SUPPORTERS

Thursday, February 28, 2013

Mahal kita: Hanggang sa Huling Laban (Chapter 16)


 Patrick

Zanjo
Love


Chapter 16

                Pagbukas ko ng gate ay ibang Love na ang nakita ko. Kasama niya si Tita na mama niya. Lumaki ang katawan, pumogi at hindi sa lahat ay tumangkad. Naroon pa din ang boyish niyang ngiti.
                “Kuya Pat! Dito na ho ako!” Niyakap niya ako.
                “Uyy!” nagulat ako sa ginawa niya. “Mas magandang lalaki ka na sa akin ah!” tinapik ko siya sa likod.
“Kumusta po tita?” Nagmano ako sa pinsan ng Daddy ko.
                “Mabuti naman iho. Hetong pinsan mo, excited nang lumuwas at makita ka.”
                “Dito ako mag-aaral kuya. Di ba sabi ninyo ni tita dati na puwede ako dito tumira kapag magcollege na ako?”
                “Hayun! Taman-tama ang dating mo, aalis na din ako papuntang Baguio. Mag-pi-PMA ako. Ikaw na muna ang makakasama nina Mommy dito.”
                “Bawal ba pumasok kuya?” nakangiti niyang puna.
                “Oo nga pala. Pasensiya na ho tita. Kulit kasi nitong si pinsan. Daming sinasabi kaya nawala ang manners ko. Pasok ho kayo.” Binuksan ko ang gate “Akin na ang isang maleta mo at ako na ang magdadala.” Iniabot ni Love ang isang maleta sa akin.
                “Iiwan mo din pala ako dito kuya? Anlungkot naman, akala ko magkasama tayo.” Sambit ni Love habang naglalakad kami papunta ng bahay.
                “Kailangan pinsan e.”
                “Magsusundalo ka din iho? Gusto mo talagang sundan ang yapak nung daddy mo?”
                “Oho tita. Pangarap ko din kasi talaga magsundalo.” Binuksan ko ang aming pintuan. “Pasok ho kayo.”
                Nang makapasok si Tita ay agad siyang sinalubong ni Mommy. Nagmano si Claire kay tita at si Love kay Mommy.  Binaba ko ang dala kong maleta ni Love. Pumunta ako sa kusina para magpahanda kay Manang ng mamimiryenda ng mga dumating.  
Habang naghahanda si Manang ng miryenda ay binuksan ko ang ref. Nakatuwad ako sa harap ng nakabukas na ref para kumuha ng softdrinks nang biglang may yumakap sa akin at naramdaman ko ang bumundol na iyon sa aking puwit na siyang bumuhay sa matagal nang di ko naramdamang pagnanasa.
                “Namiss kita kuya!”
                Nilingon ko. Si Love muli. Nakasanayan na yata niyang yakapin ako.
                “Uyy sandali. Baka mabitiwan ko ang mga softdrinks.  Ginugulat mo ako.”
                Lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin na para bang sabik na sabik.
“Mabuti pa’y tulungan mo ako. Dalhin mo ang mga ito sa kanila nang makapagmiryenda muna kayo.” Nilayo ko ang puwit ko dahil ramdam ko ang pagkakadikit ng bubumukol na iyon  na nasa gitna ng kaniyang hita. Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko kung bakit ko binibigyan ng ibang kahulugan o malisya ang pagkakadikit ng pagkalalaki ni Love sa akin. Kung bakit kasi nakasuot lang siya ng jogging pants at sando.
                “May dala kaming suman at buko pie kuya. Init na lang natin para mapagsaluhan.”
                “Hayun! Namiss ko nga ‘yan. Sige dalhin mo na muna ang softdrinks sa kanila at mamaya isunod na natin yung inihahanda ni Manang saka yung iinit nating pasalubong ninyo.”
                Ilang sandali pa ay bumalik siya dala ang iinit namin sa oven na suman at buko pie. Muli ko siyang pinagmasdan. Hindi na nga siya ang dating Love na kasa-kasama ko. Napakalaki na talaga ng ipinagbago niya.
                “Kumusta na kayo ni kuya Zanjo kuya? Kayo parin ba?” tanong niya. Mahina ang pagkakatanong niya pero iba ang dating no’n sa akin. Parang may gusto siyang tumbukin.
                “Ano? Anong kami?”
                Ngumiti siya. “Kung bestfriend pa din kayo? Bakit may iba pa bang ibig sabihin nang tanong ko?”
                Tumawa ako. “Ayusin mo ang pagtatanong?” sagot ko.
                “Ano nga, kumusta na kayo?”
“Mula nang namatay si Daddy hindi ko na siya nakita at wala na din akong balita sa kaniya. Ikaw ba may balita sa kaniya?”
                “Wala kuya e. Hindi mo ba siya namimiss? Sayang naman nung sa inyo.”
                Kumunot ang noo ko sa mga sinasabi niya. Parang may iba talaga siyang tinutumbok sa akin.
                “Namimiss? Hindi na. Sayang yung sa amin? Ano ba kami sa tingin mo?” Minabuti kong nakatalikod habang sinasabi iyon.
Sa totoo lang, may mga gabing inisip ko pa din siya. Kapag nangungulila ako, nilulunod ko ang sarili ko sa pag-inom ng beer o alak. Ang dati’y mapait na beer at alak noong third year high school ako ay naging kakampi ko sa mga gabing nalulungkot ako. Kapag tuluyan akong nalalasing ay itinutulog ko na lang sa kuwarto ko. Alam ni Mommy ang paglalasing ko sa kuwarto ko. Nang una, kinagalitan niya ako, ngunit nang naglaon at alam niyang hindi ko naman madalas ginagawa ang bagay na iyon ay hinayaan na lang niya ako.
Hindi sumagot si Love sa tanong ko kung ano ba kami sa tingin niya ang sa amin ni Zanjo. Nilingon ko siya. Nakatitig siya sa akin. Ako ang unang nagbaba ng tingin. Bakit ganoon makatingin ang pinsan ko sa akin?
At ako? bakit ako naasiwa? Bakit ko siya pinag-iisipan ng kakaiba?
“Hayun, puwede na ‘to.” Nilabas ko ang buko pie sa oven.
Mabilis na lumapit si Love. Hindi ko alam kung nagkataon lang na inalalayan niya ako at aksidenteng nahawakan niya ang kamay ko o sinadya talaga niya ang paghaplos doon. Nagkatinginan kami. Ako ang parang naasiwang muli.
“Ako na, ikaw na doon sa suman insan.” Paglalayo ko ng kamay ko sa kamay niya.

Pagbalik namin sa sala ay masaya kaming nakipagkuwentuhan kina Mommy, Claire at sa mama niya. Ngunit madalas ko siyang napapansin na nakatitig sa akin. Kung magsalubong ang aming mga mata ay ako ang umiiwas.
Bakit ganun?
“Pat, anak. Sa kuwarto mo na muna si Love ngayon ha? Bukas na lang natin ipalilinis yung sa kuwarto niya. Uuwi kasi si Manang sa bahay nila.”
“Wala hong problema Mom. Doon na nga muna siya.”
“Kami na lang ho ang maglilinis sa kuwartong iyon bukas tita. Sa makalawa pa naman ang enrollment namin.” Si Love.
“Aalis din yang pinsan mo dalawang araw mula ngayon. Sa Baguio siya mag-aaral. Nabanggit na ba niya sa’yo?” si Mommy.
“Oho tita. Akala ko nga makapagbonding kami dito iyon pala iiwan din ako.”
                “May dalawang araw pa naman insan. Saka dadalhin ko lang ang ibang mga gamit ko at pasyalan nang di ako mangangapa sa April 1 kasi yun yung araw na formal na kaming magsisimula. Ikaw na muna ang papalit sa akin dito sa bahay.”
                Nang lumalim ang gabi at natapos ang hapunan ay nagdesisyon ng magpahinga si Tita at Mommy. Nauna na din si Claire sa kaniyang kuwarto. Tumingin ako kay Love na nanonood pa ng movie sa HBO.
                “Di ka pa inaantok?” tanong ko. Humikab ako.
                “Matutulog ka na kuya?” tanong niya. Sa TV siya nakatingin.
                “Inaantok na ako eh. Puwede mo namang ituloy panoorin yan sa kuwarto ko.”
                “Sige doon ko na lang panoorin. Pa-shower na din ako ha?” tumingin siya sa akin. Nakangiti. Ewan pero iba ang tingin ko sa ngiting iyon.
                “Oo naman.  Alam mo, dapat sanayin mo na ang sarili mo sa bahay. Ikaw na ang makakasama nina bunso at mommy. Ikaw na muna ang papalit sa akin. Mabuti at may makakasama din silang lalaki dito habang wala ako. Sige na. Tumayo ka na diyan.”
                Pagkapasok namin sa kuwarto ko ay nagtanggal siya ng damit.
                “Nag-gigym ka insan?” tanong ko. Nakita ko kasing may abs siya at maganda ang bicep at tricep niya.”
                “Oo, halata ba? Hawakan mo dibdib ko kuya. Tignan mo kung gaano katigas.” Lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko.
                “Sus kailangan pa bang hawakan? Meron din ako niyan no.” tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Naghubad din ako ng aking pang-itaas. Tanging boxer short na lang ang suot ko. Nakita kong dumikit ang tingin niya sa aking katawan.
Napalunok.
 Nagtaka ako. Tinakpan ko ng t-shirt ang aking katawan. Bigla kasi akong parang naalangan sa kaniyang tingin.
                “Uyy! Ganda ng abs ah! Pahipo naman niyan kuya.”
                “Sira! Maligo ka na nga muna. Mauna na akong matulong. Tumabi ka na lang sa akin mamaya at kung gusto mo munang manood ay ikaw na lang ang mag-on sa TV. Medyo hinaan mo lang para di ako magising.” Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.
                “Ayos!” sagot niya.
Hihiga palang sana ako nang bigla na lang niyang ibinaba ang kaniyang jogging pants kasama ng brief. Mabilis nga lang niyang tinakpan ng kaniyang palad ang kaniyang pagkalalaki at nang tumalikod ay nakita ko ang makinis at maputi niyang puwit. Bigla siyang lumingon. Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko.
                “Sus! Kunyari pumikit! Nakita kaya kita.”
                “E, ano naman kung nakita ko ang puwit mo? Saka may mga tuwalya naman diyan. Hindi ka magbalabal. Sige na. Bahala ka na sa sarili mo. Mauna na akong matulog sa’yo.”
                Nang lumabas siya sa banyo ay nagkunyarian na akong tulog. Nagpekeng hilik ako. Naisip ko si Zanjo. Nang una kaming nagkatabi matulog ganoon din ang ginagawa ko. Pekeng hilik. Pero ayaw ko nang aalahanin pa ang lahat. Gusto ko na siyang kalimutan. Apat na taon mula ngayon, magkalaban na kami. Hindi ko na dapat pa binibigyan ang sarili ko ng pag-asa na maitutuloy pa namin ang aming pag-iibigan. Alam ko, marami na din ang magbabago sa kaniya. Ngunit, ang totoo, mahal ko parin siya. Umaayaw na nga lang ang aking utak.
                Binuksan ni Love ang TV. Nakatayo siya at pinipindot niya ang remote. Naghahanap ng mapanood. Tanging brief na lang ang suot niya. Guwapo ang pinsan ko, makinis ang kutis, artistahin. Kinuha ko ang isang unan at tumagilid ako patalikod sa kaniya.
                Ilang saglit pa ay tumabi na siya sa akin. Naramdaman ko ang init ng kaniyang katawan na dumampi sa aking likod. Naasiwa lang ako kaya umusod ako palayo sa kaniya. Hanggang sa muli niyang idinampi na naman ang katawan niya sa akin. Wala nang naiiwang espasyo para umusod pa ako palayo. Pinabayaan ko na lang.
Sa tuwing ganito na nagpapaantok ay si Zanjo ang nasa isip ko. Dalawang taon na pero siya at siya padin ang iniisip ko. Ang kaniyang mga haplos, ang kaniyang mga yakap, ang halik niyang tuluyang gumagapi sa akin. Ang kaniyang pagmamahal na sa kaniya ko unang nalasap. Hanggang unti-unti na akong iginugupo ng antok.
Naramdaman kong humarap sa akin si Love. Naantala ang pagtulog ko ngunit hindi ako nagpahalatang gising ako. Nahlata kong tumigas ang kaniyang nasa harapan at bumundol iyon sa aking puwitan. Hindi ko alam kung bakit nag-init ako sa sandaling iyon. Parang may kung anong sensasyon akong naramdaman. Minabuti ko pa ding hindi kumilos. Hanggang sa dumantay ang kamay niya sa aking dibdib. Pababa sa aking tiyan. Damn! Iba na ‘to.
Naisip kong hindi na nga normal pa ang ginagawa ng pinsan ko. Nang nasa halos garter na ng boxer short at brief ko ang kamay niya ay gusto ko na siyang pigilian ngunit nangingibabaw pa din sa akin ang curiosity. Gusto kong makasiguro kung ano nga ba talaga ang ginagawa ng pinsan ko kahit alam na alam kong iyon nga talaga. Tumbok ko na ang gusto niya, in denial lang ako. Nang pumasok ang kamay niya sa brief ko at sapo niya ang hindi pa tumitigas na kargada ko ay iyon na ang hinihintay kong hudyat para iparamdam sa kaniya na gising ako. Huminga ako ng malalim at ikinilos ko ang kamay ko. Kunyari ay nagising lang ako. Mabilis niyang tinanggal ang kamay niya na nakasuksok sa aking brief.
Dumapa ako.
                Sandali siyang hindi muna kumilos. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang labi niya sa aking batok. Parang inaamoy niya ako.
Kumilos muli ako. Bumalikwas.
                “Hindi ka ba naiinitan insan?” tanong ko.
                Nakita kong mabilis siyang umayos ng higa na na parang walang nangyari. Tumayo ako. Binuksan ko ang aircon. Kumuha ako ng comforter at isa pang unan. Nagsuot na din ako ng damit at saka pajama. Mahirap na. Okey lang sana kung hindi ko siya pinsan. Baka kanina pa kami tapos. Inilagay ko ang unan sa gitna namin at binalutan ko ang katawan ko ng comforter.
                “Magpahinga ka na insan. Bukas pasyal tayo.” Sambit ko.
                “Good night kuya.”
                “Good night insan.

                Madaling araw ay tulog pa siya nang magising ako. Nakayakap ang isang kamay niya sa akin sa ibabaw ng aking comforter. Wala na ang unan sa pagitan namin. Tinanggal ko ang kamay niya.
                Uminat siya at tumihaya. Nakita ko ang nakabukol sa kaniyang brief na halos iangat na nito ang garter ng kaniyang brief. Itinapon ko ang comforter ko sa harap niya para itago iyon dahil alam kong kaunting galaw na lang niya ay luluwa na.
                Pagkatapos ng agahan namin ay nagpaalam na si tita dahil wala daw kasama si tito na titingin sa negosyo nila. Ibinilin na lang niya sa amin si Love. Hinatid muna namin si tita sa terminal ng bus sa Cubao. Muling nanariwa sa akin ang alaala namin ni Zanjo mula sa terminal ng Cubao kung kailan siya nawala hanggang sa pagbibigay niya sa akin kay Teddy Zanjo at ang paglalakad namin ng mabilis papunta sa bus station na magkahawak-kamay. Naiwan ko si Teddy Zanjo kina lola. Sige na nga, ang totoo sinadya kong hindi na lang ito ipinakuha. Ang laptap ko na lang na regalo nina Mommy at daddy sa akin at ilang mga gamit ko ang pinakuha ko noon. Yung cellphone na regalo ni Mommy kay Zanjo ay kasama ng mga ibang gamit ko doon kina lola na niluluma na ng panahon.
                “Bakit bigla kang nalungkot kuya? May naalala ka ba?” tanong sa akin ni Love.
                “Wala.” Maikli kong sagot. Ngunit hindi ko talaga maitago ang sama ng loob na dinadala ko kay Zanjo. Mahal na mahal daw niya ako, ipaglalaban daw niya ang pagmamahal niya sa akin? Nasaan siya ngayon? Nasaan ang pagmamahal na iyon nang kailangan ko siya?
                Pagkahatid namin kay tita ay dumaan na kami ni Love sa Glorietta. Kung saan kami unang namasyal noon ni Zanjo. Si Love ang mapilit na doon kami mag-ikot at manood ng sine. Sa totoo lang, hindi na muli akong pumasok sa mall na iyon dahil nagpapabalik sa akin ang alaala ni Zanjo. Ewan ko ba. Habang tumatagal ay nananabik ako sa kaniya ngunit mas lumalaki naman ang galit ko sa mga katulad niyang kumitil sa buhay ni Daddy. Dalawang taon na ang nakararaan ngunit masidhi pa din iyon. Pinapasidhi pa lalo ng mga kabuktutang ginagawa nila at prinsipyong hangal lang ang maniniwala.
                “Hindi ka yata nag-eenjoy na kasama ako. Kanina ka pa walang imik. Iniisip mo ba si kuya Zanjo?” si Love, nakangiti at nang-aasar.
                “Bakit ba pinag-iinitan mong isingit lagi si Zanjo. Higit dalawang taon na akong walang balita doon sa tao. Saka kaibigan ko lang ‘yun.”
                “Kaibigan nga lang ba?” iba na naman ang dating sa akin ng kaniyang tanong na iyon.
                “Ewan ko sa’yo. E, ano pa nga ba?” asar kong sagot sa kaniya.
                “E, di sige, kaibigan na lang.”
                “Bilisan mo nang ubusin yang pagkain mo at manood na tayo saka magpahinga. Bukas aakyat na ako ng Baguio para magsubmit ng aking application para Philippine Military Academy Cadet Qualification Test.”
                Kinagabihan ay maagang natulog sina Claire at Mommy dahil may mga pasok sila kinabukasan.
                “Umiinom ka ba?” tanong ko kay Love dahil mula kaninang umaga at hanggang pagdating namin sa bahay ay puro si Zanjo na lang ang nasa isip ko.
Hindi ko alam kung paano ko siya kalilimutan. Itong si Love kasi, panay ang paalala niya. Gusto kong uminom habang maaga pa para mas maaga din akong malasing at makatulog. I-set ko na lang ang alarm ko para maaga din akong magising.
                “Beer lang ako. Di ko pa kaya ang hard.” Sagot niya.
                “O sige beer. Tara sa kuwarto. Sabayan mo ako insan.”
                Nang nasa kalagitnaan na kami ng aming inuman ay nagtanggal siya ng sando niya. Muling tumambad ang magandang katawan ng pinsan ko sa aking harapan. Patay malisya lang ako. Medyo nahihilo na din kaming dalawa. Pareho kaming nakatutok sa TV, sinasagot ko lang ang tanong niya tungkol sa buhay Manila at mga universities na maari niyang pasukan o pag-enrollan.
                Hanggang naramdaman kong may tama na nga ako. Nagpaalam muna ako sa kaniya para kumuha ng tubig sa baba dahil kailangan kong uminom ng maraming tubig at iwas hang-over kinabukasan.
                Pagbalik ko ay papasok na siya ng banyo na wala na namang kahit anong saplot sa katawan. Damn! Nag-init ako.
Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga niyang painitin ako pero hindi ko gusto ang pakiramdam ko. Huling sex ko na sa kapwa ko lalaki ay noong kay Zanjo pa dahil kahit maraming nagkakagusto sa akin sa campus na mga paminta. Umiwas akong makipagbarkada o makipagkilala. Gusto kong mandiri sa naiisip ko tungkol kay pinsan. Habang hinihtay ko siyang lumabas sa banyo dahil kailangan ko ding magshower ay inubos ko na ang naiwan kong kalahati ng beer.
                Paglabas niya ay tanging brief na lang ang suot niya.
                “Magshower din ako.” Maikli kong sabi paglabas niya ng aking banyo.
                Nang nasa loob na ako ay tinanggal ko lahat ang suot ko. Nagsasabon na ako ng aking katawan nang makaramdam ako ng kakaibang libog. Si Zanjo ang naisip ko dahil sabay kaming naligo noon sa banyong ito. Nang sinasabon ko ang aking alaga ay hindi ko mapigilang hindi iyon laruin. Libog na libog na ako at nakapikit habang tanging ingay ng tubig galing sa shower ang pumupunit sa katahimikan. Biglang may kakaibang init ng katawan na dumampi sa hubad kong katawan. Napakislot ako sa gulat.
Si Love.
Hubad din at nakatirik ang kaniyang alaga. Hindi ko alam kung dala ng pinaghalong kalasingan at init ng katawan para tuluyang pagbigyan siya. Hindi ko siya pinigilan sa kaniyang ginagawa. Pumikit na lang ako. Naramdaman ko ang kaniyang mainit na labi sa aking leeg, pababa sa aking dibdib hanggang sa muling umakyat ito papunta sa aking labi. Tumanggi akong magpahalik doon. Ibinaba ko ang ulo niya sa aking alaga. Lumuhod siya sa harapan ko. nilalaro niya ang alaga niya habang subo niya ang kargada ko. Hinayaan kong maramdaman ang sarap ng kaniyang ginagawa sa akin. Nangangatog ang tuhod ko sa sarap. Napapatingkayad ako sa kakaiba niyang hagod. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang hindi mapamura.  Siya man din ay sumabay sa pag-abot ko ng rurok ng aking pagnanasa. Natapos iyon ng masaganang pagbulwak ng aking katas at paninigas ng aking binti. Napamura din siya at nakita ko ang pagtalsik ng kaniyang katas na tumama sa aking binti at nang naglaon ay sumama sa tubig.
Nang matapos iyon ay para akong nahimasmasan. Bigla akong nagsisi. Hindi ko dapat ginawa iyon. Nang makapagmumog siya ay lumabas sa banyo. Tinitignan niya ako ngunit ako ang hindi makatingin sa kaniya. Para ako yung nahiya sa ginawa kong pagpatol. Mas panganay ako sa kaniya kaya sana ako ang nagpigil sa kaniya bago mangyari iyon sa amin.
                Pagbalik ko sa aking kama ay nahihiya pa rin akong tumingin sa kaniya ngunit siya ay parang wala lang nangyari. Binagsak ko ang katawan ko sa aking kama saka ko hinila ang kumot ngunit mabilis siyang pumatong sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon kaya hindi kaagad ako nakakilos.
                “Insan, anong ginagawa mo?” wika ko sabay ng pagtabig ko siya.
                Tumihaya siya. Alam kong nakainom kaming dalawa ngunit hindi ako gano’n kalasing para sana hindi ko alam ang nangyayari.
                “Matagal na kitang mahal. Second year high school palang tayo mahal na kita.”
                Mahina ang pagkakasabi no’n pero napakalakas ng impact nun sa akin. Napakunot noo ako. Tinignan ko siya. Gusto kong isiping binibiro lang niya ako. Ngunit seryoso siya. Gusto ko siyang sagutin ngunit hindi ko magawa. Pinulot ko ang kumot at unan ko.
                “Lasing ka lang insan. Matulog ka na. Doon lang ako sa guest room kasi maaga ako aalis bukas. Baka tulog pa kayo pag-alis ko kaya ikaw na bahala kina Mommy muna dito ha.” Pamamaalam ko. Ako na lang ang iiwas.
                Hinawakan niya ang braso ko.
                “Ako na lang sa guest room, ikaw na lang sa kuwarto mo.” Pamimigil niya sa akin.
                “Huwag na. Ikaw dito at ako doon.”
                “Iniiwasan mo na ba ako kuya dahil sa nangyari? Hindi mo ba naramdaman kung gaano kita kamahal. Sa school press conference palang noon, alam kong naramdaman mo na hinalikan kita kasi naramdaman ko ang paggalaw ng iyong labi nang magkatabi tayo sa pagtulog?”
                “Anong sinasabi mo? Walang ganun. Hindi ko alam ang sinasabi mo, insan.”
                “Nang pumunta tayo sa jamboree, ako ang tinabihan mo at sa mismong sa lap ko ikaw natulog habang hinahawakan ko ang kamay mo. Hindi ka noon tumanggi. Kuya alam kong kahit paano ay gusto mo din ako. Kaya lang si Zanjo ang iniisip mo. Kahit nang namatay si tito, naramdaman mo ba ako? Alam mo bang ako ang laging nasa tabi mo nang burol ni tito hanggang sa ilibing siya? Ako yung nandun kuya. Pero parang hindi mo ako nakita. Parang hindi mo ako nararamdaman.”
                “Love, nakainom ka lang. Hindi mo alam ang sinasabi mo. Mag-usap tayo pagbalik ko dito. Sa ngayon, kailangan ko nang matulog kasi may lakad ako bukas.” Gusto kong iwasan siya. Nagugulat ako sa mga naririnig ko mula sa kaniya. Tinungo ko ang pintuan na nalilito. Bago ako makalabas ay hinawakan niya ang kamay ko.
                “Kuya!” pamimigil niya. “Tabi tayo.”
                “Love, please. Diyan ka na at doon ako sa kabilang kuwarto. Saka na lang tayo mag-usap.” Mabilis kong isinara ang pintuan.
Napakalakas ng kabog ng aking dibdib.
                Nang nakahiga na ako ay muli kong inisip ang sinabi niya sa akin. Nang Press Conference magkatabi kami noon sa pagtulog. Madaling araw nang maramdaman kong may humahalik sa akin ngunit akala ko panaginip lang iyon. Kasi ang nasa panaginip ko noon ay si Zanjo. Iyon yung mga panahong namimiss ko siya dahil nga magkaaway kami at tanging sa panaginip ko lang siya bihirang makasama. Nang nagising ako noon ay nakayakap na ako kay Love at nakayakap din sikya sa akin. Malapit lang ang bibig niya sa bibig ko. Ako ang tumalikod noon ngunit hindi ko talaga alam na nakipaghalikan ako sa kaniya sa labi. Damn!
                Nang pumunta kami sa Jamboree. Pagod ako noon sa sunud-sunod kong biyahe. Hindi ko alam na hinahawakan niya ang kamay ko. Maaring siya alam niya ngunit ako, tulog na tulog ako. kung anuman ang ginawa niya sa akin, wala ako noong malay. Pinsan ko siya. Hindi niya dapat sinasabing mahal niya ako. Ano itong nangyayari sa amin? Pinilit kong makatulog.
                Madaling araw ako ng umalis sa bahay. Tulog pa ang lahat. Sa biyahe ay wala akong naiisip kundi ang nangyari kagabi. Sa mga narinig ko mula kay Love. Ngunit tulad ng pilit na pagpasok ng mga alaala ni Zanjo sa isip ko, pinipilit ko ding takasan ang mga gumugulo sa isip ko tungkol kay Love. Damn! Bakit ako ganito kaapektado?
                Pagdating ko sa sa PMA ay dumiretso na agad ako PMA Liason Office in AFPMC para sa aking final processing ng aking application. Sinabihan akong maghintay lang at bumalik kahit hanggang dalawang oras lang. Namasyal muna ako sa Burnham Park at doon ay pinag-isipan ko ang lahat-lahat. Sa tuwing may away kami o tampuhan noon ni Zanjo ay si Love ang aking takbuhan. Siya ang parang panakip-butas ni Zanjo. Lalong nagiging kakaiba ang kabaitang ipinakikita niya sa akin  noong namatay si Daddy. Binalot ako ng galit. Hindi ko iyon napansin. Ngunit kahit gaano pa kaguwapo si Love hindi puwede. Pinsan ko siya. Si Zanjo pa din ang mahal ko ngunit tumatanggi na ang utak ko. Nahihirapan lang akong tuluyang supilin ang nararamdaman kong iyon. Ngunit alam kong kapag tumagal pang hindi ko siya makikita, tuluyan na ding matutulungan ng aking utak na ipaintindi sa puso ko na tapos na ang sa amin ni Zanjo. Kaunting tiis pa.
                Pagkaraan ng dalawang oras ay bumalik na ako sa PMA Liason Office at sinabihan akong bumalik ng March 31 para maging buong handa sa pagsisimula ng training naming ng April 1. Ang araw na iyon kasi gaganapin ang aming  Oath Takinng Ceremony and reception rites bilang hudyat na unang araw na namin iyon sa pagiging kadete ng PMA.
Minabuti kong dumaan muna sa SM Baguio bago bumalik ng Maynila para makapgmiryenda at makabili ng kahit anong pasalubong kay Mommy, Claire at Love saka kay Manang.
                 Gabi na nang makabalik ako. Tulog na silang lahat. Pumasok ako sa kuwarto ko at nakita ko si Love na tulog na tulog at tanging brief lang ang suot niya. Napailing ako. Magandang lalaki ang pinsan ko. Tingin ko nga mas guwapo pa siya sa akin ngunit bakit sa akin pa siya nahuhulog. Maingat akong kumuha ng aking boxer short at sando. Lumabas ako at tinungo ko ang aming guest room. Doon na muna ako matutulog. Naisip kong silipin ang lilipatan ni Love na kuwarto dahil hindi na talaga siya puwede sa kuwarto ko matulog. Hindi na kami puwedeng tabi matulog.
Maayos na ang lilipatan niyang kuwarto. Malinis na. Nandoon na nga ang ibang mga gamit niya. Nakita ko ang naka-frame na picture. Dalawa kami. Kuha iyon ni Sir Nestor noong sumali kami ng Press Conference. Nakaakbay ako sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang kakaibang saya. Tipid ang ngiti ko doon. Halatang may pinagdadaanan. Marahil nang mga panahong iyon, si Zanjo ang iniisip ko. Lumabas ako at pumasok na sa Guest Room. Hinayaan kong igupo ako ng pagod at antok.
                Maaga pa din ako gumising kinaumagahan. Nadatnan ko na sa kusina si Mommy at Claire na nakaupo sa mesa at si Love ay masayang nagluluto ng agahan.
                “Good morning!” bati ko. Lumapit ako kay mama, bineso ko siya kasi di ko na siya napuntahan sa kuwarto niya kagabi. Bineso ko din si bunso. Tumingin ako kay Love. Kumindat siya at ngumiti. Guwapo nga ang hayop na batang ito. Naisip ko.
                “Anong oras ka dumating kagabi anak?” tanong ni Mommy.
                “Past 1 na po yata Mommy. Bakit si Love ang nagluluto? Nasaan si Manang?” tanong ko.
                “E, sabi niya, siya na lang daw ang magluto at ituloy na ni Manang yung tinatapos niya sa labas.”
                “Insan, sigurado ka sa ginagawa mo ha. Tamaan ka sa akin kung hindi ‘yan papatok sa panlasa ko.” biro ko sa kaniya.
                “Relaks ka lang chief! Sagot niya.
“Kuwento mo nga sa kanya yung niluto kong patok sa’yo sa agahan Claire.” Pambibida niya.
                “Oo kuya, proven and tested na ang luto ni kuya Love!”
                “Naghanap ka pa talaga ng kakampi mo. Sige, bilisan mo nang mahatulan ang pinagyayabang mong agahan!”
                Masarap ang sinangag niya at kakaiba din ang lasa ng kanyang scrambled egg. Medyo natutong lang ng kaunti ang kaniyang chicken tocino. Pero, panalo parin.
                “Sarap ah!” bati ko sa kaniya.
                “Ikaw lang chief e. Wala kang bilib sa akin.”
                Pagkatapos ng agahan ay pumasok na sa trabaho si Mommy. Accountant siya sa isang bangko. Si Claire naman ay pumunta sa bahay ng kaibigan. Kami ni Love at ang kasambahay lang ang naiwan. Gusto kong makatulog muli kaya ako pumasok sa kuwarto ko. Kahihiga ko pa lamang nang sumunod si Love sa akin.
                “Puwedeng tumabi?”
                “Matutulog ako eh. Babawi lang sa puyat.” Sagot ko.
                “Tatabi lang ako.” sabi niya. Hindi siya humingi ng permiso kasi mabilis na siyang humiga sa tabi ko. Hindi na ako nakahindi.
                “Payakap.” Hindi iyon pagpapaalam kundi sinasabi lang niya ang gusto niyang gawin. Dumikit ang katawan niya sa katawan ko. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba ngunit bago ako muling matunaw ng aking pagpipigil ay mabilis akong bumangon at umupo.
                “Mag-usap nga tayo. Umupo ka, mag-usap tayo.” May diin ang sinabi kong iyon. Hindi ko na kayang palampasin ang ginagawa niyang panunukso sa aking kahinaan.
                Umupo siya. Tumingin sa akin. Wala akong nakikita sa mukha niyang hiya o kaya takot. Ganoon na ba siya katindi? Damn!
                “Ano itong ginagawa mo insan?” diretsuhang tanong ko sa kaniya.
                “Sinabi ko na, mahal kita. Hindi ako lasing no’n. Nakainom ako, oo. Malakas ang loob kong sabihin iyon noon at paninindigan ko na ngayon.”
                “Alam mong hindi puwede di ba?”
                “Bakit sa inyo ni Zanjo puwede? Nakita ko kayo kuya. Alam ko ang ginawa ninyo noon sa jamboree. Ang lahat lahat ng ginawa niya doon sa bato. Sinundan kita noon. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na tayo ang magkasama at magkatabi sa bus papunta sa jamboree ngunit nang nagkaayos na kayo ni Zanjo, nawala na ako sa eksena. Siya at siya na lang muli ang nakikita mo. Hanggang sa pagbalik natin pagkatapos ng jamboree, hindi na ako tinabihan mo. Kung sana lumingon ka sa akin, nakita mo kung gaano ako naiiyak sa ginawa mo sa akin.”
                “Anong sinasabi mo?” wala akong ibang matanong. Gulat ako at tuliro. Nasukol niya ako.
Akala ko iyon lang ang mga katotohahang narinig ko ngunit may mga hindi pala ako alam na sadyang nagbukas lalo sa aking kaisipan. Nalito ako sa lahat ng mga pagbubunyag ni Love.  

PLEASE BE JOIN US IN OUR FACEBOOK GROUP

Wednesday, February 27, 2013

Mahal kita: Hanggang sa Huling Laban (Chapter 15)


 Patrick

Zanjo


Chapter 15

                Masakit na nakikitang unt-unting nalalagutan ng hininga ang dalawang mahal mo sa buhay at wala akong ibang magawa kundi ang humagulgol at magdasal. Kung sana may magawa lang ako. Kung sana kayo kong patigilin ang pagdurugo ng kanilang mga sugat ngunit sa pagkakataong iyon ay mas nagdurugo ang damdamin namin ng kapatid ko. Alam kong sa akin humuhugot si Claire ng lakas para makayanan niya ang nakikita niyang nangyayari kina Daddy at Mommy ngunit ako din mismo ay pinanghihinaan ng loob. Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya. Wala akong maapuhap na sasabihin. Hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya at ipangakong magiging maayos din ang lahat dahil nakikita niyang wala ng malay ang dalawang mahal namin sa buhay.
                Pagdating namin sa hospital ay mabilis nilang ipinasok sa emergency room ang aming mga magulang. Naiwan kami ni Claire sa labas. Walang tigil ang pag-iyak ni bunso. Takot na takot sa lahat ng kaniyang mga nasaksihan. Naisipan kong gampanan na ang pagiging matapang na kuya sa kaniya. Kahit gaano kahirap sa akin pagpakatatag para sa kapatid ko ay ginawa ko dahil nangako ako kay daddy na ako ang titingin kay bunso kunsakali mang hindi nila malusutan ang nangyaring trahedya sa aming buhay.
                “Bunso, tumigil ka na sa kaiiyak mo.”
“Kuya, ayaw kong mamatay sina mommy at daddy. Natatakot ako kuya.
“Ako din bunso. Ayaw kong din na mamatay silang dalawa. Pero gusto nina mommy at daddy na magpakatapang tayo para sa kanila. Samahan mo ako sa chapel para magdasal tayo sa kaligtasan nila.”
                “Kuya mamatay na ba sina Daddy at Mommy?”
                Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong na iyon ni Claire. Ayaw kong umasa ang kapatid ko ngunit ayaw ko din naman na tuluyang siyang panghinaan ng loob. Lumuhod ako sa harap niya.
                “Mahal tayo ng Diyos bunso. Alam kong hindi niya hahayaang mawalan tayo ng daddy at mommy. Kaya tayo magdadasal para iligtas Niya sila sa kamatayan. Kailangan nating magtiwala ngayon sa kaniya.” Inakay ko ang kapatid ko papuntang chapel.
                Doon ay muli akong naluha. Humihingi ng kaniyang himala. Umaasang sa dami ng kasabay kong humihingi ng kaniyang awa at tulong ay isa ako sa mapagbibigyan niya. Dat-rati ay hindi ako humihingi sa kaniya ng tulong, halos sa buong buhay ko ay lagi lang akong nagpapasalamat sa lahat ng Kaniyang ibinigay sa akin, ngayon lang, ngayon ko higit na kailangan ang kaniyang tulong at himala. Ang dati’y tahimiik kong pagluha ay naging isang malakas na iyak. Tinignan ako ni bunso. Tumayo siya at naramdaman kong tinatapik niya ang likod ko. Hindi man siya nagsasalita ngunit alam ko kung ano ang gustong sabihin no’n. Kailangan kong magpakatatag. Ngunit sana sabihin ng Diyos kung paano magpakatatag kung ang kaniyang nilalang ay nasa matinding pagsubok. Sana bigyan niya ako ng tibay ng loob para harapin ko ng buong tapang ang biglang nangyari sa aming mga magulang.
                Ilang sandali lang kami sa loob ng chapel nang dumating sina lolo at lola. Niyakap ni lolo si bunso at niyakap naman ako ni lola.
                “Huwag kayong mag-alala mga apo. Makakaligtas ang mommy at daddy ninyo. Kung sakali man, nandito pa din kami ng lolo ninyo para alagaan kayo. Hindi kayo nag-iisa. Nandito lang kami.” Hinaplos ni lola ang likod ko.
                Sabay kaming pumunta sa tapat ng emergency room ngunit dahil daw nakakasagabal kami sa daan ay sinabihan kaming sa waiting area na lang kami maghintay. Nang naghihintay kaming lumabas ang doctor ay sumagi sa isip ko si Zanjo. Hindi ko alam pero nagpupuyos ang damdamin ko. Alam kong wala siyang kinalaman sa pagkabaril nina Mommy at Daddy ngunit galit ako sa mga kasamahan niyang gumawa nito. Noon ko naintindihan ang galit niya kay Daddy. Ngunit hindi masamang taong ang Daddy ko. Kung nakapatay man siya, iyon ay bahagi ng kaniyang tungkulin. Kailangan bang kitilin ang buhay niya dahil lang sa pagganap niya ng kaniyang tungkulin? Kailangan ba siyang gantihan kahit trabaho lang ang dahilan ng kaniyang pagkakautang sa buhay ng iba?
                Lumabas ang doctor.
                “Sino ang mga kamag-anak nina Lieutenant Colonel Lito Ancheta at Mrs. Alice Ancheta?”
                “Kami ang mga magulang nila dok.” Mangiyak-ngiyak na pagpapakilala ni lola.
Lumapit sa akin si lolo at inakbayan niya ako.
“Nasa kritikal na kundisyon parin si Mrs. Alice Ancheta at kailangan niyang masalinan kaagad ng dugo. Gusto kong magpakahinahon kayo at ikinalulungkot ko hong ipaalam na binawian na ng buhay si Lt. Colonel. Wala na po siyang buhay nang makarating sa hospital. Nakikiramay po ako.”
                Nanikip ang dibdib ko. Kahit nakita kong wala ng buhay si Daddy kanina ay iba pa din ang dating sa akin na makumpirmang wala ng buhay ang ama ko. Nagsimulang umagos ang aking luha. Pinilit kung huminga ng malalim ngunit parang hindi ko kayang punuin ng hangin ang aking baga. Nangangatog ang aking mga tuhod. Malakas ang iyak ni Claire sa tabi ko, humahagulgol si lola. Umaagos ang mga luha ni lolo at ako ay tuluyang napaupo na hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin at isipin.
                “Hindi puwedeng mamatay si Daddy Lo. Alam ko kaya ni Daddy labanan ‘yun. Di ba hindi totoo ang sinabi ng doctor? Buhay si Daddy! Hindi puwedeng mamatay si Daddy!” sumisigaw na ako. Gusto kong tanggapin ngunit paano?
                Pinatayo ako ni Lolo ngunit parang nanghihina parin ang tuhod ko. Mahigpit niya akong niyakap.. Mahigpit na mahigpit. At natagpuan ko ang ulo ko sa kaniyang balikat. Si Claire ay nakayakap kay Lola. Sabay silang humahagulgol. Humakbang si lolo at bahagya niya akong hinila. Lumapit kami kina lola at bunso. Isang buong pamilyang pinagsasaluhan ang isang malagim na trahedya. Iyon ang unang dagok sa aking buhay, ang maagang mawalan ng isang ama.
                Ilang sandali pa ay inilabas na ang bangkay ni Daddy na nakatakip ng puting tela. Lahat kami ay nakamasid at walang tanging magawa kundi ang iluha lang ang sakit ng kaniyang pagkawala.
Kinagabihan no’n ay kinausap ako ni lolo.
“Apo, alam ko, bata ka pa para magdesisyon sa mga bagay-bagay ngunit alam kong matalino ka kaya gusto kong isangguni din sa’yo ang tungkol sa bangkay ng Daddy mo. Kailangan na nating tanggapin na wala na siya. Maiaayos natin ang burol at pagpapalibing sa kaniya kung bukal na sa loob mong tanggapin na wala na ang Daddy mo. Tinatanong ako kanina kung hanggang kailan ang burol niya. Sinabi kong aalamin ko muna sa iyo kung ano ang pasya mo.”
“Lo, gusto kong makita ni Mommy si Daddy. Mas madali sa aking ipaliwanag Lo kung makita o maihatid ni Mommy ang bangkay ni Daddy kaysa na ilibing na natin siya na hindi natin susubukang hintayin na bumalik ang malay ni Mommy.”
“Dalawang linggong burol, apo. Puwede na ba iyon? Uuwi na si tito mo na kapatid ng daddy mo mamaya. Siya ang tutulong na iayos ang bangkay ng Daddy mo. Nasa critical na kondisyon din ang mommy mo. Kailangan natin ipaalam sa mga kapatid at magulang niya sa Cebu. Alam mo ba ang contact number nila at si Lola mo na ang bahalang kumausap sa kanila?”
“Oo ‘Lo. Sana makayanan ni Mommy ang sugat niya kasi hindi ko alam kung paano kaming magkapatid kung pati siya mawawala din sa amin.”
“Magpakatatag ka apo.”
“Kinakaya ko naman Lo pero sa tuwing naalala ko ang ginawa nila sa Daddy at Mommy ko, hindi ko mapigilang mag-isip na maghiganti. Hindi ko hahayaang walang magbabayad sa ginawa nilang ito sa pamilya ko. Alam kong mga rebelde ang gumawa nito sa kanila kaya paghahandaan ko ang araw na singilin ko sila sa ginawa nilang ito sa pamilya ko.”
“Apo, hindi mo kailangang ilagay sa kamay mo ang batas.” Inakbayan ako ni lolo. Hindi ko maitago sa aking mga mata ang pagpupuyos ng aking damdamin.
“Walang kinikilalang batas ang mga kagaya nila Lo. Dapat lang na daanin din sa dahas dahil iyon ang alam nilang laban.”
“Bata ka pa para isipin iyan. Galit ka lang sa nangyari sa Daddy at Mommy mo. Wala tayong ibang gawin ngayon kundi ang ayusin muna ang bangkay ng Daddy mo. Kailangan pa natin maghanap ng donor na ipalit sa dugo na isinalin nila sa Mommy mo.”
“Puwede bang sa malapit lang dito sa hospital ang burol ni Daddy ‘Lo?”
“Bakit? Ayaw mo sa bahay?”
“Delikado kaming magkapatid doon ‘Lo. Saka gusto kong hatiin ang oras ko kina Mommy at Daddy. Sa tanghali ako kay Daddy at sa gabi ko babantayan ang nag-aagaw buhay pang si Mommy. Kung sakaling magkamalay si Mommy, gusto kong ako ang unang makikita niya. Gusto kong makita niyang nagpapakatatag ako para sa pamilya namin.”
“Hindi mo naman kailangang gawin iyan apo lalo na kung darating ang mga kapatid niya. Kailangan mo ding magpahinga.”
“Hindi Lo, gusto kong ako. Gusto kong hatiin ang oras ko sa kanilang dalawa. Gusto ko hong sanayin ang sarili ko kung paano magiging matatag dahil iyon ang ibinilin sa akin ni Daddy bago siya nabawian ng buhay.”
“Sige, maghahanap tayo ng malapit dito para sa burol ng Daddy mo. Maraming mga sundalo sa labas gusto nilang protektahan ang mga gustong makiramay.”
“Sana ginawa nila nang buhay pa si Daddy.”
Kinaumagahan, nang naayos ang burol ni Daddy ay salitan kami nina lola at lolo sa pagbabantay sa labi ni niya. Naroon din si Claire sa tabi namin ngunit madalas kong sabihan si bunso na magpahinga. Isinasama ko siya sa hospital kinagabihan dahil ayaw niyang magpaiwan at gustong ako lagi ang kaniyang kasama.  Ayon sa doctor maaring ilang oras o maaring ilang  araw din ay magkakamalay din si Mommy. Hindi nga lang nila masigurado kung kailan. Sa sofa ko si pinatulog si bunso at sa tabi ng kama ni Mommy na ako inabot ng antok. Madaling araw nang maramdaman kong gumalaw ang kamay ni Mommy.
“Mommy! Mommy! Gising ka na Mom!”
“Ku-mus-ta ang dad-daddy mo ku-kuya?” nahihirapang tanong niya. Si daddy ang una niyang hinanap at kinumusta.
“Mommy, magpalakas ho muna kayo. Huwag na ho muna ninyo isipin ang tungkol kay Daddy. Sandali po at tatawag ako ng doctor.”
“A-anak, sa-gutin mo a-ako ng di-retso. Gus-to kong ma-mala-man kung ku-mus-ta ang la-gay ng da-daddy mo?” nakita ko sa kaniyang mukha ang kagustuhang malaman ang katotohanan.
Naunang tumulo ang aking luha. Gusto kong magpakatatag sa harap niya e. Iyon nga ang dahilan kaya nandoon ako. Sa akin siya huhugot ng lakas. Ngunit mahirap pala. Hindi ko pala kayanin ang lahat. Tumalikod ako. Pinunasan ko ang luha ko.
Nang humarap ako ay nakita kong tumulo na ang luha ni Mommy sa kaniyang pisngi. Alam kong hindi ko na kailangang sabihin pa ang lahat sa kaniya.  Tahimik lang ang kaniyang pag-iyak. Nakikita ko sa kaniyang mukha kung gaano siya nahihirapan. Nahabag ako sa nakikita kong kalagayan niya. Nakabenda ang kaniyang katawan at mahina pa ito ngunit masamang balita kaagad ang nalaman niya pagbukas niya ng kanyang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kaniya. Napakagat labi ako. Pinipigil kong maluha muli sa harap niya ngunit nasasaktan akong nakikita siyang dumadaan sa ganoon kahirap.
“I-lang a-raw akong wa-lang ma-lay anak?”
“Higit isang araw po.”
“Gu-Gusto kong ma-kita ang labi ng Daddy mo.”
“Magpalakas ka muna Mom. Dalawang linggo ang kaniyang burol dahil gusto ko makita mo muna siya bago natin ihatid sa kaniyang huling hantungan.”
“Si bunso? Na-saan si bunso?”
“Hayun siya sa sofa Mom, tulog.”
“Sala-mat sa Diyos at lig-tas kayong mag-kapatid.”
“Mom sandali lang tatawag ako ng Doktor kasi iyon ang bilin nila sa akin. Sabihan ko daw sila kung magkamalay ka na.”
“Sige, a-nak.”
Kinabukasan ay dumating ang mga kapatid ni Mommy. Matanda na ang lola namin sa Cebu at patay na ang lolo ko kaya sila lang ang nakarating. Lumapit ako kay mommy para magpaalam at kay Daddy naman ako magbabantay.
“A-nak, huwag mo na akong intindihin muna dito. Ilang araw mo na lang makakasama ang Daddy mo kaya doon ka na muna sa burol niya. Kung kaya na ng katawan ko kahit sa mismong burol ng Daddy mo ay magpapahatid ako sa mga tito at tita mo.”
Hinalikan ko sa noo ni Mommy saka ako umalis.
Sa burol, habang binabantayan ko ang bangkay ni Daddy ay hindi ko parin maiwasang hindi maluha lalo na kung papasok sa isip ko na bigla na lang nilang kinitil ang buhay ni daddy ng ganun na lang. Hindi ko alam pero hindi ko nararamdaman ang pagmamahal ko kay Zanjo. Binalutan ng galit ang puso ko. Mga kasamahan niya ang kumitil sa buhay ni daddy at naglagay sa alanganin kay Mommy. Hinding-hindi ko sila mapapatawad. Gaganti ako. Hindi sa paraang ginagawa nila. Paghahandaan ko ang araw na iyon. Kung ang pagiging sundalo ang paraan para magantihan sila ay gagawin ko. Hahanapin ko silang lahat at isa-isa kong iparamdam sa kanila ang sakit na ginawa nila sa akin.
Pagkaraan ng isang Linggo ay nagdesisyon kami nina lolo, lola at mommy na dalhin ang bangkay ni Daddy sa Manila dahil sa Libingan ng mga Bayani siya ililibing. Dinala na din sa Manila si Mommy at inilipat sa ibang hospital.  Nasa simbahan na kami para sa Concelebrated Requiem Mass ni Daddy ngunit di parin dumadating si Mommy. Hindi ko alam kung tuluyang hindi pa siya pinapayagan ng doctor dahil iyon ang sinabi ni tita sa akin kahapon. Baka daw kasi magkaroon ng internal bleeding kung pipilitin niyang pumunta sa libing ni Daddy. Naawa ako kay Mommy. Alam kong pinipilit lang niyang magiging malakas sa harap ko. Alam kong humahagulgol siya at nanghihina sa tuwing nakatalikod ako sa kaniya.
Natapos ang misa. Nagsalita ang mga kabaro ni Daddy. Maraming naluluha habang inihahayad nila ang katapangan at katapatan sa paglilingkod niya sa bansa. Hanggang tinawag ako para magsalita kung ano si Daddy bilang tatay. Nakaramdam ako ng hiya. Parang hindi ko alam kung paano ako haharap sa marami at may mga katungkulan sa lipunan. Paano ko ba simulang sabihin kung gaano kadakilang tao at kabuting ama si Daddy? Parang nakita ko si Zanjo. Katulad nang sumali ako ng extemporaneous speech. Pinalalakas niya ang loob ko. Ngunit pinilit kong tinanggal siya sa utak ko. Inisip ko ang sinabi sa akin ni daddy. Kailangan kong magpakatatag para sa aming pamilya. At isa na ito sa simula, kung paano ko iyon ipakikita sa kaniya. Harapin ang mga taong may matataas na katungkulan. 
“ Bago tuluyang nawalan ng malay si Daddy, may sinabi siya sa akin na hindi ko makakalimutan. Sabi niya, pipilitin ko daw  makatapos at kung sakaling magtagumpay ako, isipin ko lang na laging ipaglaban ang mga naaapi. Doon daw ako sa tama at hindi sa katotohanan. Doon ako sa kung ano ang mabuti hindi sa kung ano lang ang ginagawa ng nakakarami. Hanggang sa huling hininga niya, wala siyang ibang inisip kundi ang ipagtanggol ang mga naaapi. Gusto niyang isipin ko na nakikipaglaban siya sa kung ano ang tama at mabuti ngunit ang masakit ay buhay niya ang naging kapalit. Ngunit hindi ho ako magsasalita tungkol sa kung sino siya sa trabaho. Nandito ako para ihayag kung sino siya bilang ama at bilang mabuting asawa ni Mommy.” Doon na nagsimulang tumulo ang luha ko. Hindi ko na naman kayang supilin ang nararamdaman kong pagdadalamhati. Pinunasan ko ng panyo ang aking aking luha.
 “Tulad ng ibang mabuting ama, wala siyang ibang ginawa kundi ang maiayos ang buhay namin ni bunso. Walang araw na hindi naming naramdaman ang kaniyang pagmamahal kasama man namin siya o hindi. Madalas mang wala siya sa aming piling ngunit ni minsan hindi naming naramdaman ang kaniyang kawalan, patuloy niyang ipinaparamdam ang pagmamahal niya sa amin. Sa tuwing may mga bagay akong hindi naiintindihan sa aking paglaki, siya ang sa akin ay nagbibigay ng kaliwanagan, alam niya kung ano ang gusto namin ni bunso at kung ano ang mas nakabubuti sa amin. Ni minsan ay hindi kami pinagbuhatan ng kamay. Ni hindi niya pinaiyak si Mommy. Mahal na mahal niya ang mommy ko. Mahal na mahal niya kaming lahat.  Daddy, kung nasaan ka man ngayon, gusto kong ipangako sa’yo na ipagpapatuloy ko kung anuman ang nasimulan mo. Ako ang tatapos sa mga misyon mong hindi mo pa tuluyang nagagawa. Pangako, magpapakatatag ako para sa ating pamilya. Ito ang handog ko sa inyo na kanta ni Mommy. Sabi ni bunso sa akin, ito daw yung kantang gusto mo sanang kantahin ko noong araw na binaril kayo ni Mommy. Para sa inyo ni Mommy Ito dad. Kung sana nandito ka lang para isayaw niyong muli ni Mommy. Alam kong hinihintay ninyo ako noon na kantahin ko ito kaya magkayakap na kayo ni Mommy at naghahanda ngunit bago ka naming ihahatid sa iyong huling hantungan dad, ipababaon ko sa’yo ang kantang ito.” Umiiyak ang mga gustong makipaglibing. Kung alam lang nila na higit pa sa nakikita nila sa akin ang pagkadurog ng aking puso.

Back when I was a child
Before life removed all the innocence
My father would lift me high
And dance with my mother and me
And then
Spin me around 'till I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure
I was loved
Habang kinakanta ko iyon ay naiisip ko si daddy. Nang mga pahong binubuhat niya ako at ibinabato sa hangin. Yung kahit pitong taong gulang na ako ay binebeybi pa din niya ako at ipinaghehele. Ang mga sandaling nakakatulog ako sa kandungan niya habang nanood kami ng cartoon at bubuhatin ako’t ihahatid sa aking kuwarto. Kukumutan at hahalikan ako sa noo. Kunsakaling magising ako ay sandali niya akong tatabihan at susuklayin ang aking buhok hanggang sa ako ay muling makatulog. Alam ko na sa murang edad ko ay minahal ako ng walang katulad. Ngayon, wala ng gagawa pa sa akin ang ganoon. Huling araw ko na siya ngayong makikita.


If I could get another chance
Another walk
Another dance with him
I'd play a song that would never ever end
How I'd love love love
To dance with my father again

                Sana naging maayos akong mag-aaral sa Manila noon, kung sana dito ako nagtapos, sana buhay pa si Daddy ngayon. Ngunit wala na akong pag-asang maibalik pa ang panahong iyon. Hindi na ako mabibigyan pa ng isa pang pagkakataon. Patay na si daddy. Kinuha na siya sa amin. Nakita ko si Mommy na nasa wheel chair papasok sa simbahan. Tahimik pa rin ang kaniyang pagluha. Lalo akong naiyak nang makita siya sa ganoong kalagayan. Halos hindi ko maibuka ang aking bunganga para kantahin ang susunod pang mga linya. Humihikbi na din ako. Wala na si daddy. Iiwan na niya kami.

When I and my mother
Would disagree
To get my way I would run
From her to him
He'd make me laugh just to comfort me
yeah yeah
Then finally make me do
Just what my mama said
Later that night when I was asleep
He left a dollar under my sheet
Never dreamed that he
Would be gone from me

                Wala na si Daddy na takbuhan ko sa tuwing may mga gusto akong itanong. Hindi na babalik si daddy na siyang nagpapangiti kapag may topak ako. Si daddy na alam kung paano niya ako muling mapasaya sa simpleng chicken joy at spaghetti, sa pizza o kaya mga laruang lagi kong hinihingi.  Si daddy na kung aalis papunta sa kaniyang destino sa trabaho ay hindi kami kinakaligtaang pabulsahan ni bunso ng pera ng patago kay Mommy. Hindi ko napaghandaan ang kaniyang pagpanaw. Sino pa ang tatawagin kong daddy ngayong tuluyan na niya kaming iwan.

If I could steal one final glance
When final step
One final dance with him
I'd play a song that would never ever end
Cause I'd love love love to
Dance with my father again
Kung alam ko lang na mangyayari ang pamamaril nang araw na iyon. Malaki ang hinala kong ang lalaki na nakatingin ng masakit kay daddy noong graduation ko ang pumatay sa kaniya. Naikintal sa isip ko ang mukhang iyon. Sisingilin ko siya. Magbabayad siya sa ginawa niya kay daddy at mommy.
Nang nasa kabaong na ni Daddy si Mommy ay nakita ko kung paano na siya tuluyang humahagulgol. Natatakot ako para sa kaniya. Sa mga sugat na natamo niya. Ngunit alam kong hindi ko mapigilan si Mommy na ibuhos ang matagal na niyang kinikimkim na pighati. Alam kong dobleng sakit sa kaniya na isiping mawawalan siya ng asawa at ama ng kaniyang mga anak. Lumapit ako sa kabaong ni Daddy. Habang kinakanta ko ang sumunod na na mga linya.


Sometimes I'd listen outside her door
And I'd hear how mama would cry for him
I'd pray for her even more than me
I'd pray for her even more than me
Nang nasa tabi na ako ni Mommy ay yumakap siya sa akin. Tuluyan na niyang isinuko ang pagiging matatag niya sa harap ko. Paulit-ulit niyang sinasabi ng wala na daw si Daddy, iniwan na kami ni daddy. Kahit humihikbi ako ay gusto kong tapusin ang kanta para  kay daddy. Kahit napakahirap na sa akin ang huminga. Gusto kong sana marinig niya ang kagustuhan ni Mommy sa tulong ng aking kanta. Sana muling magparamdam si Daddy kay Mommy kahit sa panaginip lang. Kahit doon lang siya makapagpaalam ng maayos sa kaniya.I know I'm praying for much to much
But could you send her
The only man she loved
I know you don't do it usually
But Dear Lord
She's dying to dance with my father again
Nagdasal ako noon ng taimtim. Na bigyan ako ng himala ng Diyos. Na iligtas ang daddy at mommy ko. Ngunit binigo niya ako kay Daddy. Ngayon, nagdadasal muli ako, kasabay ng aking pagkanta ang kagustuhan ng aking puso at isipan, sana pagbigyan ng Diyos ang hiling kong bisitahin ni daddy si Mommy sa kaniyang panaginip. Sana makinig siya sa aking mga hiling.
Every night I fall asleep
And this is all I ever dream
Ibinaba ko ang mikropono. Niyakap si mommy. Lumapit si bunso. Doon naming ibinuhos ang huli naming pighati sa pagpanaw ni Daddy.
Nang nasa Libingan ng mga Bayani na kami ay nagkaroon ng gun salute ang AFP habang pinapatugtog ang national anthem. Bago tuluyang inilibing si Daddy ay tinanggal ang bandila ng Pilipinas sa ibabaw ng kaniyang ataul, itiniklop at saka iniabot kay Mommy na naka wheel chair pa.
"Mrs. Ancheta, in behalf of a grateful nation, may I have the honor to present to you this flag as a token of appreciation for the honorable and faithful service rendered by your late husband Col. Lito Ancheta.”
Umiiyak na tinanggap ni Mommy ang simbolo ng kabayanihan at katapangan ni Daddy. Nang inihagis namin ang mga hawak naming rosas sa ibabaw ng kaniyang kabaong ay nangako ako, hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakukuha ang hustisya. Wala akong aatrasan. Mananatili sa puso at isip ko ang alaala ni Daddy at iyon ang siyang gagamitin ko para ipagpatuloy ang labang kaniyang sinimulan.
Naging mabilis ang recovery ni Mommy ngunit hindi ang nararamdaman naming pangungulila para kay Daddy. Parang kasing nakikita naming siya nang nakauwi na kami sa bahay. Ngunit hindi natatapos ang buhay sa pagkawala ng isang mahal natin. Patuloy lang ang pag-ikot nito at wala kang ibang gawin kundi makiagapay.
Pasukan para sa first year college ko.
“Gusto kong pumasok sa PMA Mom.”
“Magsusundalo ka?” noon ko lang nakitang tumutol si Mommy sa gusto ko.
“Oho. Gusto kong sundan ang yapak ni Daddy.”
“Gusto mong tularan ang daddy mo o gusto mo lang maghiganti?”
“Mom, please!”
“Anak, kahit ilan pa ang mapatay mo sa mga rebelde, hindi na maibabalik ang buhay ng Daddy mo. Natatakot akong mawalan din ng anak. Ikaw na lang ang lalaki sa pamilya natin.”
“Nakapagdesisyon na din ho ako.”
“Wala na pala akong silbi sa pamilya natin kasi, ikaw din lang naman ang masusunod sa gusto mo.” Huminga siya ng malalim. Lumapit ako sa kaniya. Tinitigan ko lang siya ngunit nakikiusap ang mukha ko. Alam na niya iyon.
“Sige, ganito na lang. 72 units ang kailangan mong matapos sa college para tanggapin ka sa PMA, kumuha ka muna ng nanaisin mong kurso sa college habang naghihintay kang ma-qualify. At umaasa akong habang nag-aaral ka ay pag-isipan mo ang gusto mo. Baka sinasabi mo lang ngayon iyan dahil nasasaktan ka pa sa pagkawala ng daddy mo. Saka na lang natin pag-usapan kung matapos mo na ang second year.”
Tinupad ko ang kagustuhan ni Mommy. Kumuha ako ng kursong Computer Engineering. Sa unang araw ko sa college ay parang nanumbalik sa akin ang alaala ni Zanjo. Mukha niya ang parang nakikita ko. Hindi na kami nakapagpaalam sa isa’t isa ng maayos. Ni hindi niya nagawang pumunta sa burol ni Daddy o kahit silipin man lang ang kalagayan ni Mommy. Kung talagang mahal niya ako, sana alam niyang kailangan ko siya sa mga sandaling iyon. Kung sadyang mahalaga ako sa kaniya, sana nandoon siya sa mga panahong kailangan ko ang katulad niya. Ngunit ni anino niya hindi ko nakita. Dahil doon ay nagtanim ako ng sakit ng loob sa kaniya. Pinabayaan niya ako sa mga panahong higit ko siyang kailangan.
Sa college, wala akong ginawa kundi ang magkalap ng impormasyon sa mga rebelde. Ginugol ko ang oras ko sa pagbabasa sa library at nanood sa mga documentary videos tungkol sa mga gerilya. Kahit anong puwedeng alamin tungkol sa kanila ay hindi ko pinalampas. Naniniwala akong kung haharap ka sa kaaway, importanteng kilala mo sila para mas lalo mo silang mapaghahandaan. Nagkamali si Mommy sa sinabi niyang maaring mabago ng buhay college ang desisyon ko. Mas nanaig ang kagustuhan kong pumasok sa PMA lalo na nang mabasa ko at mapanood ang mga hindi makataong ginagawa ng mga makakaliwa. Kailangan nilang matigil. Kailangan kong tumulong sa bansa para matigil ang mali nilang prinsipyo.
Maraming guwapo at magaganda sa university namin ngunit wala pa sa plano ko ang magmahal. Hindi sa nagmamalinis, nagkaroon din ako ng girlfriend ngunit tatlong linggo lang iyon. Sinubukan ko lang.Mmay nangyari sa amin pagkaraan ng dalawang Linggong mag-on kami at doon ko nasisiguro, iba pa din ang kasiyahang…ah! Gusto kong supilin ang nararamdaman kong iyon. Ayaw ko na. Tama na. Ngunit kahit anong pagsupil ko, naroon si Zanjo, pumipintig ang puso ko sa kaniya. Mahal na mahal ko siya kahit hindi na iyon tanggap ng aking isipan.
Pagkatapos ng isa't kalahating taon ay palihim akong nag-exam sa PMACQT para makapasok sa PMA, buwan ng August noon ginanap. At natanggap ko ang result na pumasa ako ay sobrang saya ko. Alam kong iyon na ang unang hakbang para sa aking panininingil.
Huling linggo ng March nang muli kong hinarap si Mommy.
“Mom, buo na ang desisyon ko, papasok ako sa PMA. Pasensiya na kayo pero sana matutunan ninyong tanggapin ang desisyon ko. Pumasa po ako sa PMACQT.”
“Kuya, paano kung matulad ka kay Daddy.” Si Claire. Nasa first year high school na din si bunso.
“Bunso, hindi dahil nangyari kay Daddy iyon ay mangyayari din sa akin. Huwag kasi tayong negative. Ito ang gusto ko Mom. Please?”
Huminga ng malalim si Mommy. “Ano pa bang magagawa ko, nakapg-exam ka na pala at pumasa ng di ko nalalamanan. Sige, kung doon ka masaya, anak. Gusto ko lang na mag-iingat ka. Alam kong kahit di kita papayagan ay kagustuhan mo parin ang susundin mo.”
“Salamat Mom!” niyakap ko siya ng mahigpit. Tuwang-tuwa ako sa pagpayag niya sa akin.
Biglang natigil an gaming pag-uusap nang may nag-buzzer sa gate.
“Ako na ho ang mgabubukas ng gate Mom.” Sabi ko.
Pagkabukas ko ng gate ay nagulat ako sa kung sino ang aking napagbuksan.

BE ONE OF US! JOIN US IN FACEBOOK. JUST CLICK THE LINK BELOW AND CLICK JOIN:
https://www.facebook.com/#!/groups/163847130433213/

IF YOU WANT TO ADD ME, JUST SEND ME MESSAGE AND I WILL ADD YOU IN MY PERSONAL ACCOUNT:

https://www.facebook.com/#!/joemar.ancheta