! Alam kong drating ang araw n mkaka-likha k ng 1 "masterpiece"! Keep up d good works! Philip Zamora

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank u sir Philip :)

      Yah, super bilib din aq and TOP 3 IDOL ko dn yang cla
      kuya Joem,
      kuya Mike, and
      kuya Kenji

      ska c kuya zildjian pla and chris li (ayon top5 - hahah)

      Delete
  25. hmmm. paano yung pangarap ni Ced na maging engineer din? tatalikuran na ba niya yun dahil lang kay Makmak? Yun din ang gusto ni Pat at Zanjo para kay Ced, ang makatapos ng pag-aaral. Mas maganda sana kung sisikat siya dun sa field na iyon at hindi sa showbiz kasi competition lang ang mangyayari diyan sa pagitan nila. Just saying.

    Sir Joemar astig po ng kwento ninyo. First time na di ko maisip kung ano ang susunod. haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha tama! Pero kung ung pagiging Engineer ang tutukan nya,matatagalan since first year college pa lang sila db?kung sa PBB mas madali sya mapapalapit kay Mak xD

      Delete
  26. HUWAAAAWWWWW!
    This is it na talaga ..

    woooooohhhh .. excited na ko .. YES! YES! (napapasuntok sa hangin) HAHAHA :D
    anlakas talaga maka-inspire ng kwentong eto ..

    GO kuya Ced. FIGHT!

    ReplyDelete
  27. Mabigat man sa dibdib ang cahpter nato pero pasok naman sa banga lahat nang naging payo nila Pat kay Ced..at syempre pasok na pasok din sa banga si Tzikay at Manang.hahahahahha!!naloka ako sa Dura at Tzikay.LOL

    Ikaw na talaga Joem!ikaw na ikaw na!!iyo na korona ng kagalingan at kagandahan.hahaha!
    Dramedy lang talaga ang peg ng Pedestal :D

    Ayan..eto na talaga..gusto ko to..papasok na din sa pag aartista si Ced..brace yourself Mark..ayan na magiging katapat mo..wait lalagpasan ka pa tyak..(galit lang eh hehehe)

    Bebe Mark pagbutihan mo at may katapat ka na.LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. naman te arOn... naka handa na q kay Ced! LOL

      Delete
  28. Wow!!!....nw lang ako ngbalik mgcomments dto ah namimiss ko to.....gravhey ang bgat xa dib2 ntong chapteq na to ah!!!!...dapaat lang talaga na mgm0ve 0n kana Ced.,..xa lahat ng nanyari alam kung ang herap ng ganyang setuati0n ni ndi m0 alan kung anu ang pwding gawin pwang bagang pngtakluban kana ng kapalaran na bnawian ng karapatang mabuhay.!..!ang sakit super!!!!...agree ako xa naisip ni tzekai na kailangan m0ng tapatan cla ....at pghandaan nla eyang pgpasok m0 xa PBB.!...

    ReplyDelete
  29. 2 chapters nang mabigat ang theme ha.
    sana sa susunod naman ay ma excite kaming mga readers mo.

    keep up the good work.

    ReplyDelete
  30. tamang tama naman
    na si ejay ang ating bida
    siya din ang winner sa pbb dati.
    galing naman..........

    ReplyDelete
  31. i never expected na mag aartista din si ced
    kawawa naman si mak kung sisikat si ced
    at siya naman ang malalaos?

    ReplyDelete
  32. from sir JOEMAR ANCHETA :

    CHAPTER 12 PATIKIM
    “Ano ang pinagkakaabalahan mo
    ngayon?” iyon ang unang tanong ni
    Direk Lauren sa amin.
    Ako ang unang itinuro na sasagot
    dahil 1021 ang number ko. “Nag-aaral ho. I am an Engineering
    student.” Maikli kong sagot. Alam
    kong walang dating ngunit iyon
    naman ang totoo. Dinagdagan ko na
    lang ng ilang kilong self confidence
    at killer smile. Sunod na sumagot si Tzekai dahil
    siya ang number 1022.
    “Ngayon ay abala akong sumasagot
    sa tanong mo, Direk. Hindi ba
    obvious? Pumila ako sa labas at
    ngayon ay nasa harapan ninyo. Abala ako sa pag-audition sa PBB.”
    Ngumiti si Direk Lauren.
    “Tzekai is your name, right?”
    tanong ni Direk
    “You are right sir.”
    “What I mean is, nagtratrabaho ka ba o nag-aaral?”
    “Hayun, nagkalinawan din. Ayusin
    mo ang tanong mo direk para maayos
    din ang sagot ko. Peace po!” Nag-
    peace sign siya at ngumiti. Lakas
    talaga ng loob ng bespren ko. “Kung ano ho ang sagot ni
    contestant number one,” tinuro niya
    ako. “Yun na din ang sagot ko.”
    NOTE: I CAN'T PROMISE TO POST
    IT TODAY KASI TAMBAK ANG
    GAWAIN KO..,LABA MODE, LUTO MODE, LINIS MODE ETC...DI KO PA
    KASI TAPOS HU HU

    ReplyDelete
  33. HABANG ANTAY NG UPDATE... Kantahan ulit tayooo..heheh


    KABATAANG PINOY
    (PBB Teen Edition theme)
    by ITCHYWORMS

    Barkada namin,


    May pangarap na nais abutin
    Pangarap naming magtagumpay


    Sa lahat ng gagawin

    Iba na

    tayo ngayon
    Walang hindi nagagawa
    Sabihin

    mo, sabihin nyo
    Kaya natin to



    (chorus)

    Kabataang pinoy, pagbutihan mo


    Pag-asa ka ng buong mundo
    Kabataang pinoy, kayang kaya mo
    Pinoy ako, pinoy tayo



    Hanggang sa buhay, anumang pagdaanan
    Kaya namin yan


    Ipaglalaban namin ang nararapat
    At tamang gagawin

    Iba na tayo ngayon


    Matibay ang loob
    Sabihin mo,

    sabihin nyo
    Kaya natin to


    -whooh excited na ako
    sa PBB ... power vote kayo ha pag
    na nominate tong c Ced for Eviction! hahah

    ReplyDelete
  34. It seems like the story has no originality na. Obvious na TH na ang dating na pinapattern nalang sa showbiz scenes esp. in pbb. and it's predictable na sya ang mananalo. Si tzekai nalang ang naging twist or panggulo. Tsk tsk tsk...a big minus!

    Sana sa pag.aaral nalang ni ced mangyayari ang big twist. Nakakaumay na kasi ang showbiz!

    Opinion lang po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang babaw talaga ng taong to. Kaya nakakatamad magkoment dito kasi magagalit agad! Puro nalang ba positive koments tatanggapin nyo? Konti nga lang ang nega doon at galit agad? Parang possessed na yata mga tao dito. Manahimik nalang nga!

      Delete
    2. Hello Anonymous...ang babaw talaga: Hindi kita gets. What are you driving at? Are you addressing your reply to anonymous---no originality? Sino ba ang nagagalit? Sorry if I am wrong, the way I see it - ikaw ang galit. Ang mga comments dito lahat ay tinatanggap at hindi cinecensored. Mayroong positive at may negative; ibat ibang opinyon. Mayroong mga opinyon na may karapatan bigyang halaga at mayroong opinyon na dapat ibasura - hindi dapat bigyan maski katiting na atensyon. There are people who are miserable that they would like to contaminate their disease of misery; sorry our immune system is very much stronger, we have no plans to go down to that level. Find ways to find the beauty of life. Life is awesome but short, be happy and enjoy it.

      Delete
    3. anonymous ---- di ikaw ang gumawa ng sarili mong story ...... opinion lang po....


      Delete
    4. Hello rin Anöymous. Wag kang epal kasi di mo nabasa ang galit na reply ng author. Sandali lang yon at binura kaagad. Siguro natauhan kaagad that what he did was wrong at kabastusan. Gets mo na?

      Delete
    5. Anonymous...wag kang epal: If there was that write up that I was not able to read,and according to you it was erased so quickly; there was a gap of information. Sorry, I apologize. Peace.

      Delete
    6. Ako? Nagcomment? YUng Salamat lang ako ng comment ko...bakit ka ba galit na galit ka sa akin haha

      Delete
    7. hey anonymous April 13, 2013 at 10:37 PM, masyado naman yatang below the belt na yang opinion mo. Yes we all have the rights to express our own opinion but are you responsible enough dun sa rights na ibinigay sa atin?

      Kung ung mga ginawa mong trabaho sabihin ng boss mo na "Naku anu bayang trabaho mo walang originality napaka TH." tapos sasabihin niya sayong "Ui opinion ko lang un" anu kaya mararamdaman mo?

      Ang hirap kasi sa ibang tao may masabi lang hindi muna nagiisip.

      Kung nakakabasa ka ng magagandang comment dito hindi ibig sabihin nun ay gusto lang naming palakihin ang ulo ni Mr. Author. We wrote those comments as a sign of appreciation, un man lang maisukli namin kay joem kasi tandaan mo he is doing this for free.

      The writer just wish to write what he feels and this is just a work of fiction ngun kung may pagkakatulad sa what is happening in real life you should appreciate it kasi nagkaroon ng connection. Kung hindi mo gusto ang way nag pagsusulat ni Mr. Author then why are you here?

      OPINION LANG PO.(anonymous April 13, 2013 at 10:37 PM)

      Delete
  35. Thanks Joemar for another wonderful story. i'm excited again waiting for the next chapter. Almost all of your readers felt the same way as I scroll down the comments. Isang maliit lang na bagay na napansin ko, during the interview sa The Buzz, nabanggit mo na gwapo si Mak sa puting polo ba, pero sa picture na ipinakita mo ay naka black sya. But still, reading it was still worth my time.

    lan-KSA

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga. At take note "putting longsleeves" as in white na white hohoho

      Delete
    2. Ok lang yan anonymous, immaterial yan, overall maganda naman ang story. it happens once in all, no big deal. joemar, thanks for sharing your talent.

      lan-KSA

      Delete
  36. Akala ko ho na edit ko dati bago napost pasensiya na po at salamat

    ReplyDelete
  37. GRABITATIONAL! HAHAHA. NKASABAY KO SILA SA AUDITION. :P. LOL FEELING LANG. HAHAHA. SANA MAKAPASOK KMI. HAHAHA. AKO SI 1023.

    EXCITED MUCH SA 12. AT THANK GOD NKAHABOL DIN. :ddd

    ReplyDelete
  38. gising p kya si daddy joem tulad ko??
    d aku mkatulog haha

    ReplyDelete
  39. SA MGA HINDI PA NAKA ADD SA Joemars Pink Love Stories FB group, here's the link, mag ask to join na lang kau para ma accept :)

    http://www.facebook.com/groups/163847130433213?view=info&refid=18

    ReplyDelete
  40. dahil ba dun s comment nung mga anonymous na yun kaya ng bye bye si sir joem...kaasar...

    ReplyDelete
  41. hintayin ko ang pagbabalik mo po sir joem...

    ReplyDelete
  42. nice astig naman ng chapter na to hehehe. moving on is the most difficult thing to do.

    But I dont agree on the way Cedrick and Tsekai will take. Baka imbes na makalimot e lalo lang lumala ung pangungulila ni Cedrick. Pero sana I'm wrong.

    have a great day joem

    ReplyDelete
  43. Sayang magma-migrate na sa Canada si Love at Dave...willing pa naman sana ako magpa-ampon sa kanila dalawa...


    ReplyDelete