SUPPORTERS

Monday, July 15, 2013

Facebook Friend Chapter 9





Chapter 9
Pag-accept ko sa video call niya ay inayos-ayos na muna niya. Gumagalaw pero natigilan ako. Lumakas ang kabog sa aking dibdib.
Tumambad agad ang mukhang nagpatigil sa mundo ko ng ilang beses na sa tuwing nakikita ko siya. Lumaki ang aking mga mata. Nanginig ang aking daliri. Hanggang sa pinatay na niyang muli ang camera niya. Naiwan ako sa ereng napanganga.
“So, sino ang posser? Good night. Thanks for you time!” at naglog-out na siya.
Naiwan akong natameme. Hindi ko alam ang aking magiging reaction. Nanuyo ang lalamunan ko, ayaw nang pumikit ang nakadilat kong mga mata. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib pero wala na siya. Diyos ko! Hindi puwede ‘to! Mahabaging poon ng facebook, luwalhating reyna ng lahat ng social media. Tulungan akong maibalik siya online. Naloloka na ako!
Mabilis kong binuksan ang window ng facebook ko. Sana online pa siya sa facebook. Alam kong tinanggap na niya ang friend request ko at iyon na lang ang pag-asa ko para mahabol siya. Oh my God! Paano ko isusulat ang introduction ko?
                Nanginginig pa din ang mga daliri ko. Magmemessage ako sa kaniya.
                “Hi there E-jay. Nandiyan ka pa ba? Kumusta na! Naalala mo pa ba ako? Magkita naman tayo please….” Backspace…backspace…Mukha yata akong desperada.
                Muli akong nagtype…
                “Hi there Ejay. Nandiyan ka pa ba? Kumusta na! Oh my God! Ikaw nga pala talaga ito ano! Grabe! You’re so yummy ha! Sobrang saya ko lang!” Select All…Delete! Hindi puwede, nagmumukha akong malanding bakla.
                Diyos ko bakit ako nagiging luka-loka pagdating kay E-jay? I hate this. Muli akong nagtype.
                Hi there Ejay. Nandiyan ka pa ba? Kumusta na! Sorry for being rude, kanina.” Hmnnn…okey. Puwede na. Click send message.
                Sana online pa siya. Kung hindi man, sana mabasa niya na agad ang message ko. Tumayo ako. Parang gusto ko munang sumayaw ng Pandanggo sa ilaw habang naghihintay. Kinikilig ako. Nasisiraan na naman yata ako ng ulo. Ito na yung matagal kong inaasam. Ang maging facebook friend si E-jay at nandito na nga ang katuparan ng aking mga pangarap. Pinagsaklob ko ang aking mga kamay at ipinatong ko doon ang aking baba. Kinikilig ako. Hindi na nga yata kilig lang ito, sandali, naiihi pa yata ako. Ngunit hindi ako makaalis sa harap ng macbook ko. Inipit ko na muna baka kasi biglang magreply siya at nasa CR pa ako at umiihi tapos bigla na lang muli siyang mag-log out.
Limang minuto pa ang nagdaan. Wala pa din. Antagal naman.
Sampung minuto na. Bakit wala pa siyang reply?
 17 minutes na akong nganga. Kung hindi pa ako magbabanyo, sigurado maiihian ko na ang shorts ko. Nagdesisyon akong umihi na muna dala ang aking ipad. Dalawa na ang bukas para sureness lang.
                Pakiramdam ko napakatagal lumabas ng ihi ko. Bilisan mong lumabas dahil baka may sagot na. Diyos ko naloloka ako sayong ihi ka, sumasabay ka pa kasi sa kilig ko. Pagkatapos ay mabilis kong tinignan ang ipad.
“Seen”
Seen? Binasa lang niya ang message ko? Walang reply? Hindi puwede ‘to. Kailangan ko na ba siyang kulitin? Baka mainis siya, paano kung i-unfriend niya ako o kaya i-block. Sa gwapo niyang iyon, puwede lang niyang gawin ang ganun. Napansin ko din iyan sa maraming guwapo sa facebook. Sila ang mahilig mag-block, mag-unfriend at magsuplado. Paano kung isa siya sa mga iyon. Paano kung piling-pili lang talaga ang taong gusto niyang replyan. Paano kung ako lang naman ang gagang nag-iilusyon na mapansin niya ako.
Magmemessage pa ba ako uli? Nakaramdam ako ng lungkot. Baka iba siya sa pagkakakilala ko. Ayaw ko na sanang masaktan pero nagmessage na din lang ako, kaya tapusin ko na lang ng maayos. Pambawi man lang sa pagkapahiya ko.
“I think you’re busy. Thanks for your time and good night. Take care always” Palasak iyon na message ng mga dinededma sa facebook. I know the feeling kasi kadalasan nangdededma din kasi ako ng mga message sa akin at iyon ang kadalasan na message nila kapag hindi narereplyan. Paawa effect. Pakonsensiya ang peg.
Huminga ako ng malalim. Tinignan ko na muna ang mga pictures niya. Napapalunok ako lalo na ang mga shirtless na pictures niya, ang ganda ng katawan. Perfect ang mukha at ang kaniyang kutis lalaking-lalaki. Hindi na ako nadala sa guwapo. Last time na nagmahal ako sa mga ganyang tipo, basta na lang ako pinagtaguan. Tapos ang pangarap kong lalaki, heto na at bumubungad na naman sa akin para tuluyan akong pahulugin. Sadya nga talagang ang pangarap ko ay manatiling pangarap na lang at malayong magkatotoo pa.
Hinawakan ko ang mouse. Maglog-out na nga lang ako at matulog. Huwag magpakahibang sa isang pangarap lang Tzekai, sabi ko sa aking sarili. Dapat maging masaya ka na dahil na-add ka sa friendlist niya.
“Carl, are you still there?” tanong niya.
Nahulog ako sa kama sa tuwa. Tumama ang puwit ko sa sahig ngunit mabilis akong umupo muli na parang walang nangyari. Dedma sa sakit!
Oh My God! This is it! This is really is it!
“Yes, nandito pa ako. Are you busy?” tanong ko. Nakagat ko ang hinlalaki ko sa sobrang kilig. Ouch! Nasobrahan ko yata ang kagat! Sakit ah!
“Nope! Sorry sa late reply. Nawawala ang signal sa taas kaya kailangan ko pang bumaba at ilapit ang laptap ko sa router. So, how are you? Matagal na yung huling nakita kita sa bar.”
“Salamat at naalala mo pa pala ang huli nating pagkikita. Okey lang ako.”
Humikab ako. Tagal naman ng reply. Nangangati na ang mga daliri ko. Wait, shunga lang pala ako. Paano pala magrereply e, wasang din naman atashing tanong. Kaya wala siyang sasagutin. Saan na napunta ang pagiging conversant ko?
 “Do you mind if I will invite you if you’re not busy?” tanong ko.
“No, at all. Coffee?”
Tinignan ko ang orasan ko. Past 12 na ng hating gabi ah.
“Yes, magpapalit na ako.” sagot ko. Excited.
“Lol! Not now, tomorrow. Late na kaya. Magpahinga ka na lang. I am also tired.”
Diyos ko. Hindi naman agad ako nainform. Hayan halata na ang pagka-excited. “Nagbibiro lang naman ako sa sinabi kong ngayon. Sige, bukas. Anong oras at saan?”
“Let’s meet around 6:30?”
“Umaga? Literal na kape sa umaga with pandesal. Ayy gusto ko ‘yan. Ako na ang bibili ng pandesal. May alam akong nabibilhan ng masarap na pandesal.”
“You’re so funny, Carl. I like you ha ha ha. Of course, 6:30 PM. Ikaw talaga. Give me your number so that I could just text you where we could meet. Okey lang ba?”
“Sure” at ibinigay ko ang apat kong number, office number, landline sa bahay, business cellphone number at personal cellphone number.”
“Andami ah. But I will contact you in your personal number. Good night, Carl.”
“Matutulog ka na?”
“Hindi gigising palang. Good night nga di ba? Lol.” sagot niya.
Humagalpak ako ng tawa. Buma-Vice Ganda lang? Nawindang ako! Wala kasi sa personality niya ang pagreply ng ganun.
“Sorry naman. Good night, E-jay.”
At ang ending?
Nganga!
Hindi na ako nakatulog. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Paano kung maging kami? Paano kung babalik si Francis at kami na ni Ejay. Sino ang pipiliin ko? Ganda ko lang talaga. Bakit ba? Kuwento ko to, te. May karapatan akong magmaganda at mag-ilusyon.
Hanggang sa trabaho ay panay na ang tingin ko sa aking iphone. Loud na ang tone naka-vibrate pa. Ayaw kong mapalagpas ang kaniyang text. Bawat tawag na naririnig ko, lumulundag ang puso ko, bawat text tumitili ang utak ko pero malas lang kasi tuwing may tawag at text akong natatanggap, hindi naman siya ang nakikita ko sa screen. Naiirita tuloy ako sa mga tumatawag. Pati nga Secretary ko nabubungangaan ko.
“Kung hindi E-jay ang pangalan ng tatawag puwede ba huwag kang excited na i-transfer sa akin ang call? Irita lang. Magday-off ka nga! Nakakaloka ka na!” singhal ko pero nakangiti.
 Sa araw na iyon excited ako kaya masaya. Parang sa matagal na panahong iniyakan ko si Francis ay nagkaroon muli ng panibagong pag-asa ang puso ko na magkakaroon din ng happy ending ang lovelife ko. Iyon ay kung sasagutin ako ni E-jay. Well, sa hitsura ko at hitsura niya, tanggap ko na ang kapalaran kong dapat ako talaga ang kailangan gumawa ng mga first move. Nasimulan ko na ngang mag-invite kagabi e. Pumayag siyang makipagkita, ibig sabihin may pag-asa na ako.
Tanghalian na wala pa din. Nawala na yung saya ko kaninang umaga. Paano kung nakalimutan niya? Ireremind ko kaya siya? Binuksan ko ang facebook ko. Wala siyang message. Nanginginig ang daliri ko. Gustung-gusto kong tanungin kung tuloy ba kami. Ang hirap naman nito. Kung kukulitin ko kasi siya baka mawalan siya ng gana sa akin. Isipin atat lang ako at hindi makapaghintay. Inisip ko na lamang na baka busy siya at ayaw niya paistorbo muna.
Hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang balikat ko nang mag-aalas kuwatro na ngunit wala pa din siyang text o tawag man lang. Nawalan na ako ng ganang magtrabaho. Panay pa din ang silip ko sa facebook.
Nang bago mag alas singko ay sa wakas dumating na ang simpleng text na hinihintay ko.
“Please meet me at Starbucks MOA. If you arrive early, just wait na lang. Kung ako ang mauna, hihintayin kita. Take care.”
Dahil doon ay napalundag ako hangga sa halos mapaluhod ako sa sobrang saya sa loob ng opisina ko. Sapo ko ang aking iphone at inilagay ko iyon sa aking dibdib. Napayuko habang nakaluhod at sobrang gusto kong i-feel na malapit ko nang maabot ang dati ay pangarap lang.
“Oh my God! Sir! Ano hong nangyayari sa inyo. Inatake ba kayo sa puso? Dadalhin namin kayo sa hospital!” sigaw ng aking secretary nang pumasok siya at nakita niya ang pinaggagawa ko.
“OA ka girl. Makasigaw naman ito!”
“Sorry Sir. Bakit ba kasi kayo nakaluhod at sapo pa ninyo ang inyong dibdib?”
“Nagmuslim na ako. Nagdadasal lang. Kung tanungin mo ako kung kailang pa? Ngayon lang. Bukas, catholic na muli ako, kaya huwag kang nangingialam. Akala ko ba umuwi ka na?”
“May papipirmahan lang ho sana ako.” Natatawa ang secretary ko. Alam naman kasi niyang puro lang ako biro.
Tulad ng inaasahan. Ako ang nauna. Ako ang naghintay. Ang suot ko, panlalaking damit. Mula nang iniwan ako ni Francis, natutunan ko nang sundin ang gusto niyang ayos ko. Hindi dahil iyon ang gusto niya kundi tanggap ko na sa sarili kong kailangan kong manamit, kumilos at magsalita alinsunod sa aking kasarian bilang lalaki. Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot. Napakarami ko parin kasing katanungan. Ni hindi ko nga alam kung nasaan na siya ngayon. Di ko parin mapigilan minsan ang di maluha. Yung feeling na hindi mo nailabas lahat ang gusto mong sabihin, yung hindi ka nabigyan ng pagkakataong magbago para sa taong mahal mo at nang nagbago na ako ay wala na siya para makita sana ang laki ng pinagbago ko. Kahit hindi na niya ako nakita ay tuluyan na akong kumilos at mag-ayos sa gusto niya. Pinunasan ko ang luha ko.
Oo nga’t excited ako ngayong makita at makasama si E-jay ngunit marami kaming pinagsamahan ni Francis na hindi lang ganoon kabilis kalimutan. Siya ang lalaking unang minahal ko, unang halik, unang pagtatalik at iniyakan ko ng sobra. Lalo pa’t mula noon, tatlong taon na ang nakakaraan ay hindi na ako nakarinig ng kahit anong balita pa tungkol sa kaniya. Namimiss ko na siya. Ang kaniyang pagtatanggol sa akin kapag may mga pumupuna sa kabaklaan ko, ang kaniyang mga yakap at halik. Ang kaniyang pagmamahal. Kakaiba magmahal si Francis. Astig! Lalaking-lalaki. Napaluha ako ngunit mabilis kong pinunasan ang mga ito. Akala ko sa pelikula lang iyon, yung naluluha ka pa din kapag naiisip mo ang taong sobrang minahal mo at bigla na lang naglaho na parang isang napakagandang panaginip lang.
Gusto ko nang mag-order pero hinintay ko na muna ang pagdating ni E-jay. Sabay na lang kami mamayang umorder. Okey na muna ako sa tubig. Panay ang tingin ko sa iphone ko. Late na siya ng 30 minutes sa usapan naming 6:30. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Excited, nahihiya, natatakot at masaya. Parang bumabalik ako sa pagiging high school. Yung napakabilis ng tibok ng iyong puso. Yung hindi ka mapakali sa excitement.
Hanggang sa may kamay na pumatong sa aking balikat.
Marahan.
May banayad na pisil.
Nilingon ko. At muling nanuyo ang lalamunan ko. Nanginig ang pang-ibabang labi ko. Pakiramdam ko ay tatalon ang puso ko palabas sa aking dibdib.
Ngumiti siya, parang gusto ko nang mahimatay. Wait! Hindi puwedeng mahimatay ako! Sayang ang chance to know him better. Ano ako? Gaga?  Hihimatayin sa unang date?
“Kanina ka pa ba? Sorry for being late.” Paghingi niya ng dispensa.
“Okey lang. Kadarating ko din lang naman.” Pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay kanina pa ako naghihintay.
Tumayo ako para harapin siya. Inilahad ko ang kamay ko para kamayan. Tinanggap niya. Napakalambot ng kaniyang kamay. Amoy ko ang pabango niya Clive Christian. Mamahalin ang taste. Muli kong tinignan ang kaniyang suot. Magaling siyang pumorma. Halatang may sinasabi sa buhay at marunong sa fashion. Lalo akong parang nanliit sa sarili ko. Nang ngitian niya ako at bahagya niyang pinisil ang palad ko ay bumigay na sa pangangatog ang aking tuhod.

Umupo siya sa tapat ko. Walang gustong unang magsalita. Hindi ko alam na mahiyain din pala siya dahil hindi siya makatingin sa aking ng diretso. Sa tuwing nagsasalubong ang aming mga mata ay matipid na ngiti lang ang guguhit sa kaniyang labi at kasunod iyon ay ang pag-iwas niya ng tingin. Para tuloy napakamisteryoso ng kaniyang pagkatao. Paano kung straight pala siya? Kung friends lang ang habol niya sa akin? Well, masaya na akong maging friend ng lalaking nasa pangarap ko lang noon. Ang tanong, keri na ba ‘yun sa akin?
“Order..” God! Bakit walang lumabas na boses sa aking bunganga.
“Ehem!” Meron naman? Tumingin siya sa akin. Nagtatanong ang kaniyang tingin. Nagkangitian kami.
“Order na tayo?” tanong niya. Ayon siya na tuloy ang nagtanong.
“Sure.” Matipid kong sagot.
Sinenyasan ko ang isang waiter par lapitan kami. Nagkataong wala naman gaanong tao kaya naisipan kong magpaserve na lang sa table namin.
“What is your order sir?”
 “Give me Caffè Latte.” Sabay naming sinabi.
Nagkatinginan pa kami dahil pareho kami ng order. Nagngitian muli kami.
Caffè Latte din sa’yo? My favorite. Classic.” Sabi niya.
“Oh my…yan din sana ang sasabihin ko.”
                Nang nakuha na ng waiter ang order namin ay ito na yung self-conscious moment. Huminga ako ng malalim. Ano ba ang maari kung simulang topic sa kagaya niya? My God! Lalo’t parang hindi siya yung tipong madaldal. Malayo siya kay Francis. Iba siya kay Francis. Kung si Francis ay si Mr. Tough Good Looking Guy, ito naman ay Mr. Angelic Boy Next Door. Panay lang ang ngiti at ang pag-iwas ng kaniyang mapupungay na mga mata kapag nagkakasalubong ang aming mga tingin. Parang siya yung sa mga thriller movies na gwapo at sobrang bait na gustung-gusto ng bidang babae na maging boyfriend at ang katulad ni Francis ay yung maton na gustong iwanan ng karelasyon dahil sa pagiging magaslaw nito. At ang balak ipalit ay si E-jay ngunit sa huli, kung sino pala yung mukhang mabait at anghel ay siya pala yung gustong papatay sa kaniya. At ang boyfriend niyang akala niya ay masamang tao dahil nga brusko at may pagkabarumbado, iyon din pala ang lalaking magtatanggol sa kaniyang buhay. Lagi na ‘yan ginagamit sa mga thriller movies para linlangin ang mga nanonood. Ano kaya kung iyon ang maging kuwento ng buhay ko? Kakayanin ko kaya. Naku, ito na naman ako. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.
“So how’s life?” tanong niya nang makita niya akong pangiti-ngiti lang. Siya na naman ang naunang nagtanong. Ano ba nangyayari sa akin?
“Fine, am doing good. Ako na muna ang namamahala sa family business namin. Ikaw, kumusta?”
“Am into modeling lately pero pahinga na muna. May mga bagay kasi akong binalikan at gustong linawin three years ago pero hanggang ngayon hindi ko pa din nabibigyang linaw.” Huminga siya ng malalim. Lalong naging napakamisteryoso na niya sa akin. Kung puwede lang sana akong magtanong ng mga personal questions sa unang date namin ay marami pa sana akong mga follow up questions.
“I thought you’re in relationship. Maalala ko kasi the last time that I met you in a bar. Pero kagabi, nakita ko sa relationship status mo na Single ka na. Muntik ngang suntukin ng boyfriend mo ang barkada ko noon.” Tumigil siya. “Ohh, I’m sorry, I think it’s too personal.”
Ako man ay nagulat din sa tanong niya. Ngunit ayaw ko siyang mapahiya. Ngumiti ako. Sasagot na sana ako nang inilapag na sa harap namin ang aming order. Hinintay ko na munang makaalis ang waiter.
“It’s okey. Its been more than 3 years na akong single kaya okey lang na tinatanong ako tungkol diyan. Katulad ng ibang relasyon, natatapos din. Bigla kasi siyang nawala pagkatapos niya akong hiniwalayan. Mula no’n hindi ko na siya nakita pa. Wala naman siyang kasalanan, ako ang may ginawa kaya siya nagdesisyong iwan ako.” diretso siyang nakatingin sa akin habang nagkukuwento ako. Huminga ako ng malalami.
“I’m sorry.” Tinapik niya ang kamay ko. May kung anong kuryenteng dumaan mula sa hinawakan niyang palad ko hanggang sa aking buong katawan.
“What about you? Are you in relationship?” tanong ko. Binigyan niya ako ng karapatang tanungin iyon sa kaniya.
“Shall I say, complicated? But near from being single. Wait, I’m single, actually.”
“Hindi ko maintindihan. Ang gulo ha.” Napakamot ako.
“I told you, complicated. Well, kung in relationship ako, I might not be here. Kaya ibig sabihin I am single. Kaya huwag kang mag-alala, walang lalapit sa atin apara awayin ka.” Tumawa siya.
Humigop ng kape.
Huminga ng malalim.
“Sorry to ask, babae ba ang pinag-uusapan natin, yung kumplikadong karelasyon mo?”
“Are you just trying to be nice? Look, kung straight guy ako hindi naman siguro ako makikipagkape sa hindi ko masiyadong kakilala na wala namang ibang dahilan kundi simpleng kuwentuhan lang. Hindi siguro kita i-add, magpakita sa cam, kunin ang contact number at makikipagset ng date kung hindi ako katulad mo.” binasa niya ang labi niya. Kasunod ng isang ngiting lalo nagpapademonyo sa akin.
Oo nga naman.
Humigop ako ng aking kape.
Nagbigay iyon ng pag-asa sa akin kahit ayaw ko sanang umasa at sa huli ay muli akong masaktan. Gusto kong manligaw ngunit paano? Ni magpalipad hangin ay hindi ko kaya. Hindi kasi ang kagaya niya ang basta na lang liligawan ng kagaya ko. Paano kung hindi niya ako gusto. Para kong sinasampal ang buwan na hindi naman kayang abutin ng aking mga palad. Kailangan bang makiramdam na lang ako at makuntento sa pagiging ganito namin? Natatakot akong kapag magsabi ako na crush ko siya, na gusto ko siya e, baka magkakaroon ng gap ang unti-unting paglapit ng aming kalooban bilang magkaibigan.
Lumalim ang aming kuwentuhan. Nalaman kong dalawa silang magkapatid na lalaki. Ngunit sa kasawiam-palad ay namatay ang kapatid niya at siya na lamang ang mag-isang anak ngayon. Hindi ko na tinanong ang ikinamatay ng kapatid niya.  Sa Canada nakatira ang pamilya niya at siya na lamang ang nasa PIlipinas dahil iyon ang desisyon niya. May mga ari-arian din kasi sila sa Pilipinas na kailangan din niyang titigna-tignan. Nang nagkita kami sa airport, binisita lang niya ang kaniyang mga magulang noon.
“The first time I saw you, alam mo bang sobrang gaan na ang pakiramdam ko sa’yo?”
“Oh my… Pareho tayo. Hinabol nga kita noon e. I wasn’t able to get your facebook account or your contact number kasi, kaya kita sinundan pero late na. Nakasakay ka na noon sa next flight mo.”
“Wow, really? Ako naman, hesitant ako to ask any personal details kasi may guwapo kang kasamang nakasalamin noon. Nag-uusap pa nga kayo nang umupo ako sa tapat ninyo. Akala ko nga may LQ kayo kasi umiiyak siya so, medyo nagdalawang isip akong humiram ng charger mo. Nasaan na pala yung lalaking kasama mo noon?”
“Si Mark Kym ‘yun. Sikat na artista dati.”
“Ay, talaga? Siya nga ba iyon noon? Kaya pala sabi ko, familiar. So, where is Mark Kym now?”
“Mula nang umuwi kami dito, hindi na siya nagpakita. Until now wala na akong balita sa kaniya. Pumunta kasi kami sa Toronto para sana sunduin ang bestfriend ko pero huli na ang dating namin. May iba nang mahal ang bestfriend ko.”
Huminga siya ng malalim. Natigilan siya sa narinig niya sa akin.
“Sad! Nangyayari nga talaga iyan. Yung huli na ang dating mo? Usually may iba na ngang mahal ang mahal mo. Hindi mo alam kung paano ka muling papasok sa buhay niya na walang masasaktang iba. Pero, kapag nagmahal ka, maraming bagay kang hindi nakikita. Wala kang pakialam sa nakaraan o kaya sa kung sino pa ang masaktang iba, ang pinahahalagahan natin minsan ay kung paano natin makuha ang ating gusto. Ginagawa natin ang lahat para muli kayong mabuo hanggang sa nakakalimutan mo kung bakit nga ba nang una ninyong sinubukan ay hindi nag-work out pero dahil nagmamahal ka, gusto mo paring subukan ng subukan ng subukan hanggang finally, you realized na sadyang napapagod din pala ang puso, nasasaktan din ang katawan, gusto mo na ding lumaya.” Nakita ko na may lungkot sa kaniyang mukha hanggang sa napalitan ng ngiti iyon.
“May pinaghuhugutan?” tanong ko.
“May pinagdaanan.”
“Ahh! Okey.” Napatango ako.
 “Sa edad kong ito, marami na akong napagdaanan. Marami akong gustong tuklasin na nangyari sa nakaraan at hindi ako natatahimik hanggang hindi ko malaman ang totoo. Alam kong hindi din natatahimik ang kaniyang kaluluwa…” tumigil siya. Yumuko. “I’m sorry, Carl. Nadadala ako sa kuwentuhan natin.”
Ngunit napalunok ako sa sinabi niya. Napakarami ko na tuloy gustong alamin sa pagkatao niya. Ngunit sa tuwing nagbubukas siya ng pag-uusapan tungkol sa totoong bumabagabag sa kaniya ay natitigilan siya.
Tumingin siya sa relo niya. Humigop ng kape.
Muling naghari ang katahimikan.
Napansin kong panay na ang tingin niya sa kaniyang relo.
 Naku! Baka nawawalan na siya ng gana sa akin o kaya bored na siya sa company ko.
“May lakad ka pa?” tanong ko sa kaniya nang panglimang tingin na niya sa kaniyang relo.
“Actually. Meron nga. Nauunahan lang ako ng hiya na magsabi sa’yo.” Pinagsaklob niya ang kaniyang mga kamay.
Nakita ko sa mukha niyang naalangan siyang magsalita kahit titig na titig siya sa aking mga mata.
“It’s okey. Baka mahuli ka sa lakad mo. If you need a ride, puwede kitang idaan.” Nakangiti ako.
Sa loob-loob ko lang ay bitin ang gabi. May takot din ako na baka nga iyon na ang una at huli naming date. Madalas ko din kasing gawin iyon sa mga nakadate ko dati. Magdahilan na may lakad pang iba ngunit ang totoo, gusto ko nang matapos ang date at umiwas na totally sa ka-date ko. Digital na nga talaga ang karma. Napabuntong-hininga ako.
“Don’t worry, may wheels ako. Ikaw ba? May kalad ka tonight?”
“Wala. I made myself available the whole night sa pagkikita nating ito. Pero dahil may lakad ka, I guest mas maaga akong magpahinga.”
“Thank you.” Nakangiti niyang sagot.
“Hindi, dapat ako ang magpasalamat kasi dumating ka.”
Sinenyasan ko ang waiter kanina na nagserve sa amin para magbayad. Binunot na niya agad ang pitaka niya.
“E-jay, please. Let me do the honor. Ako ang nag-invite kaya ako na. Sisiguraduhin ko sa’yo sa dalawang tasa ng kape, hindi ako mamumulubi. At utang mo ito dahil ikaw naman ang magpapakape next time.” Kumindat ako. Tanda ng pagbibiro. Ayaw kong magmukhang mayabang sa kaniya. Gusto ko lang sumaya ang gabi bago kami maghiwalay.
“Okey. Sure. Thank you.” Hindi na siya mapilit bagay na nagustuhan ko.
Nang mabayaran ko na ang kape ay sabay na kaming tumayo.
“Salamat.” Inilahad ko ang kamay ko para muli ko siyang kamayan.
 Binunot niya ang kamay niya na nakasuksok sa bulsa ng kanyang grey coat. Tinanggap niya ang kamay ko.
Nang magkadaop-palad kami ay may matigas nang papel na pilit niyang ipinahawak sa akin.
“What’s this?” tanong ko.
“See it for yourself.” Kumindat siya. Nakangiti. Excited.
“Concert ticket in Mall of Asia Arena at…Oh my God! Concert ni Regine?” napahawak ako sa aking dibdib sa pagkagulat. Sana hindi baklang-bakla ang dating ko sa kaniya.
“Puwede mo ba akong samahan?” lumapit siya sa akin.
Halos dumikit na ang matipuno niyang dibdib sa aking dibdib. Huminga ako ng malalim at gusto kong lumundag sa saya. Hindi lang dahil sa concert ng idol ko kundi yung surprise niya sa akin.
“Oo naman. You just surprised me!” kinikilig ako.
“I did?”
“Yes! Sira ka ba! Idol ko si Regine! Wait! Paano mo alam na idol ko siya at gusto kong manood sa concert niya?”
“Duh! Facebook? Okey ka lang? Facebook friend kaya tayo. Natural babasahin ko muna lahat ang info mo doon. So, paano, let’s go?” ipinatong niya ang isang kamay niya sa balikat ko. Kinukuryente ako lalo pa’t amoy na amoy ko ang kaniyang pabango.
Pangalawa sa unahan kami pumuwesto. Magkatabi kami at panay ang lingon niya sa akin na para bang sinisiguro niyang everything is fine.
“I am glad that you look happy tonight.” Bulong niya sa akin.
“Thank you.” Matipid kong sagot.
Kung alam lang niyang ito ang mga pinakagusto kong gawin. Mahilig ako sa movie, concerts basta kahit anong may kinalaman sa showbiz. Malayo siya kay Francis. Ito ang mga bagay na hindi namin noon nagawa. Ibang-iba siya. Kaya nga doon palang sa ginawa niyang iyon ay sinasakop na niya ang kalahati ng aking puso.

Lumabas si Regine para sa introduction number niya. Sigawan na kaming mga fans niya. Sa sobrang saya ko ay napahawak ako sa braso ni E-jay. Hindi lang hawak iyon. May kasama pang gigil dahil sa kagalakan. Nang ako na mismo ang nakapansin sa kamay ko ay humingi ako ng dispensa.
“Sorry. Sobrang saya lang.” tinanggal ko ang kamay ko sa matipunong braso niya.
Hinabol niya ang pababa ko na sanang kamay at ibibalik niya sa kaniyang braso. “Diyan lang ‘yan, okey? Huwag ka ngang magsorry sa simpleng hawak lang.” inakbayan niya ako saka niya inilapit ang labi niya sa aking pisngi. Kinilabutan akong may kasamang kilig. Hahalikan nab a agad niya ako?
Napapikit ako.
Nangangatog ang aking mga tuhod.
Ngunit dumiretso ang kaniyang labi sa aking tainga. Dahil malakas ang music ay kailangan niyang itutok sa aking tainga ang kaniyang bibig para marinig ko ang kaniyang sasabihin. Iyon lang pala ‘yun.
“Enjoy the show. Kaya nga nandito ka sa concert at kasama mo ako, to express yourself. Sumigaw ka! Kumanta! Sumayaw. Dapat lagi kang malayang gawin ang gusto mong gawin.”
Napalunok ako. Muli kong naalala si Francis. Magkaibang-magkaiba sila nga sila.
Sa buong concert ay hindi na ako naalangang hawakan siya dahil siya man din ay panay ang akbay sa akin. Parang matagal na kaming magkakilala. Matagal nang magkaibigan. Palagay na kaming dalawa sa isa’t isa. Hanggang sa sinasabayan na niya akong sumsigaw ng… “WE LOVE YOU REGINE!” Magkakatinginan kami saka kami mag-aapir! Sobrang saya lang dahil sinasabayan niya ang lahat ng trip ko.
Hanggang sa kinanta na ni Regine ang all my life. Nakaupo na kaming lahat noon. Nakikinig sa ganda ng boses ng Asia’s Songbird. Dinadama ang bawat liriko ng kanta. 

All my life, without a doubt I give you
All my life, now and forever till the
Day I die, you and I will share
Nagkatinginan kami. Oh my…dalang-dala naman ako sa kanta. Lalo pa’t si Regine ang mismong nasa harap ko at daman-dama din niya ang kaniyang pagkanta. Nilingon ko si E-jay sa tabi ko. Titig na titig siya sa aking mga mata na para bang binabasa niya ang lungkot na naroon. Magkatabi lang ang aming mga braso. Hindi iyon gumagalaw.
All my life, without a doubt I give you
All my life, now and forever till the
Day I die, you and I will share
                Hanggang sa ako na ang naglapat sa braso ko sa braso niya. Halos pumatong na ang kamay ko sa kamay niya. Nanginginig akong gawin iyon ngunit gusto kong may kahawak kamay. Sayang ang kanta. Sayang ang moment. Kailangan kong mai-express lalo pa’t nadadala ako sa liriko nito. Ngunit paano kung ayaw niya?

All the things this changing world can offer
So I sing, I'd be happy just to
Stay this way, spend each day, with you
Hanggang sa dahan dahang ko nang pinagtapat ang aming mga palad. Nanlalamig akong gawin iyon. Hindi sigurado. May takot at kasamang hiya. Tumingin siya s akin saka niya tinignan ang palad kong nanginginig. God! Isang pulgada na lang ang layo ng palad ko sa pald niya.
There was a time, that I just thought
That I would lose my mind
Hindi na puwede ito. Ayaw kong matapos ang kanta na hindi ko mailabas ang tunay kong nararamdaman. Naluluha ako sa sobrang galing ng rendition ni Regine. Hanggang sa buong tapang ko nang idinampi ang kamay ko sa kamay niya. Nakiramdam. Nararamdaman ko na ang init ng kaniyang palad ngunit nakadantay lang. Huminga ako ng malalim. Tinodo ko na ang lakas ng loob ko. Hinawakan ang kamay niya. Kasabay iyon ng aking pagpikit at dumaan ang luha sa aking pisngi. Parang lahat ng naipon doong sakit nang pang-iiwan ni Francis ay nawala sa aking dibdib. Masayahin akong tao kaya ko nagagawang itago ang sakit ng ginawa niya sa akin at sa tulong ni E-jay ay parang unti-unti na iyong nawawala sa aking dibdib.
You came along and then the sun did shine
We started on our way
Pinisil niya ang kamay ko. Magkahawak kamay na kaming nakatingin kay Regine habang patuloy pa din ang aking pagluha. Parang nasa ibang mundo ako. Sobrang saya ko lang sa gabing iyon. Hanggang sa kumilos ang isang palad niya at tuluyang ikinulong ng dalawang palad niiya ang isang palad ko. Ramdam ko ang kakaibang init niyon.

I do recall that every moment spent
Was wasted time but then I chose to lay it on the line
I put the past away
I put the past away
I put the past away
Over na to! Sobrang iba ang dating ng kanta sa akin. Kaya tuloy hindi ko talaga kayang pigilan pa ang aking luha. Napapikit ako. Nanginginig. Hanggang sa naramdaman ko ang panyo na nasa aking pisngi. Nahawakan ko ang kamay ni Ejay na may hawak ng panyo na noon ay pinupunasan niya ang luha ko sa aking pisngi.
Ngumiti ako.
“Nakakahiya naman. Kanta lang iniiyakan ko na.”
“May nasagi siguro ang kanta sa nakaraan mo kaya nagiging emotional ka. Hayaan mo, sana magawan natin ng paraan na mabago lahat ang mga iyon.” Kumindat siya.
Nakatulong ang kaniyang pagngiti para maibsan ang dinanas kong lungkot ng ilang taon.
“Ang ganda ng susunod na lyrics. Iyan yung pamatay na favorite ko, Carl. If only I could do that to somebody else ngayon, gagawin ko. Gustung-gusto kong gawin kung kailan ay handa na ako.”
All my life, I will carry you through
All my life, between each hour of the passing days
I will stay with you.
“Bakit hindi mo pa kayang gawin? Ibig sabihin ba nu’n hindi mo pa kayang manatili at magmahal sa isang tao ngayon?” tanong ko.
Nakita kong siya na ang napaluha. Noon ko nasiguradong may mga bagay siyang pinagdadaanan na pilit na ikinukubli ng kaniyang mga ngiti.
There was a time, that I just thought
That I would lose my mind
You came along and then the sun did shine
Inilabas ko ang panyo ko. Ako na ang nagpunas sa mga luhang iyon sa kaniyang pisngi. Hindi siya tumanggi. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko. Napalunok ako.
“May kailangan ba akong malaman tungkol sa nakaraan mo?” Pinipigilan ko ang sarili kong tanungin siya ngunit hindi ko na kayang tiisin.
We started on our way
(Started on our way)
I do recall that every moment spent
(Hmm... hmmm.)
Was wasted time then I chose to lay it on the line
“Maraming nangyari sa nakaraan, Carl. Hanggang ngayon pinipilit ko pa ding alamin kung ano ang totoo at hanggang hindi ko napapatunayan ang lahat ng hinala ko, hindi ako matatahimik. Hindi ako puwedeng magmahal sa ngayon. Hindi pa puwede. Magulo pa, Carl.”
“Maiintindihan ko ang lahat, kung nahhirapan kang dalhin ang mga ito, sabihin mo lang sa akin baka makatulong ako.”
Nagsitayuan ang mga tao at sabay-sabay na pumalakpak. Tapos na si Regine na kumanta. Tumayo din kami para sabayan ang iba pang nadala sa kakaibang boses ng aking idol.
Nagkatinginan kami ni E-jay. Nagtatanong parin ang aking mga mata sa kaniya.
Anong misteryong bumabalot sa kaniyang katauhan? Sino nga ba siya?

27 comments:

  1. Good story...

    Nice one Joem...

    Ooopss nauna ako

    Lance

    ReplyDelete
  2. Yown pangatlo ako.. Haha i love it!!

    ReplyDelete
  3. 3 years n pla n d ngkkta sna Francis at Carl. Ano n kya ang ngyari k Francis? Mga sweet moments lng! May kaugnayan kya c E-jay k Francis?

    ReplyDelete
  4. Sir Joem anu to? Silver concert ni Songbird the repeat,? Pinaiyak mo ako sa simpleng eksena sa concert,damang dama ko yung pgpapakawala ni Tzekai ng nararamdaman nya,yung pag agos ng luha nya, plus the song,nadala talaga ako coz Ive heard Regine sung that at talagang ang ganda. Haayy mukhang mahaba din ito ah? Ito din ata yung time ng pagpapakasal nina Ced at Mark db? Thanks sir Joem!

    ReplyDelete
  5. guys, salamat sa mga comment ninyo ha..hindi ko man nagagawang sagutin pero binabasa ko po lahat at sana hindi kayo tumigil magbigay ng iyong komento dahil alam ninyong diyan lang kami humuhugot ng aming inspirasyon na mga blogger... hindi ninyo alam ang kahalagahan sa akin ng mga comment...busy kasi ako hatiran kayo ng kuwento na kailangan kong pag-isipan...bsta d kayo magsawa magbasa at magcomment di rin ako magsawang magbigay ng libangan para sa ating lahat. salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you talaga sa mga obra mo, sobrang talented at matalino ka. Ang galing mo mag-isip at ang likot ng imahinasyon mo. Keep doing the great things.

      Chinitongpinoy

      Delete
  6. Mark Xander MendiolaJuly 15, 2013 at 9:22 PM

    paganda ng paganda ang story ah..habng tumatagal lalong lumalalim...tnx sir joem s exciting n story,,,excited for the next chap.

    ReplyDelete
  7. Nakakainlove talaga lalo with music background... Nadala na namn ako ng binabasa ko kaya naluha nnaman ako... thank you kuya Joem... Ikaw na talaga...

    ReplyDelete
  8. I allways love your work mr author. . Silent readers ako.. bihira mag coment.. tnx for the update...

    ReplyDelete
  9. Kuya Joem, galing talaga. Siguro si Francis yung nakapatay kay Eman tapos kapatid siya ni E-jay tapos bumalik si E-jay para gumanti. HULA LANG! HAHAHAHAHA

    ReplyDelete
  10. maganda tlagang magbasa at sumubaybay ng mga kwento ni joemars's. di katulad s ibang site, minsan bibitinin ka at sasabihin na bumili nlng kayo ng libro s national bookstore kc may kumokopya ng aking kwento etc etc. may pahingi hingi p ng donsyon para s libro. tapos ang nakakatuwa pa, nagmamakaawa pa yung mga bumabasa n ituloy ang kwento. may nangyari nmn s request nila n ituloy ang kwento at ito ay wlang iba kundi "NGANGA".

    Salamat, ramdam ko lahat ng mga kwento mo.

    (1006)

    ReplyDelete
  11. wow hanep sulit tlaga.. ang ganda na. i guess ang ex ni e-jay at francis ay iisa lang at dahil sa selos ay napatay ni francis c eman at siguro gaganti c e-jay ky francis...,,hahaha,, masyadong wild lang imagination q.. tanx po sir sa update.


    -jay

    ReplyDelete
  12. And I was so amazed with the emotions attached in the story. Ramdam kita te carl, Promise. Hahaha!

    Nice update! :)

    ReplyDelete
  13. C Ejay ay kakambal cguro ng ex ni Francis na patay na. At baka hinahanapan nya ng sagot ang pagkamatay nito. San nga ba c Francis? Abangan...kilig at mysterious ang chapter na to Joem. Tnx

    Randzmesia

    ReplyDelete
  14. I like this chapter- sweet, gentle and romantic. Nakaka-in love. Masarap sa damdamin. Puwede pala si Joem maging soft and caring without overdoing it. Maski si Tzekai naging Carl: well behaved, controlado ang emotions,hindi flamboyant, very respectable and well educated ang dating. Yes, gusto ko tong chapter na to. Congrats! my friend....bocere.

    ReplyDelete
  15. Thanks sa update author..nakakatuwa talaga bsahin tong chapter na to..I so love Tsekai..

    ReplyDelete
  16. Thanks sa update author..nakakatuwa talaga bsahin tong chapter na to..I so love Tsekai..

    ReplyDelete
  17. Thank's Author. I'm so excited sa next chapter. Sa past ni E-jay. Sa rebelasyong mangyayari. That E-jay and Francis ay may connections.

    ReplyDelete
  18. sa tingin koh kapatid ni e_jhay ung x ni francis....
    tanx poh sah update kuya joem!!!!

    ReplyDelete
  19. nawala ung hangover ko sa chapter na to fhangZ joemar..... at kinilig ako...

    jheslhee here..

    ReplyDelete
  20. Thanks much joem nice update nakakatuwa si Carl palang teenager lang hehehe.

    I have a feeling na e-jay and francis is somehow related to each other.
    That I wish to know soon.

    Have a great day joem and keep it up

    ReplyDelete
  21. da best si sir joem, my fave among others... feeling ko din si francis ex ni e-jay.. hehe! tama ba nabasa ko. kamuntikan suntukin ni francis yung kasama ni e-jay sa bar nung gabi... for what reason???hehe!

    ReplyDelete
  22. Late n tuloy ako..

    ReplyDelete
  23. Naghahanap ka ba ng isang pautang? O kaya naman ay tumanggi sa iyo ng isang pautang sa pamamagitan ng isang bangko o isang institusyong pinansyal para sa isa o higit pang dahilan? Kayo ay may tamang lugar para sa iyong mga solusyon sa utang dito mismo! Global Finance limitadong bigyan out mga pautang sa mga kumpanya at mga indibidwal sa isang mababa at abot-kayang rate ng interes ng 2%. Mangyaring makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng e-mail ngayong araw sa pamamagitan ng susanmichael9111@gmail.com

    Aplikante DATA:

      1) Buong Pangalan:
      2) Bansa:
      3) Address:
      4) Estado:
      5) Kasarian:
      6) tungkol sa kasal Katayuan:
      7) Trabaho:
      8) Numero ng Telepono:
      9) Sa kasalukuyan posisyon sa lugar ng trabaho:
      10) Buwanang suweldo:
      11) Halaga ng Pautang para sa Kailangan ng:
      12) Pautang para Duration:
      13) Hangarin ng Pautang para sa:
      14) Relihiyon:
      15) Naglapat ka ba ng bago;
      16) Petsa ng kapanganakan;
      salamat,
    Mrs Susan Michael

    ReplyDelete
  24. I think ejay is eman.. The 1st boyfriend ni Francis,.,

    ReplyDelete